CHAPTER TWENTY-THREE: Don't Hold Back

269 14 15
                                    

CHAPTER TWENTY-THREEDon't Hold Back

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

CHAPTER TWENTY-THREE
Don't Hold Back

--

Ilang araw ang lumipas mula noong kaarawan ni Jungkook at sa nagdaang mga araw na iyon ay wala naman masyadong ganap bukod sa naghahanda sila sa parating na exam week. Napagkasunduan ng faculty at staff na mag-exam muna ang mga estudyante bago ang foundation week para hindi gaanong hassle kaya naman tutok na tutok sila sa pag-aaral. Maging ang mga training at practice ay pansamantalang hininto muna para makapag-focus ang mga estudyante sa pag-study.

"Jeonie! Napakakulit mong bata ka! Bumalik ka nga rito!"

Umalingawngaw ang sigaw ni Rainoa sa buong hallway matapos kunin ni Jungkook mula sa kaniya ang mga pictures na ilalagay nina Jimin sa scrapbook nila. Ayaw pa sana itong ipakita ni Rainoa hanggang matapos nila ang proyekto ngunit nasa dugo na yata ni Jungkook ang pagiging makulit kaya hindi niya pinakinggan si Rainoa.

"Ha! Catch me if you can—" hindi niya na natapos ang sasabihin at halos mapadaing sa sakit si Jungkook nang maramdaman niya ang sariling nakadapa sa sahig matapos may mabangga na estudyante.

Nabitawan niya rin ang mga pictures na hawak niya kanina kaya dahan-dahan siyang lumuhod para sana pulutin 'yon pero nakita niya na lang na may nauna na sa kaniyang pumulot ng mga 'yon. Lalapitan din sana ni Rainoa si Jungkook pero nang makita niya ang lalaking tumutulong kay Jungkook ay napaatras na lang siya at nagtago sa pader habang pinipigilan ang sariling tumili.

Napakurap naman si Jungkook nang ilahad ng estudyante ang kamay sa harap niya para tulungan siyang tumayo. Huli na nang ma-proseso sa utak niya kung sino ang lalaking  nasa harapan niya ngayon.

"Bakit ka tumatakbo?" taas-kilay na tanong ni Taehyung bago inabot kay Jungkook ang mga litrato na pinulot niya.

Napalunok naman 'yong huli bago mabilis na tinanggap ang mga 'yon. Hindi niya alam kung bakit tila takot na takot siya na magtama man lang ang kamay nila. Siguro ay natatakot siya na baka may magawa siya kay Taehyung nang hindi nito namamalayan at paniguradong hindi nito magugustuhan. Katulad na lamang noong kinuwento sa kaniya ni Hoseok na muntikan niya nang burahin ang ala-ala ni Taehyung noong kaarawan niya.

Isang linggo na rin ang nakalipas pero naroon pa rin ang guilt kay Jungkook kahit pa hindi naman niya naituloy iyon. Hindi niya na rin nga maalala ang nangyari noong gabi 'yon at kinuwento na lang sa kaniya ni Hoseok kinabukasan ang pagtangka niya na burahin ang ala-ala ni Taehyung.

Halos manginig sa takot si Jungkook nang malaman 'yon. Hindi niya ma-imagine ang maaaring mangyari kung sakaling nabura nga niya ang mga ala-ala ni Taehyung. Paniguradong kamumuhian siya nito at 'yon ang pinaka-ayaw niyang mangyari.

Noong araw na 'yon ay sinubukan niyang umarte nang normal, na parang walang nangyari—gaya ng sabi ni Hoseok. Surprisingly, maging si Taehyung ay tila wala rin yatang natatandaan dahil hindi man lang ito nagtanong sa kaniya o iniwasan siya. Sa katunayan, mas naging close pa sila simula noong araw na 'yon dahilan para medyo nagulat at naguluhan si Jungkook. It felt surreal but he's starting to get used to it.

In Another Life | TaeKookМесто, где живут истории. Откройте их для себя