Installing 7%

387 45 18
                                    

Nang matapos ang sobrang bilis na byahe namin ay pinanood lang ako ni Envinci na nakaupo sa lupa habang ngumangawa na parang bata.

Paano ba naman kasi pagbaba namin ay sobra akong natakot sa sobrang bilis.

Hindi joke lang, ginagago ko lang talaga siya.

Wala akong magawa eh, trip ko lang. Bakit ba nangingialam kayo ng may trip?

Eh kilalang-kilala niya na ako kaya nginisihan niya lang ako. Badtrip wala talagang lusot kay Envinci. Kaya tumayo na nga lang ako.

Tapos nakita ko na naman ang undercover spies ng Ciencio.

"I know you too well, Cosine. So stop that, naiwan na nila tayo." Tapos tumawa lang ako ng parang buwang sa kanya. "Grabe, bakit ba kasama ko tong baliw na to?" Bulong niya sa sarili tapos hinarap na naman ako. "Kapag hindi ka tumigil sa pagiging baliw mo, bubuhatin kita at iitsa sa Outerstellar." Banta ng ubod na gwapong si Envinci.

Mabilis akong tumino at mabilis na nagpailing-iling.

"Sorry na, tara na. Matino na ako. Lez go." I sheepishly smiled at him at binilang kung ilang mga Ciencio Spies ang sumusunod sa amin.

Envinci just looked at me through his calculating deep hooded eyes. He's always such an eye candy.

Bakit nila kami sinusundan? Alam naman ng Ciencio na pupunta kami sa Aquifex City dahil ayon sa clue na natuklasan namin ay dito namin malalaman ang pinagmulan ng Immortality.

Hindi kaya?

Ah naalala ko na. Kaya nila kami sinusundan para alamin kung sino ang pinakamatalinong babae sa Intel. Malapit na palang matalagang bagong Duke si Envinci. At para makaakyat siya sa trono he needs his Duchess.

At naayon sa batas na dapat ang magiging Duchess ng Cipher City ay ang pinakamatalino sa lahat.

Sa Intel mo lang naman makikilala ang pinakamatatalino eh. At alam ko kung anong gusto ng Ciencio. Ayaw nilang maging Duke si Envinci.

Kaya alam kong nautusan silang patayin ang kung sino mang pinakamatalinong babae sa Intel.

Bakit ko nga ba nakalimutan iyon?

Kaya kailangan kong ipagpatuloy na umaktong baliw at may sapak sa ulo. Para iisipin nilang kaya ako napasali sa Intel ay dahil wala silang choice. Hindi dahil sa napasali ako sa Intel dahil ako ang pinakamatalinong babae sa edad ko.

Nang makarating na kami sa elevatar papasok sa atmosphere ng Aquifex City ay medyo nalula na ako. Parang ang ganda lang siguro kung ang kulay ng planeta nila ay color blue at green. Hindi sunog at parang usok.

Oo, naalala ko pa noon. Ang kulay ng earth ay color blue kasi marami silang anyong tubig. At mumunting green dahil mayaman din sila sa damo. De Joke, hindi damo, anyong lupa pala na may mga puno ganon.

Alam ko kasi ay nasira ang ozone layer nila kaya direkta na ang pagpasok ng araw sa planeta nila. Kaya nasunog ang lahat ng bagay sa planetang iyon. Sunog talaga. Abo. As in abo. Pero hindi naman lahat ng tao sa earth ay nasunog.

Bago pa kasi masunog ang lahat ng tao ay nadiskubre ng sensya na pwede ng tirhan ang iba pang planeta katulad ng Mercury, Jupiter, Saturn, Uranus, Pluto at may dalawa pang planetang bagong natuklasan na ngayon ay tawag ay Cipher City, Heliore City, Vitnicus City at basta marami pa. Kaya doon nagevacuate ang ibang tao at nagparami sa mga planetang pwede ng matirhan.

Hindi nila sinubukang tirhan ang Venus at Mars. Ewan ang alam ko lang after thousands of years ay sobrang init talaga doon na parang kang tumapak sa nagbabagang bulkan.

Installing 49%Where stories live. Discover now