"You seem to be in deep thought, ano yon, Cosine?"

"Wala, medyo nagugutom lang ako, kanina mo pa ako sinasayaw, baka naman gusto mong isayaw yung mga babae na Humanitarian Prodigies."

Nagpacute pa si Envinci at nagpout. Gusto tuloy pisilin ni Cosine ang nguso nito.

"Ikaw lang ang isasayaw ko sa gabing to. I'm letting people know."

"Know na ano?" Pabirong nakatinging masama sa kanya si Cosine.

"Na ikaw lang."

Kinurot ni Cosine si Envinci sa gilid at napaaray ito. Medyo naalerto pa ang mga PIlomonads dahil sa itsura ni Envinci at tawa lang nang tawa si Cosine.

"Alam mo, gutom na ako mamaya mo na ulit ako harutin, ha?" Natawa lang si Envinci at nakangiti naman si Cosine na naglakad palayo ang kaso tinawag ulit siya ni Envinci.

"Cosine, pwede bang dalhin mo bukas dito yung libro ko? Nasa hideout kasi natin ang kaso di ako makakaalis."

Tumango si Cosine. "Yung favorite mong libro? The Arc of Grim?"

"Oo, thank you." Dumiretso na nga si Cosine sa table nila at inaasar lang siya ng mga kaibigan niya sa pagsayaw nila ni Envinci.

Hanggang sa umuwi sila dahil tapos na ang celebration ay pinagtitinginan si Cosine dahil siya lang ang isinayaw ni Envinci buong gabi. Alam na nila kung sino ang napupusuan ng bagong Duke at alam na nilang wala silang pag-asa dito.

Humiwalay si Cosine at hindi sa dorm nila umuwi bagkus ay binisita ang labi ng nanay niya. She said sorry for not being able to visit her remains for years and she also apologized for grabbing the seal and taking it with her.

Balak niya kasing ipakita ito kay Medieval dahil base sa naalalang memorya ay mukhang importante ito sa kanya lalo na kung hinahanap niya ito ilang milenya na.

Dumiretso naman si Cosine sa Tech Hideout niya at nagulat siya nang nandoon pa rin si Medieval. Tulog ito sa malambot na gawa ata ng magic niya kasi wala namang higaan dito. Napansin ni Cosine na magaling na ito at mukhang napagod dahil ginamot ang sarili. Naawa si Cosine dahil napansin niyang mukhang nilalamig ito kaya kinuha niya ang isa sa mga telang pinantatakip niya sa mga artifacts at ikinumot ito kay Medieval.

Tapos naalala niya yung seal of fate at tiningnan ito. Nagulat siya nang nagpupungos na si Medieval.

Mabilis niyang nilapitan ito.

"Medieval! Alam mo ba kung ano ito?" Tanong niya dito sa bagong gising.

When Medieval saw it. His eyes beamed with hope. He gently grabbed it from her hands and stared at it.

"Totoo ba to?"

"Hindi to panaginip." Pagkompirma ng lokong Cosine.

"Paano mo nahanap to?"

"Matagal na naming nahanap yan ni Envinci, sa labi ng nanay ko."

Napatayo siya at bigla ba namang nag-glow nang matingkad na neon blue ang Seal of Fate na parang sinusuri niya kung iyon ba yung legit. When the light vanished, Medieval look overjoyed.

Napayakap siya kay Cosine sa sobrang saya niya.

"Thank you! Thank you so much!"

Tatango-tango lang si Cosine at hindi makangiti nang maayos.

"So bakit mo hinahanap ito?"

Hindi sinagot ni Medieval ang tanong niya, "Pwede bang sa akin muna ito?"

Tumango lang si Cosine at mabilis na umalis si Medieval. Mukhang nagkaroon ito ng pag-asa. Pero nagtataka siya para saan naman iyon? Anong misteryo bakit matagal niya nang hinahanap iyon para saan? So ganon-ganon nalang yon? Tanong ni Cosine sa sarili at kinuha na nga yung librong pinapautos naman ni Envinci. The Arc of Grim.

She knows this book, it tells a story about such fantasy na sa tingin niya may kinalaman sa immortality at kay Medieval. A bizarre man sold this book to Envinci before at nagulat sila kasi tungkol ito sa storya ng isang lalaki na sa bawat era ay nandoon ito para ideceive ang mga lalaki para maging imortal tulad niya. Ayon din sa kwento ay ang lalaking ito ay siya ring dahilan kung bakit kinain ni Eba ang pinagbabawal na prutas, siya rin yong ahas doon.

Basta ang storya ay kung paano niya sinasamantala ang pagiging bigo ng mga lalaki at inaalok sila ng immortality tapos maglalaho siya at after another era ay mayroon na naman siyang biktima.

Envinci thought that Grim might be Medieval or Medieval could be one of the victims of Grim.

Cosine thought that it was just a mere story, a fairytale, pero dahil nga nagkaroon na naman ng interes si Envinci dito she thinks that this might not be just fiction. It might be true.

+++++












Installing 49%Where stories live. Discover now