Installing 24%

163 21 8
                                    

Napaikot si Cosine para tingnan ang buong paligid. Kung saan pwede manggaling ang papatay kay Envinci. She was looking at places keenly. Until she saw na wala mula sa malayo ang may balak pumatay kay Envinci. Nasa tabi niya mismo.

Ang Ceremonial Priest. Cosine never knew her legs were so strong that she sprinted up the grandiose stairs to meet Envinci's distance to stop him.

Napasigaw si Kesyla. "Cosine!" Nataranta rin ang mga professors niya sa biglaan niyang pagtakbo at hinabol siya ni Jedi at ni Gabe para pigilan. HIndi nila alam kung bakit tumakbo nang ganoon kabilis si Cosine. Pero masama na rin ang kutob ng professors.

Her sprint was so fast that the Pilomonads couldn't stop her from running towards Envinci when her feet reached the ground where the Duke was standing on.

Nakita ni Cosine na maglalabas na at itatarak na ng Ceremonial Priest ang silver dagger na nakatago sa robang puti nito.

Cosine felt her adrenaline rush through her when she pushed Envinci away from the Ceremonial Priest. Gulat na gulat si Envinci nang makita niya si Cosine at inilayo lang ni Cosine si Envinci mula sa kahit na sino. She was protecting him with her whole body.

Doon lang rin napansin ng mga opisyales na nakatayo doon at mabilis pinrotektahan ng Pilomonads ang tatay ni Envinci nang makita nila ang dalawang dagger na hawak ng Ceremonial Priest.

"Seize the Priest!"

Mabilis na kumilos ang mga Pilomonads para hulihin ang Priest pero mukhang may kinagat ito. At bigla nalang itong sumabog.

Tumalsik ang laman loob ng Priest sa mga Pilomonads na malapit dito, Cosine was shocked and a bit traumatized dahil nakita pa nito ang large intestine nito na nagkandagutaygutay sa sahig. She vomited from the graphic remains of the suicidal assassin.

Nakaayat din sila Jedi at Senior Gabe at nagulat nang makita si Envinci ang kokoronahang Duke. Pipigilan sana sila nang sumenyas si Envinci na hayaan sila.

"They're Algorithian Prodigies let them."

Kaya dumiretso muna sila sa loob ng palasyo para itigil pansamantala ang koronasyon. Hindi rin binitawan ni Envinci ang kamay ni Cosine at siya pa ang umalalay dito dahil nanlata rin si Cosine dahil sa takot at adrenaline.

She genuinely cares for Envinci and he felt that.

Nang maiwan sila saglit ay niyakap nang mahigpit ni Envinci si Cosine. That calmed his heart. He knew something will happen today and Ciencio will do anything to erase him. He knows why Ciencio hates him. Its because he was Quad-Genius. His brain alone was a threat to them. They fear the changes that will come once Envinci claim the throne. They fear that the restrictions they put on their people will be unchained by him.

Cosine felt at peace too when she hugged him back. Natakot siya kanina nang makitang nasa panganib si Envinci. She never felt terrified like this before. Ang nasa isip niya lang talaga kailangan niyang sagipin ito o may gawin manlang siya para pigilan ang may gustong manakit sa kanya. Alam niya kung anong nararamdaman niya, she just kept them.

"Okay ka na ba?" Tanong niya kay Cosine. "O baka naman nabuntis ka nang di ko alam?" Pagbibiro ni Envinci sa pagsuka ni Cosine.

"Hindi naman malakas ang sikmura ko sa mga lumilipad na laman loob ano!" Sinuntok niya sa inis ito. Natatawa lang sa kanya ang lalaki.

"You saved me though. Really Cosine, Thank you. Utang ko to sayo." Turo niya sa puso niya. Hindi niya pinansin ang maharot na remark niya.

"Natakot talaga ako kanina. Akala ko talaga mahuhuli na ako." Bulong niya. Malapit sa kanya si Envinci kaya narinig siya nito.

May mapang-asar na ngisi si Envinci. "So meron nga?" Ngising-ngisi ang loko.

"Meron naman talaga--" Kikiligin sana nang malupit si Envinci nang dumating na ang tatay nito na kasama sila Jedi.

Nagpaalam na nga si Cosine at sumama na kila Senior Gabe. Nang hinablot ulit siya ni Envinci.

"Don't do that again." Sinasabi niya yung pagligtas sa kanya ni Cosine kasi kanina natakot din siya na baka madamay si Cosine.

Binigyan lang siya ng ngiti ni Cosine. "I would do that a thousand times and you can never stop me." From saving you.

His heart trembled at what she said. He really loves her and he's loving her more. Nagbow sila Cosine sa Duke at umalis na nga sila. Nang makabalik sila sa pwesto nila kanina ay tuloy daw ang coronation after ilang inspection sa mga taong aakyat sa Ceremonial Grounds. Mababawasan din ang mga tao na tutungtong doon. Ang Pilomonads, si Envinci pati na rin ang Duke. Para masigurado ang safety ni Envinci.

After an hour of total chaos ay bumalik na ulit sila doon at magsisimula na ulit ang coronation. Kahit ang mga mamamayan na nanonood at nababahala sa mga nagbabalak sa buhay ng ihihirang na bagong Duke.

Nang makita niya si Envinci na kokoronahan na ay bago na ang damit nito at mas lalo itong gumwapo sa paningin niya. Mabilis ang naging seremonya dahil nangangamba sila na baka may mangyari na naman.

When everyone praised the new Duke of Cipher City, everyone cheered for him. Thousands of people were cheering dahil natuloy ang koronasyon. He was breathtakingly beautiful when he smiled at Cosine as he raised the golden bow that represents his Dukedom.

Napayakap si Kesyla kay Cosine dahil shocked siya nang makita niyang si Envinci pala ang Duke. The roars of people celebrating was all that she heard. At pagkatapos ng koronasyon ay may gathering pa ang mga Prodigies at Professors para icelebrate ang bagong Duke. Mas pili ang mga tao ngayon pero kahit na ayaw nilang imbitahan ang Ciencio. Hindi naman nila pwedeng paalisin dahil wala silang ebidensya.

While she was getting her food ay lumapit siya kay Maximil nang makita niya ito. Palihim ang paglapit niya. "Thank you for saving him."

"I didn't save him. You did, Cosine." Pero may ngiti sa labi nito. Kahit papaano naging magkakaibigan rin naman sila noong kabataan nila.

"Right," She was smilling.

"I think you should stop decoding the immortal code." Biglaan na naman nitong sabi kay Cosine.

"Bakit may bago ka ba'ng nahanap?"

"I saw Medieval earlier, when you run towards Envinci. Half of his body was already healed. While half was still burning. I think no one saw him dahil lahat nakatingin sa pagtakbo mo. But I pity him, I felt like he wanted to stop living but he couldn't."

Etong si Maximil pagnagsalita talaga makukuha mo yung pinaparating niya. Sa utak ni Cosine. She sighed. Alam niya, aware siya.

Kahit siya gusto niya na ring tigilan kasi kung sakali mang makuha nila ang code. Then someone might just suffer like him. But she still has her responsibilities as an Algorithian Prodigy. Hindi niya pwede basta-bastang iwan ito.

"Gagawan ko ng paraan." Sabi niya. Pero napalingon siya kay Maximil nang malungkot ang mata nitong tiningnan siya.

Ang kaso yung susunod na sasabihin ni Maximil ay ang magpapatigil kay Cosine. "Pero alam mo ba kanina habang pinanonood ka ni Medieval na tumatakbo papunta kay Envinci, his eyes feels as if he lost you again. Like he lost something again."

Napahinto siya sa sinabi nito at tinawanan lang siya ni Cosine. "Tigilan mo nga ako sa mga jokes mo. Gutom lang yan, tara kaen."

+++++




































Installing 49%Where stories live. Discover now