CHAPTER THREE: Some things never change

400 34 1
                                    

CHAPTER THREESome things never change

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER THREE
Some things never change

--

Nangibabaw ang katahimikan sa mesa nila matapos marinig ang sinabi ni Jin. Kulang na lang ay pumasok na langaw sa bibig nila sa sobrang pagnganga maliban kay Jin na nakangiti, kay Jungkook na nanlalaki ang mga mata sa gulat at kay Taehyung na ngayo'y bahagyang nakatigilid ang ulo habang nakatingin kay Jungkook at inoobserbahan ito.

"Woah, seriously? Baka naman magkakilala kayo noon?" sambit ni Jin saka kinuha ang papel ni Jungkook. "Lahat ng sagot mo ay tama pero nauunahan ka ni Jimin minsan."

"I don't know him." giit ni Taehyung dahilan para umiwas ng tingin si Jungkook at muling yumuko. Tinapunan naman ni Hoseok ng nagdududang tingin si Taehyung pero hindi siya nito napansin.

Sakto namang nag-ring ang phone ni Jungkook kaya in-excuse niya ang sarili at sinagot ang tawag. Nang mawala na ito sa paningin nila ay dumiretsong lumapat 'yon kay Taehyung.

"Sigurado ka bang hindi talaga kayo magkakilala ni Jungkook? Eh mukhang kilalang kilala ka niya-"

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko siya kilala?" pagputol ni Taehyung sa sasabihin sana ni Jimin. "Baka isa lang siya sa mga stalker ko."

"Ang cute niya naman para maging stalker mo." kumento ni Hoseok at umirap. "Mauna na kayo sa classroom at susunod na lang ako." paalam niya bago tumayo pero mabilis siyang pinigilan ni Namjoon.

"Teka, saan ka pupunta?"

"Hahanapin ko lang si Kookie." maikling tugon ni Hoseok at tumalikod.

Hindi niya na hinintay ang sagot ng mga kaibigan niya at lumabas na siya ng cafeteria habang bitbit ang bag ni Jungkook na naiwan nito roon.

~♡~

"Lagi kong naaalala ang seatmate mo tuwing nakakakita ako ng ice cream." saad ni Rainoa at inangat nang kaunti ang ice cream cone niya. "Sobrang lamig!" aniya at nagkunwaring giniginaw.

"Ganoon ba talaga si Taehyung?" tanong ni Jungkook bago sumubo ng ice cream mula sa cup niya at pinagmasdan ang paligid.

Nakaupo sila ngayon sa ilalim ng puno sa soccer field kung saan kaunti lang ang mga tao. Kanina lang ay nagkita sila ni Rainoa sa labas ng cafeteria pagkatapos nito tumawag at walang pasabing hinila siya paalis doon. Magp-protesta pa sana si Jungkook dahil hindi man lang siya nakapagpaalam kay Hoseok at sa mga kaibigan nito pero wala siyang nagawa dahil hinila na siya ni Rainoa.

"Hindi ko siya gaanong kilala dahil hindi naman kami close pero kaklase ko na siya mula noon at base sa obeservation ko, masasabi ko na mas approachable siya noon kaysa ngayon." sagot ni Rainoa habang abala sa pagnguya ng cone. Napahinto ito saglit matapos makitang tulala lang si Jungkook.

"Alam kong nakakatakot talaga kapag katabi si Taehyung but trust me, he's a nice guy." dagdag niya at tinapik ang likod ni Jungkook para kahit papaano'y gumaan ang loob nito kahit pa hindi naman 'yon ang dahilan kung bakit tulala siya.

In Another Life | TaeKookWhere stories live. Discover now