Chapter 11: Marshmello Man

Start from the beginning
                                    

"Ano naman?" Sininghalan niya 'ko. "Look, hindi ako nakikipagkompetensya, okay?" medyo naiinis kong sabi.

"Hindi nga ba? O baka naman wala kang pakialam kay Cohen?"

Bumuntong hininga ako sa kulit ng babaeng 'to. "Kung wala akong pakialam sa kan'ya eh 'di sana noon pa ni-reject ko na siya. Bakit ba kating-kati ka na itulak ako kay Fauze, ha?"

Natigilan siya at nag-isip ng isasagot. "Eh kasi, gusto lang kitang tulungan, fren. Pakiramdam ko kasi 'yong isip at puso mo ay nakatambay pa rin sa nakaraan where in fact nasa kasalukuyan ka," sagot niya.

Ngayon ako naman ang suminghal sa kan'ya. "Hindi ka nakakatulong," pranka ko. "Parang pinipilit mo 'kong magmove on na hindi naman dapat." Naglapat ang mga labi niya at tumungo. "Ang mga bagay na pinipilit ay mali ang kinalabasan. Hindi ko kayang utusan ang puso ko na mahalin siya. Ang kaya lang nitong gawin ay magkusa at matuto," paliwanag ko. Ngumuso naman siya.

*Clap!* *Clap!* *Clap!*

Automatic akong napalingon sa bukana ng parking lot nang makarinig ako ng palakpak.

"Very well spoken, Trist," ngisi ni Cd. Bahagyang nanlaki ang mata ko.

Kanina pa sila rito?

Hinanap ng mata ko si Fauze, pero wala siya. Si Grave, Moss at Cd lang narito at mukhang katatapos lang nila sa practice nila dahil naka-jersey pa, eh.

"Si Clari?" tanong ni Xy. Lumingon sa kan'ya si Moss.

"She's home. Nagka-LBM," walang emosyon nitong sagot.

"Bonsai!" tawag ni Grave kay Xy. 'Di ko mapigilang matawa. Nakitawa na rin sina Cd at Moss.

Bonsai? Amp. Hahaha. Pwede namang dagul, eh.

"'Wag niyo 'kong tawanan! Sadyang matatangkad lang kayo!" depensa niya sa sarili at sinamaan kami ng tingin.

"Trist..." Napalingon ako kay Cd.

"Bakit?"

"Hintayin mo raw si Cohen dito. Sabay raw kayong uuwi. Pinatawag lang siya kanina sa Director's office." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Hindi niya ba kayang umuwi ng mag-isa?" Nagkibit-balikat siya. "Okay, then," sagot ko.

Nagpaalam lang sila sa 'kin at kan'ya-kan'ya na silang umuwi. Pumasok na muna ako sa kotse ko para magpahangin. Binuksan ko 'yong aircon at prenteng sumandal sa upuan saka ako pumikit.

Minutes passed...

*Tok* *Tok* *Tok*

Napamulat ako ng mata nang may kumatok sa bintana ng kotse ko. It's Fauze. Nakasuot siya ng jersey. Number 8 ang nakaplastang numero sa damit niya.

Eight, huh? I wonder why. Kung ako ang tatanungin, sakit na alala lang ang nakatatak sa isip ko 'pag nakikita ko ang numerong 'yan.

Binuksan ko na 'yong pinto saka lumabas at hinarap siya. Mapupungay ang mga mata niya na halatang pagod. Parang naawa ako sa itsura niya.

"Pumasok ka na sa kotse mo," mahinahon kong sabi. Lumukot ang mukha niya na parang nagpoprotesta.

"But, I just saw you."

"Makikita mo pa 'ko mamaya. Pumasok ka na," ulit ko. Lumiwanag naman ang mukha niya na ipinagtaka ko.

"May date ba tayo mamaya na hindi ko alam?" 'Yong kaninang matamlay niyang mukha ay napalitan ng sigla.

Ngumiwi ako. "I-date mo sarili mo, baka!" Inirapan ko siya.

Nawala naman ang munting kasiyahan niya. "So, what's the meaning of your words earlier?" nagtataka niyang tanong.

Cease Of Mirage [COMPLETED]Where stories live. Discover now