Chapter 2

157 63 41
                                    

Hello! Hindi ko na nilayo sa real names nila ang usernames + habang sinusulat ko 'to sinearch ko rin sa ML mismo para sure na walang kaparehas ^^

👁️

"So what's your assumption?" Rove asked, eyes boring on Theo's face.

"Tingin ko buhay pa siya at kailangan natin siyang makita para matulungan siya."

-----

Eddie, Bean, Theo and Rove gathered around Bean's phone, still shocked at what's on the screen.

"Minumulto tayo ni John!" malakas na ngawa ni Bean na nakataas ang isang braso at sabunot ang sariling buhok. Mangiyak-ngiyak na.

"B-but, we can know what happened to him if we play with him," saad ni Eddie. "Maybe he wants to talk to us to tell who or what caused his death?" It's not like Eddie believe in ghost or such but they're taking all the possibilities.

"Pa'no kung killer ang may hawak ng phone?" suhestiyon ni Rove.

"Ma, sigurado na raw po bang si John 'yon?" baling ni Theo sa ina.

Hindi sumagot ang mama ni Theo, may kinapa-kapa ito sa damit.

Nagkatinginan naman sina Rove at Theo at nagkaintindihan.

"Tanggapin mo pre," ani Rove kay Eddie na hawak ang phone ng takot na si Bean.

johnceno

Invite you to take part in RANK

Refuse | Agree


Eddie tapped 'Agree'.

They gulped.

Ang ina naman ni Theo ay may tinawagan para itanong kung kumpirmado nang kay John ang katawang natagpuan.

"Andito mga bata, niyaya raw sila maglaro ng mobile legends gamit account ni John..."

Tumingin sila sa mama ni Theo na nakatingin din sa kanila habang nakikipag-usap sa phone nito.

Pagkatapos makapasok ni Bean sa lobby, sina Theo, Eddie at Rove naman ang nag agree. Nasa lobby na silang lahat.

"Bro, open mic" Rove sent.

Pero ilang saglit na ang nakalipas ay hindi 'yon sinunod ng kung sino man ang may gamit sa account ni John, hindi rin ito nag reply.

Nag-angat si Rove ng tingin sa kanila. It will be easier to know if it's John if they hear his voice and talk with him.

"Ayaw niya..." magkahalong lungkot at takot ang tinig ni Eddie.

"Baka h-hindi talaga siya si John o kaya..."

"Introvert thing," dugtong ni Eddie sa sinabi ni Bean.

"O kaya hindi niya binuksan kasi hindi rin naman natin maririnig boses niya kasi kaluluwa na lang siya AAAAaaaaa!" pumapadyak-padyak na sigaw ni Bean na mukhang uod na nililiyad pa ang likod dahil sa kilabot.

Natawa sila sa hitsura ni Bean kaya gumaan ang tensyon kumpara kanina.

Nagsimula na silang pumili ng hero kasama ang kalabang team.

Balmond (Fighter/Tank)
BSM theorable

Franco (Tank)
BSM monterob

Tigreal (Tank)
BSM rovemint

Khufra (Tank)
BSM edgardodicarpio

It's John's turn to pick a hero. Mahigpit ang hawak ni Rove sa phone niya pero unti-unting kumurba ang ngisi sa kaniyang labi. Sina Eddie, Bean, at Theo ay nag-aabang. Dito magkaka-alaman kung ang kasama nila ay ang kaibigan talaga nila.

We Can't See YouWhere stories live. Discover now