CHAPTER TWENTY-NINE: His Little Guardian

239 15 12
                                    

CHAPTER TWENTY-NINEHis Little Guardian

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER TWENTY-NINE
His Little Guardian

--

(Somnium Park, 12 years ago)

"Nanay Dolores, Nanay Dolores! Tara na po at baka dumami pa po ang mga bata sa park." excited na bungad ng anim na taong gulang na si Taehyung nang makalabas siya mula sa kwarto na bihis na bihis. "Mauunahan na naman po nila ako sa swing."

"Napaka-gwapong bata naman talaga ni Taetae!" nakangiting sambit ni Manang Dolores saka nilagyan ng towel ang likod ni Taehyung. "Ayan, aalis na tayo. Excited ka na ba?"

"Opo naman po!"

Mahinang natawa si Manang Dolores bago bumaling sa mga magulang ni Taehyung na nakangiting pinapanood sila. "Mauuna na ho kami, Ma'am, Sir."

"Mag-iingat kayo, Manang."

Mabilis na hinalikan ni Taehyung sa pisngi ang mga magulang niya bago hinawakan ang kamay ni Manang Dolores at halos hilahin na siya palabas ng bahay kung saan naghihintay ang family driver nila.

"Good morning, Manong Jose!" masiglang bati ni Taehyung sa driver na agad na napangiti matapos makita si Taehyung.

"Good morning sa pinakagwapong nilalang sa balat ng lupa!" bati naman nito pabalik nang may parehong enerhiya. "Bihis na bihis ang Taetae namin!"

Napahagikgik naman si Taehyung bago ito inalalayan ni Manang Dolores para makapasok sa kotse na agad na pinaandar ni Manong Jose. Buong byahe ay hindi matigil sa pagdaldal si Taehyung kung gaano siya ka-excited na makapaglaro sa park.

Hindi nagtagal at huminto rin ang kotse sa tapat ng Somnium Park kung saan wala pang gaanong mga bata. Halos kuminang ang mga mata ni Taehyung habang tumatakbo sa malawak na damuhan papunta sa swing.

"Jusko, Taetae. Hintayin mo si Nanay." tawag ni Manang Dolores kasunod si Manong Jose.

"Yehey! Wala pa masyadong bata, Nanay!"

Awtomatikong ngumiti si Manang Dolores bago umupo sa isang wooden bench at pinanood si Taehyung na masayang nags-swing.

Paminsan-minsan ay hindi niya maiwasang maawa rito dahil wala itong kaibigan. Maging siya ay hindi makapaniwalang nakakayanan ng bata na walang kausap o kalaro. Mabait at masayahing bata si Taehyung ngunit tuwing sinusubukan niyang makipagkaibigan sa iba, iniiwasan siya ng mga ito sa hindi malamang dahilan. Sa kabila noon ay hinihiling pa rin ni Manang Dolores na magkaroon ng kahit isang kaibigan si Taehyung para hindi ito lumaki nang mag-isa at walang tiwala sa ibang tao.

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Taehyung nang pumwesto si Manong Jose sa tabi niya at tinulak ang swing para hindi na mahirapan si Taehyung. Mahina siyang nagpasalamat at nakipag-kwentuhan sa matanda nang ilang minuto bago siya naburyo at inaya na lang itong makipaglaro ng tagu-taguan.

In Another Life | TaeKookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon