CHAPTER THIRTY-ONE: I'm Here

203 11 16
                                    

CHAPTER THIRTY-ONEI'm Here

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER THIRTY-ONE
I'm Here

--

Buong araw ay nagbabantay si Hoseok sa loob ng kwarto ni Jungkook. Hinihintay niya itong magising at umaasa siyang magigising ito, hindi 'yong tumigil sa paghinga.

Sa oras na napansin ni Hoseok na hindi na tumataas-baba ang dibdib ni Jungkook ay agad niyang tinawagan si Jimin para ipaalam ito. Hindi niya ginustong mag-panic din ang kaibigan ngunit kusa na lang gumalaw ang katawan niya at tinawagan ito. Sinubukan siyang pakalmahin ni Jimin ngunit natunugan din ni Hoseok na maging siya ay hindi rin mapakali kaya sa huli ay binaba niya muna ang tawag at sinabing sasabihan niya si Yoongi.

"Kookie." natatarantang pagtawag ni Hoseok saka mahinang tinatapik ang braso ni Jungkook. "Kookie, please."

Anong nangyayari?

Hindi namumutla si Jungkook at tila mahimbing lang na natutulog ito kaya mas lalong kinabahan si Hoseok.

"Kookie, wake up. Please wake up." bulong ni Hoseok habang pilit na ginigising ang nakababata ngunit hindi man lang ito gumalaw. "No, no, Kookie. You need to wake up."

Tuluyang nanlambot ang mga tuhod ni Hoseok at napaluhod siya sa tabi ng kama ni Jungkook. Mabilis at tuloy-tuloy ang paglandas ng mga luha sa pisngi niya habang ginagalaw pa rin ang braso nito.

Hindi puwede.

Nangako siya sa dalawang magkapatid na babantayan at po-protektahan niya si Jungkook habang nasa pangangalaga niya ito. Ano na lang ang sasabihin ni Goddess Alenara at Goddess Zianna sa oras na malaman nila na wala na ang iniingatan nila?

Halos mapatalon sa gulat si Hoseok nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Jungkook at niluwa nito si Namjoon at Jin na parehong hinihingal.

"Hoseok."

"J-Jin? Namjoon? Anong ginagawa niyo rito?" bakas ang pagtataka at gulat sa boses ni Hoseok ngunit umiling lang si Jin bago naglakad palapit sa kanila.

"May alam ka bang posibleng rason kung bakit nahimatay si Jungkook kahapon?" tanong ni Namjoon saka saglit na napasulyap kay Jungkook. Si Jin naman ay umupo sa dulo ng kama nito at pinakiramdaman ang pulso ni Jungkook ngunit wala siyang maramdaman.

"Hindi ko alam, basta't bigla na lang nanakit ang dibdib niya hanggang nawalan na lang siya ng malay a-at ngayon-" napakagat ng labi si Hoseok bago pinalis ang luha na kumawala sa mata niya. "Hindi na siya humihinga at hindi ko na alam ang gagawin."

"Tawagin mo na ang dapat mong tawagin, Seok." sambit ni Jin dahilan para ma-estatwa si Hoseok.

Tawagin ang dapat tawagin?

Sandaling napatitig si Hoseok sa dalawa niyang kaibigan at habang nakatingin siya sa mga ito, pakiramdam niya'y may alam na sila sa mga nangyayari. Alam na nila na hindi tao si Hoseok at Jungkook.

In Another Life | TaeKookWhere stories live. Discover now