CHAPTER EIGHTEEN: A Not So Ordinary Day

243 17 1
                                    

CHAPTER EIGHTEENA Not So Ordinary Day

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER EIGHTEEN
A Not So Ordinary Day

--

"Do you know someone named JK?"

Nakatitig lang si Taehyung at hindi inaalis ang tingin kay Jimin habang nagbabakasali na may makuha siyang impormasyon mula sa kaniya. Bakas ang pag-asa sa mga mata ni Taehyung kaya hindi na naiwasan ni Jimin na magtaka.

"Wala akong kilalang JK, Tae."

Bumagsak ang balikat ni Taehyung ngunit sinubukan niyang itago ang disappointment niya. Tipid siyang ngumiti kay Jimin bago umiwas ng tingin upang hindi nito makita ang reaksyon niya.

"Ganoon ba? Sige, thank you." akmang papasok na sa classroom si Taehyung nang siya naman ngayon ang pinigilan ni Jimin. Nang lingunin niya ito ay naabutan niyang nakangiwi at nakahalukipkip si Jimin.

"Bakit mo nga pala naitanong?"

Saglit na napakurap si Taehyung habang nagde-debate sa isipan niya kung sasabihin niya ba kay Jimin o hindi. Paniguradong magtatampo ito kapag hindi niya sinabi kaya sa huli ay wala siyang nagawa kung hindi sabihin 'yon.

"May nakikita kasi akong bata sa ala-ala ko pero hindi ko maaninag ang mukha niya. May mga bahagi rin na hindi ko marinig ang usapan pero may nakita akong drawing na mukhang ako ang gumuhit. Doon ko nakita 'yong JK." paliwanag ni Taehyung. Tahimik namang nakikinig sa kaniya si Jimin at nakatutok sa bawat sasabihin niya.

"Mukhang kaibigan ko siya noong bata pa lang ako pero hindi ko na matandaan ngayon. Nagbabakasakali lang ako na baka nai-kwento ko sa'yo kung sino siya o alam mo kung ano ang buong pangalan niya. Pakiramdam ko, malapit kami sa isa't isa at malaking bahagi siya ng buhay ko? Basta hindi ko rin maintindihan. May bahagi sa akin na gusto siyang makilala at makita dahil paulit-ulit siyang nagpapakita sa ala-ala ko."

Maging si Jimin ay napaisip sa sinabi ni Taehyung habang nakahawak sa baba niya. Tuloy ay nacu-curious na rin siya kung sino 'yong hinahanap ni Taehyung.

"I'm sorry, Tae. Wala akong matandaan na nag-kwento ka sa akin tungkol kay JK pero huwag kang mag-alala, tutulungan kita na hanapin at alamin kung sino siya." Jimin smiled at him reassuringly. "We'll find him, okay?"

Tumango naman si Taehyung at sinuklian ang ngiti ng kaibigan. "Thanks Chim."

"No worries, babe." tinapik-tapik ni Jimin ang likod niya. "Teka, ibig sabihin ba no'n, dalawang kaibigan mo ang nakalimutan mo? Si JK at Jungkook?"

Napakamot ng ulo si Taehyung saka ngumiwi. "Parang ganoon na nga."

"Good morning!" agad na napalingon sina Taehyung at Jimin sa likod nila matapos marinig ang pamilyar na boses.

"Oh, good morning, Yugyeom. Naligaw ka yata ng classroom?" biro ni Jimin matapos makita ang team mate nila na nakatayo habang may hawak na styrofoam at banana milk. Si Taehyung naman ay tipid lang na ngumiti at tumango lang bilang pagbati.

In Another Life | TaeKookWhere stories live. Discover now