CHAPTER TWELVE: A Short Trip Down Memory Lane

229 19 2
                                    

CHAPTER TWELVEA Short Trip Down Memory Lane

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER TWELVE
A Short Trip Down Memory Lane

--

"Did you know that moon flowers actually bloom in response to moon?"

"There's a reason why it's called moon flower, Jin."

"Shut up. I'm not talking to you, cat."

"Did you just call me a cat?"

Halos mapahilamos si Jimin sa mukha niya habang pinapanood na magsagutan si Jin at Yoongi tungkol sa mga trivia na binabahagi ni Jin. Habang abala sila sa pagpapalitan ng atake, nilingon niya si Namjoon at Hoseok na sinusubukang tawagan si Taehyung at Jungkook ngunit halos magkasabay rin silang umiling nang ibulsa muli nila ang mga phone nila.

Buong hapon ay hindi pumasok ang dalawa kaya hindi na napigilan ni Jimin na mag-alala lalo na't may project na binigay sa kanila ang prof nila.

"May dalawang oras pa bago magsimula ang training." ani Namjoon at sumandal sa pader ng dance studio.

Naagdesisyunan nilang dito na lang muna tumambay tutal ay wala namang practice ang dance club at si Hoseok ang dance captain kaya siya rin ang may hawak ng susi.

"Tingin niyo ba, magkasama silang dalawa?" tanong ni Jimin na nagpatigil kay Yoongi at Jin sa pagsasagutan saka nabaling ang atensyon sa kaniya.

"Sino? Si Taehyung at Jungkook? I don't think so." nakangiwing tugon ni Yoongi na aabutin sana ang water bottle ngunit mabilis na nilayo ni Jin. "Give me that!"

"Geez, fine. Chill, garfield." pang-aasar ni Jin bago binato ang water bottle kay Yoongi na kaagad naman nitong sinalo. "Pakiramdam ko magkasama silang dalawa."

"You wanna bet on that?" panghahamon ni Yoongi at halos magpantig ang mga tenga nina Namjoon at Hoseok matapos marinig 'yon.

"Count me in!" magkasabay na sigaw ng dalawa habang nakataas ang mga kamay.

Muli na namang napahilamos sa mukha si Jimin at tuluyang napahiga sa sahig nang mapagtanto niyang wala siyang matinong kaibigan.

~♡~

"Choco."

"Brownie."

"Fluffy."

"Cutie."

"What-" hindi makapaniwalang ani Jungkook na nginisihan lang ni Taehyung. "Goodness, I can't believe you."

"Yah, he's cute!" giit ni Taehyung na kinikiliti ang tyan ng tuta bago ito pinakawalan at hinayaang tumakbo.

"Alam ko pero hindi cutie ang ipapangalan natin sa kaniya." bulalas ni Jungkook na napahawak sa baba niya habang nag-iisip. "How about-"

"Yeontan!" suhestyon ni Taehyung na malapad na nakangiti.

In Another Life | TaeKookWhere stories live. Discover now