Chapter 21

22 3 2
                                    

"Anong tea kay John Ceno?"

"Imagine 'yung iniidolo na'tin rapist pala. Shamee."

"Guilty rin ako! Sabi ko pa naman noon iba sila sa ibang streamer na mayabang haha. Hindi nga mayabang, rapist naman."

"Grabe noh, sila na nga lang yung pinapanuod ko kasi maayos. May tinatagong baho rin pala."

"Kawawa naman sila Theo, yung sinasama niya sa vlog niya rapist pala."

"Paanong kawawa? Baka nga alam nila yung ginagawa nun hinahayaan lang nila."

"Baka pare-pareho lang sila."

"Bitter Sweet Squad baka Bed Scene Squad hahaha."

"Korni naman neto," hindi mapigilang komento ni Bean na binabasa ang mga tweets at replies ng mga netizens na pina-print niya pa.

"Squad Goals."

Those words were like the last straw. 'Sobra na sila.'  Nakuyom ni John ang kamao nang marinig ang balita mula kina Eddie, Bean, Rove at Theo na binisita siya sa presinto. Napakadali lang pag piyestahan ang mga buhay ng tao kahit hindi nila alam ang buong pangyayari, o kung may pakialam ba sila sa katotohanan. Ang mahalaga ay may pinagkakaisahan sila.

Nag-aalala at takot na bumaling si John kay Theo na patuloy pa ring nagbabasa ng comments at ang maririning lang ay ang paglipat nito ng pahina. "So..." Halos hangin ang lumabas sa bibig ni John.

"Sorry, Theo," paiyak na sambit ni John. Napayuko siya, nagsisising nadamay pa ang mga kaibigan niya. If only he didn't make that mistake. Kung sana ay hindi siya nagpadalos-dalos sa pagsama kay Andra. Ngunit ang pinaka-pinagsisisihan niya ay ang pagiging mabait.

'Tinatanong ko ang sarili ko kung mabait nga ba ako o tanga lang. Kung sana hindi ako naging patas, sana pinaniwalaan ko na lang si Ran, kung sana tinanggap ko na lang ang desisyon niyang pagtapos sa pagkakaibigan nila kahit hindi ko alam ang panig ni Andra. Sana nagtiwala na lang ako sa kapatid ko.'

"Siguraduhin mo lang na ikaw ang biktima rito," may poot na sabi ni Theo.

'Out of all people—' Ipinilig ni John ang ulo at yumuko ulit nang maisip na may karapatan din sina Theo na magalit kahit na kaibigan niya ang mga ito.

"Ano ka ba, Theo. Nagpapadala ka na rin sa mga pinagsasasabi ng ibang tao. Kung sino man ang mas nakakakilala kay John, tayo 'yon," pangungumbinsi ni Bean na sinusubukang pagaanin ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

Eddie gulped before calling John's attention. "John, Andra's the one who really committed what she's accusing you, right?" he asked carefully, trying to settle it once and for all.

John clenched his fist, after some time, he nodded.

Eddie, Rove, and Bean smiled. Theo also loosens up a bit.

It was the first day of John's trial. Andra has prepared evidence, such as footage of her being tied up in bed, and a clip of her and John kissing. The first plan was to plea bargain but John decided and pleaded not guilty that's why the netizens were flooding hate comments and posts. John and Andra became a national topic.

***

Muling binisita ng apat si John. "Good news, may pumapanig pa rin sa atin." Nilabas ni Bean ang mga pina-print niyang screenshots.

"Ang hilig mo," nakangusong aniya ni John.

"Eh bawal magdala ng selpon sa loob eh!" pagdadahilan ni Bean na parang batang magre-report sa klase at may dalang kodigo.

We Can't See YouWhere stories live. Discover now