Chapter 22

20 4 5
                                    

John groaned when someone kept on calling his name. "John! Huy!" Tila aligaga pa ang taong 'yon. Idinilat niya ang mga at bumungad ang mukha ni Bean na nasa gilid ng kama niya. Nagbago si John ng pwesto at tumihaya sa higaan para malaman ni Bean na gising na siya dahil patuloy pa rin ito sa pagtawag sa pangalan niya.

'Panaginip lang ba 'yun?'

Nagbaba ng tingin si John at nakita niya sina Rove at Eddie sa magkabilang paanan niya kaya napaupo siya ng wala sa oras. "Anong meron?" tanong niya sa dalawa.

"Magde-date tayo sa Valentines' diba? Tinulugan mo naman kami," singit ni Bean.

John's face became distorted. "Anong Valentine's?" Hinablot ni John ang kaniyang cellphone at tinignan ang date. "April na eh!"

"Happy April Fools!" bigay todong tumawa si Bean, naningkit na rin ang mga mata nito. Napangiti si John dahil sa mukhang tangang hitsura ng kaibigan. Sinulyapan niya sina Eddie at Rove na inaasahan niyang tumatawa rin pero kahit bahid ng ngiti ay wala siyang nadatnan. Seryosong nakatingin sa kaniya si Rove.

"Bakit?" John's heart skipped a beat.

Narinig nila ang pagbukas ng pinto. Nanlaki ang mga mata ni John nang iluwa no'n si Theo. Naglakad ito palapit sa kanila at tumabi ng upo sa kama. Napansin naman nina Rove, Eddie, at Bean ang pananahimik ang pag distansya ni John.

"Tara na ba?" yaya ni Bean sa kanila pero natigilan ito nang mag-angat si John ng ulo.

"Why are you crying?!" bulalas ni Eddie.

***

Matiim na nakikinig ang apat habang kinu-kwento ni John ang napaginipan niya.

"Malabo namang gawin ko 'yon," pag-kunswelo ni Theo kay John ngunit hindi rin nito mapigilan ang matawa.

Niyakap ni John si Theo sa tagiliran at idinantay ang pisngi sa balikat nito. "Tapos nag trabaho raw ulit ako sa GC, maayos naman pakikisama nila sa'kin pati ng mga customers pero nakakatakot mga ngiti nila. Tsaka inutusan ako pumunta sa stock room, nagbago 'yung setting parang napunta 'ko sa Grace Field House," dagdag pa ni John.

Nagsihagalpakan na naman sa pagtawa ang apat. "Ano? Nasa panaginip mo si Mama Isabella?" Naglulupasay na sa kama si Bean. Sina Eddie, Rove at Theo naman ay halos mamatay na rin sa pagtawa dahil sa paglalarawan ni John sa karakter ng isang anime.

"Nanuod ka ba ng The Promised Neverland tsaka Ipaglaban Mo bago natulog?" natatawa pa ring tanong ni Eddie kay John.

John pouted cutely. "Oo." Nahiga siya ulit at ginawang unan ang hita ni Theo.

"Pero John, ano ba talagang nangyari sa inyo ni Andra?" Ilang sandali pagkatapos itanong iyon ni Rove ay naging seryoso silang lahat. "Two years na pero hindi ka pa rin maayos, your therapy sessions didn't work out as well. I know it will take a long time for you to be okay again but I suppose, hindi mo pa sinasabi sa'min lahat. Remember what your psychiatrist said? I-kwento mo lang nang i-kwento hanggang maging maayos ka."

"Did Andra rape you?" diretsong tanong ni Rove.

Tumagilid ng higa si John at sumiksik sa tiyan ni Theo. Naramdaman niya ang mabilis na pagnigilid ng luha. Frustrated because he's gotten vulnerable.

He knew he wasn't thinking straight when he thought that it would be better and easier that he was raped. Kapag sinabi niya sa ibang tao ay maiintindihan agad ng mga ito at magiging madali lang din magbigay ng simpatya sa kaniya. Pero...

"H-hindi." Tumuon ang apat sa kaniya. "Hindi ako na-rape." Parang nabunutan ng tinik sila Theo, Bean, Eddie at Rove.

"Mahirap kasing maintindihan..." Tila may bumabara sa lalamunan niya at humahapdi na rin ang mga mata niya. Huminga siya ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili.

We Can't See YouWhere stories live. Discover now