CHAPTER THIRTY: Cursed

184 13 8
                                    

CHAPTER THIRTY Cursed

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER THIRTY
Cursed

--

Kinabukasan, halos matapilok si Taehyung habang binabagtas ang daan papunta sa classroom nila. Nahuli na siya ng gising sa kadahilanang hindi rin siya nakatulog agad kagabi dulot ng mga nalaman at naalala niya.

Ang bawat hakbang palapit sa classroom nila ay tila gumagaan at kulang na lang ay lumipad na lang siya upang makarating kaagad doon.

Gusto niyang makita si Jungkook. Gusto niya itong makausap at pakinggan ang mga gusto nitong sabihin sa kaniya.

"Mr. Kim Taehyung, you're late." anunsyo ng professor nila nang makapasok siya. Hindi naman sumagot si Taehyung at dire-diretsong naglakad patungo sa upuan niya ngunit ganoon na lang ang panghihinayang niya nang makitang wala roon si Jungkook.

Sa kabilang banda, hindi na pinansin ng professor ang inasta ni Taehyung dahil sanay na siya siya rito. Sa halip ay nagpatuloy na lang siya sa pag-discuss at hindi na ini-stress ang sarili dahil lang sa isang estudyante.

"Chim." tawag ni Taehyung sa kaibigan na tila nakatingin sa kawalan at hindi man lang napansin ang pagdating niya. Kusang gumagalaw ang kamay ni Jimin sa pagsusulat ngunit nang silipin ni Taehyung ang notebook nito ay puro linya at anu-anong mga salita lang ang nakasulat. "Hey, Chim."

"T-Tae, nandito ka na pala." bulong ni Jimin matapos marinig ang pagtawag ni Taehyung. Awtomatiko naman siyang napangiti matapos makita ang kaibigan. "Good morning."

"Are you okay? Bakit parang wala ka yata sa sarili?"

"Oh, I- I'm fine. Kulang lang ako sa tulog." palusot ni Jimin. Alam niyang hindi rin papaniwalaan ni Taehyung ngunit hindi na siya nito pinilit pa na mag-kwento at tumango na lang. "Ikaw? Bakit na-late ka ngayon sa pagpasok? May problema ba?" tanong niya matapos mapansin ang eyebags ni Taehyung. Kilala niya ito at kahit pa hindi siya interesado sa klase ay hindi nahuhuli si Taehyung sa pagpasok maliban na lang kung may problema siya na nagiging dahilan para hindi ito makatulog agad sa gabi.

Sandaling tinimbang ni Taehyung sa isipan niya kung sasabihin niya ba kay Jimin ang tungkol kay Jungkook. Paniguradong dadami lang ang tanong nito hanggang umabot sa puntong wala siyang magawa kung hindi sabihin na hindi katulad nila si Jungkook at kinatatakot niyang mag-iba ang tingin nito sa kaibigan nila.

But then again, he's Park Jimin. Ang best friend slash soulmate niya na isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya at kilalang kilala siya. Alam nito kung may problema ba si Taehyung kahit pa sa maliliit na galaw o ekspresyon nito at doon pa lang, alam na ni Taehyung na wala siyang maitatago sa kaibigan.

"Chim." panimula ni Taehyung gamit ang seryosong tono. Ginapangan naman ng pag-aalala at kaba si Jimin nang mapansin na hindi mapakali si Taehyung at tila naghahanap pa ng bwelo para magsalita.

"Tae? Hey, don't force yourself--" akmang hahawakan ni Jimin ang magkabilang balikat ni Taehyung upang pakalmahin ito ngunit hindi niya na naituloy nang marinig ang sunod na lumabas sa bibig ng kaibigan.

In Another Life | TaeKookWhere stories live. Discover now