CHAPTER EIGHT: Under The Pouring Rain

274 23 5
                                    

CHAPTER EIGHTUnder The Pouring Rain

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER EIGHT
Under The Pouring Rain

--

Ilang beses nagpaikot-ikot sa isipan ni Taehyung ang mga salitang binitawan ni Jimin hanggang ngayong nakahiga na lang siya sa kama. Punong puno ng sinseridad ang boses ni Jimin pero alam ni Taehyung na wala na siyang magagawa. Mabait din naman si Rebecca at madaling pakisamahan kaya mukhang wala naman siyang po-problemahin.

"Taehyung."

Agad na napabalikwas ng kama si Taehyung matapos marinig ang boses ng ina niya. Nakita niya itong nakatayo sa habang naka-krus ang mga braso.

"Naiintindihan ko na napipilitan ka lang pero wala kang choice. Para ito sa ikabubuti ng kumpanya natin." sambit ni Mrs. Kim. "Sa susunod na magkaroon tayo ng dinner, pay attention and avoid spacing out."

Saglit na tinitigan ni Taehyung ang ina bago nagpakawala ng hininga at umirap. Minabuti niyang humiga ulit sa kama at magtalukbong para ipakitang hindi siya interesado sa mga susunod pang sasabihin nito. Ang laging lumalabas sa bibig nito ay may koneksyon sa business. Ni hindi man lang siya kinukumusta ng mga magulang niya.

Ilang segundo ang nakalipas at narinig ni Taehyung ang pagsarado ng pinto ng kwarto niya hudyat na umalis na si Mrs. Kim. Sakto namang nag-vibrate ang phone niya kaya kinuha niya 'yon mula sa bedside table para tingnan kung sino ang nag-text.

From: Rebecca Song

I had fun :) Thanks again and see you soon, Tae.

Wala sa sariling napakagat ng labi si Taehyung. Nagdadalawang isip kung magre-reply ba o hindi pero sa huli ay nag-reply pa rin siya.

To: Rebecca Song

Thank you. I had fun as well.

Matapos i-send ang reply niya ay binalik niya na iyon sa bedside table at muling humiga hanggang tuluyang makatulog.

~♡~

Kinabukasan, halos magkasabay na dumating sa eskwelahan si Jimin at Taehyung. Nang makita siya nito ay agad siyang binati at sabay silang pumunta sa classroom kung saan karamihan ng mga kaklase nila ay naroon na at hinihintay si Ms. Carla.

"Oh? Wala pa si Jungkook?" ani Jimin matapos mapansing wala ang gamit ni Jungkook sa pwesto nito.

Napasulyap naman si Taehyung at ngumiwi. "Baka male-late." kaswal na tugon niya at nilapag ang bag bago umupo.

"Nandito na si Jungkook." pagsingit ni Jennie na kararating lang din. Tumingin pa ito sa pinto na parang may hinihintay. "Papunta na sila rito ni Yugyeom."

Napataas ang kilay ni Jimin matapos marinig 'yon. "Yugyeom? Close pala sila ni Yugyeom?"

"Siguro? Mukhang galing nga sila sa cafeteria eh." tugon ni Jennie na halatang hindi rin sigurado.

In Another Life | TaeKookWhere stories live. Discover now