CHAPTER ONE: Guardians and Fateful Encounter

1.3K 36 0
                                    

CHAPTER ONEGuardians and Fateful Encounter

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

CHAPTER ONE
Guardians and Fateful Encounter

--

"Ayon sa librong sinulat ng isang author na namuhay noong sinaunang panahon, 'di hamak na mas malaya ang mga guardians, genie at fairies na gumala-gala rito sa mundo natin. Iyon ay dahil hindi pa gaanong gahaman at makasarili ang mga tao noon."

Taehyung didn't like the topic for their history class today. Scratch that, he didn't like the subject at all.

"Pero sa pagdaan ng panahon, hinayaan ng mga tao na lamunin sila ng sarili nilang kagustuhan." pagpapatuloy ni Ms. Carla habang nililibot ng tingin ang klase na nakatutok sa kaniya maliban sa isang binata na hindi man lang nagpakita ng interes. "Kasabay no'n ay ang unti-unting paglaho ng mga magical creatures dito sa mundo natin."

"Ngayong araw ay tatalakayin natin ang tungkol sa mga guardian. Sila ang gumagabay sa mga tao noon lalo na sa mga pangangailangan nila. Sinasabi rin nila na may ibang mga guardian na umaakto bilang kaibigan mo noong bata ka pa lang at ang mga guardian na 'yon ay nag-e-exist pa rin hanggang ngayon. 'Yon nga lang, habang tumatanda ka ay siya namang unti-unting paglaho nito. Iyon ay dahil namumulat ka na sa iba't ibang bagay at nawawala na ang paniniwala mo tungkol sa kanila."

"Isa sa mga nakakaantig na kaalaman tungkol sa mga guardian ay mayroon silang soulmate na palatandaan ng taong makakatuluyan nila."

"Gaya nating mga tao na naniniwala sa soulmates, sila rin ay mayroong ganoon. Iyon nga lang, sa kaso natin, hindi lahat ng soulmates nagkakatuluyan dahil minsan ang tingin natin sa soulmate natin ay hanggang kaibigan lang. Samantalang sa kaso nila, ninety-nine percent nagkakatuluyan dahil naniniwala silang iyon ang tinakda ng goddess para sa kanila."

"So, guardian to guardian din, ma'am?" tanong naman ng isang kaklase nilang si Jennie.

"Yes, Ms. Kim. Pero mayroon ding rare case."

"Rare case?"

Dahan-dahang tumango ang guro. "Kapag ang soulmate ng isang guardian o kahit anong magical creature ay isang tao."

Halos lahat ng estudyante ay napasinghap at namangha. Nagsimula silang magbulungan at nagbatuhan ng mga tanong habang si Taehyung naman ay mas piniling huwag na makinig.

"Nangyayari iyon kapag may nabuong matibay na bond sa pagitan nila. Isa 'yong rare case dahil hindi naman talaga inaasahan."

"Ibig sabihin po ba no'n tinakda na rin 'yon ng goddess para sa kanila, ma'am?"

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ng guro nila at umiling. "No."

"Kaya kapag may ganoong pangyayari, kadalasan ay hindi sila nagkakatuluyan. "

Pagkasabi niya noon ay napasimangot at bakas ang lungkot sa mukha ng mga estudyante.

"Next. Malalaman ng guardians kung sino ang soulmates nila dahil may mga marka sila sa palad na parehong pareho sa soulmates nila at tanging sila lang ang nakakakita. Iyon ay applicable lang kung pareho silang guardian."

In Another Life | TaeKookDär berättelser lever. Upptäck nu