Chapter 16

32 8 0
                                    

Halos mapuno ang lamesa ng mga lata. Pang ilang salin na 'to ni John. Tinungga niya ulit ang laman ng baso, tuloy-tuloy ang lunok niya hanggang sa maubos 'yon.

Dinig sa background ang malungkot na kanta ng bandang kasalukuyang tumutugtog sa stage ng rooftop bar.

Mag-isa siya sa mesa, hindi rin matao sa palapag na 'yon ng restaurant. Malamig ang gabi. Kasing panglaw niya ang paligid.

"Jooooooohn!"

"Oyyyy!"

Maingay na bungad ni Bean na kasunod sila Theo, Eddie at Rove. Kakaakyat lang nila at bahagyang hinahangin ang mga buhok dahil sa sariwang hangin sa rooftop.

***

Panay lang ang inom ni John, nakatingin naman ang apat sa kanya at naghihintay ng eksplanasyon.

Kanina, niyaya niya ang apat sa group chat na magkita-kita sa resto-bar kung saan tumutugtog ang banda ni Bean noon.

Mga ilang minuto na rin siyang umiinom mag-isa pero ngayong nasa harap niya na ang mga kaibigan ay nakaramdam siya ng pagkalumanay at nilamon ng hiya. Galing pa ang mga ito sa trabaho at dapat ay nagpapahinga na pero lakas loob niya pang niyaya para lang sa walang kwentang bagay.

John sighed.

Nakapatong ang siko nito sa lamesa habang hawak ang baso, umuugoy ang katawan pa-kaliwa at kanan.

Dahil hindi pa rin nagpapaliwanag si John, doon nila nabigyang pansin ang mga lata. Nagkatinginan sila.

"Mannn, is this about Belle?" Nanghuhula ang boses ni Rove kahit alam niya na ang sagot.

Tumigil ang paghinga ni John nang marinig ang pangalan. Sinikap niyang hindi magpakita ng emosyon.

Nangibabaw sa pandinig nila ang pagnguya ni Bean ng bubble gum. His eyes were fixated on the empty cans. Lumingon sila sa likuran maliban kay John na paharap ang pwesto sa stage, hindi na kumakanta ang vocalist at may pinag-uusapan ang mga ito sa stage.

"Nagkita na kayo?" pagbabalik atensyon ni Theo at masayang tinanong si John.

Tinignan ni John si Theo at nakangiti pa rin ito. 'This person's smile is really contagious.' John smiled. Gumaan ang pakiramdam niya.

"Pa'no niyo nasabi?"

"Broken hearted ka. You're drinking pineapple juice because it's good for the heart," komento ni Rove.

Natawa si John. Out of the blue kasi nila itong nagawang biro noong college sila.

Pumunta sila sa supermarket katabi lang ng Golden Campus para bumili ng mga non-perishable food. May donation drive ang school nila para sa mga nasalanta ng bagyo.

Si Theo ang nagtutulak ng cart. Pinasok nila ang aisle ng drinks para kumuha ng mineral bottles. Nasa unahan sina Eddie at Bean kasunod si Theo na katabi si John. Si Rove naman ay nakatingala sa hilera ng mga inumin.

"Hoy!" Lumingon silang lahat kay Rove na nasa pinakalikuran. Nakatutok ang mata nito kay Bean.

"Diba broken hearted ka?" Ipinakita ni Rove ang hawak niyang canned juice.

Binasa naman ni Bean ang nakalagay sa label. "Pineapple Juice Drink... Heart Smart."

"Tanginamo."

Bean's blank face, whenever he's frustrated, looks absurd making them laugh more.

"By the looks of you, it didn't go well. Mind telling us what happened?" Eddie asked carefully with a hand on his chin.

We Can't See YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt