CHAPTER SIXTEEN: That One Unforgettable Day

276 17 2
                                    

CHAPTER SIXTEENThat One Unforgettable Day

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER SIXTEEN
That One Unforgettable Day

--

Abala sa pagpa-plano sina Hoseok para sa nalalapit na kaarawan ni Jungkook. Tutal ay wala naman silang magagawang project sa ganitong set-up, mas mabuting mag-plano na lang sila kung anong magandang surprise sa birthday ni Jungkook.

"Malaki ang backyard niyo, Hoseokie. Doon na lang kaya? Tapos mag-decorate na lang tayo. Lagyan natin ng christmas lights at kung ano-ano pa." suhestyon ni Jin na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Pero kailangan nating i-distract si Jungkook para magawa natin 'yon. Maganda sigurong ilibot siya sa city hanggat hindi pa tayo natatapos." ani Namjoon. "Manood ng movie, kumain sa labas, maglaro sa computer café at kung ano-ano pa basta't siguraduhing nag-e-enjoy siya at the same time, busy."

Napaisip naman si Hoseok at pinasadahan sila ng tingin. "Tama, tama. Sino naman ang puwedeng mag-distract kay Jungkook?"

Pekeng umubo si Jimin habang sinusuklayan ang buhok niya. Agad namang napalingon sa kaniya ang lahat kaya malapad siyang ngumiti.

"Okay, si Jimin na." anunsyo ni Hoseok kaya pabiro siyang sinuntok ni Jimin habang natatawa.

"Wait, dalhin niyo na lang din si Rainoa para hindi mag-suspetya si Jungkook." kumento naman ni Yoongi.

"Sige."

"Okay, ang mga matitira ay tutulong sa preparation. Kami na ni Yoongi ang bahala sa pagluluto." pag-prisinta ni Jin. Napatingin sina Hoseok kay Yoongi ngunit wala naman itong reaksyon kaya kinonsidera na lang nila iyon bilang pagsang-ayon.

"Okay, ako na ang bahala sa decorations."

"Teka paano ako?" tanong ni Namjoon habang nakataas ang kamay na akala mo'y sasagot sa recitation. "Ako na lang ang bahala sa sparklers-"

"No, not the fvcking sparklers, Joon." pagputol ni Yoongi sa kaniya.

Ngumuso si Namjoon at humalukipkip. "E 'di ba may tradisyon tayong magsisindi ng sparklers kada sine-celebrate natin ang birthday natin?"

"Alam ko, pero ang ibig kong sabihin, hindi ikaw ang aatasan para sa sparklers. Si Hoseok na ang bahala roon dahil baka masunog pa ang buong backyard nila."

"Hey!"

"What?" taas-kilay na tanong ni Yoongi saka nagpa-dekwatro. "Naalala mo ba 'yong nangyari noong birthday ni Jimin?"

Nahihiyang ngumiti si Namjoon at napakamot sa batok niya matapos maalala na halos magkasunog sa bahay ni Jimin noong birthday nito. "Natapilok ako, okay?"

"Ikaw ang tatawag kay Jimin from time to time para alam natin kung nasaan sila. Puwede ring tulungan mo ako sa decorations."

Nang satisfied na sila sa plano nila ay inaya silang kumain ni Hoseok kaya dumiretso sila sa hapag-kainan. Nagku-kwentuhan lang sila ng kung ano-ano hanggang napahinto sila dahil sa pagtikhim ni Jin.

In Another Life | TaeKookWhere stories live. Discover now