Prologue

439 82 57
                                    

Sumulyap ang binata sa screen ng kaniyang phone kapagkuwan ay ibinalik ang tingin sa harap at kinabig ang manibela ng sasakyan pakaliwa.

"You have arrived at your destination."

Maingat nitong ipinarada ang sasakyan sa tapat ng isang gusali. Sumulyap ito sa rearview mirror nang iabot ng matandang babae ang kaniyang bayad. Nakita ng matanda ang ID ng driver na nakasabit sa harapan.

"Ang bata mo pa, iho! Nakakatuwa naman makakita ng kabataang kagaya mo!" puri ng matanda.

Bahagyang natawa ang binata at lumabas ng driver's seat. Pinagbuksan niya ng pinto ang matanda.

"Salamat, John ah! Sana ikaw ulit makuha ko kapag nag-book," nakangiting paalam ng matanda pagkatapos niya itong alalayan.

Ngiti ang isinukli ng binata bago bumalik sa loob ng sasakyan.

Tinignan niya ang oras sa kaniyang phone na nakasabit sa harap at binuhay na ulit ang makina ng kotse. Kinabig niya ang manibela pabalik sa kalsadang dinaanan.

***

"Eddie!"

Naistorbo ang pagse-senti ng binatang nakahilata sa kaniyang kama nang marinig ang ilang ulit na pagsigaw ng kaniyang ina. Palakas nang palakas hanggang sa naatubili na siyang lumabas ng kwarto.

Nagdilim ang paningin ni Eddie at nagpasuray-suray pa ng lakad dahil sa biglaang pagtayo nito.

May ilang baitang pa sa hagdan nang tumigil siya sa pagbaba nang makita ang kaibigan na nasa pintuan.

"Pre, ano na?" nakangiting bati ni John habang nakatingala sa kanya. Mukhang galing na naman sa langit dahil nakaputi ulit ito.

"'Andito na sundo mo. Ano, 'yan na ba suot mo?" tanong ng nanay ni Eddie na nasa likod ng bahagyang nakabukas na pinto katabi ni John.

Umakyat ulit si Eddie papunta sa kwarto para kunin ang mga gamit. Phone at wallet lang ay ayos na. Humarap siya sa salamin at sinulyapan ang kulay pink na barong na naka-hanger at bumalik ulit ang tingin niya sa salamin. Naalala niyang naka-puting t-shirt lang si John at naka slacks kaya naisip niyang baunin na lang ang barong tsaka roon na mismo sa venue suotin.

***

Nang patayin ni John ang makina ng kotseng kinalulunan nila ni Eddie ay sinuot na nila ang barong bago lumabas. Nasa parking lot sila ng Golden Cuisine Philippines at si John ang nauna sa paglalakad upang igiya si Eddie sa front door ng restaurant.

Pagkaakyat nila sa top floor ng Golden Cuisine kung saan diniriwang ang mga events katulad ng birthday party ngayon ay sumalubong sa kanila ang eleganteng ilaw, ang pag-uusap na attendants kasabay ng background music, ang mga lamesang gawa sa wood na halatang mamahalin at ang suot na traje de mestiza ng debutant sa gitna. Mayroong red carpet sa sentro ng silid kung saan nakatayo ang birthday celebrant na si Annie na nakasuot ng pinaka-engrandeng traje de mestiza na na-aangkop sa barong na suot nina Eddie ang kulay. Ang theme na kulay pink.

Golden Cuisine is a Spanish-Filipino themed restaurant. Ang goal nito ay iparamdam sa mga customers ang tradisyonal na ambiance, pagkain, pati ang mga kasuotan katulad noong 1890s, kaya naman ang mga kumakain dito ay nakasuot ng barong tagalog at baro't saya.

We Can't See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon