Chapter 15

41 7 1
                                    

Maingat si John sa bawat kilos niya sa harap ni Andra sa hapagkainan. Prente lang itong nakaupo at sumisimsim ng juice habang siya naman ay lumulundag na ang puso sa takot.

Sariwa pa rin sa isipan ni John ang nasaksihang pagsunog sa bangkay nina Andra at Leo.

Napalunok siya. Pigil ang hininga. Bumaba ang tingin niya sa plato ni Andra, ubos na ang laman noon.

Hinawakan niya ang sariling plato pero napansin niyang nanginginig ang kamay niya. Napatikom siya ng bibig at pilit na kinontrol ang mga kamay. Inusog niya ang bangko tsaka tumayo.

"Tapos ka na?" Inilahad niya ang palad.

"Oh." She began to realize what was he up to. "No!" Andra was a terror. Para namang tinamaan ng kidlat si John dahil sa lakas ng pintig ng puso niya. Maling galaw o salita niya lang ay baka siya na ang sunod na sunugin.

"Just sit, si Leo na ang maghuhugas nito," giit ni Andra.

Hindi gumagalaw si John sa pagkakaupo habang nakayukong nakatitig sa kaniyang plato. Hinihintay na dumating ang kasamahan sa trabaho. Siya lang ang kilala niya rito, pero pumasok sa isip niya ang ginawang pagtulong ni Leo kay Andra sa pagsunog ng katawan.

Mayamaya'y may narinig siyang kung ano sa sahig. Sinundan niya ito ng paningin lang, hindi gumagalaw ang katawan at ulo dahil sa takot.

Nakaangat ang talampakan ni Andra at makulit na iwinawagayway ang paa habang nakatukod ang sakong. Naglilikha 'yon ng matunog na pagkuskos dahil nakasuot ito ng over the knee boots.

Kasalukuyan silang nasa escalator, nasa likod ni John si Rove, napansin niya ang malikot na paa nito.

Kailangan na nilang umalis ng mall malapit sa campus nila dati dahil papasok na sa kaniya-kaniyang trabaho sina Eddie, Bean, Theo at Rove.

"Babawi talaga 'ko," paniniguro ni John sa kanilang tatlo. Plano niyang ilibre rin ang mga kaibigan 'pag nagkatrabaho na siya ulit.

Wari niyang gusto siyang ihatid ni Theo gamit ang sasakyan nito pero sinabi niyang kaya na niya dahil ayaw niyang maging sagabal pa.

"Dito na 'ko." Huminto siya at nginitian niya ang mga kaibigan.

"Una na kami!" paalam ng tatlo.

Hindi planado ang pagkain nila sa McDonald's ngayon. Imbes na pagkatapos ng trabaho o kaya naman sa weekend ay ngayon sila napasubo dahil biglang nagyaya si Bean.

Naglakad na siya papunta sa sakayan ng jeep. Naka puting t-shirt at itim na shorts lang siya na pinaresan ng black and white slides.

Wala siyang pang gas kaya hindi niya dala ang sasakyan. Sakto lang din ang pamasahe niya sa jeep pauwi.

Kinuha niya ang phone at nagsuot ng earphones. Diretso lang ang tingin niya habang nakapila. Mabuti na lang at sunod-sunod ang pagdating ng mga jeep kaya hindi nagtagal ay nakasakay rin siya.

He leaned back and exhaled. Nakapikit lang siya habang nasa biyahe.

Gumalaw ang kamay niya para kunin ang phone sa bulsa. Nang i-on niya ang screen ay may message mula sa group chat nilang lima.

MGA BITTER

Bean(atog)

Anong plano?

Rove(lox)

Ayos naman na si John makita si B mula sa malayo XD

Theo(pamasko po)

Hahaha naalala ko noong naglalakad tayo, bigla kang nawala @john

We Can't See YouWhere stories live. Discover now