Installing 20%

281 25 1
                                    

We were currently investigating some sightings of a neon blue levitating letters in a language I don't speak.

We're down to 7. Kasama namin ang dalawang profs. Prof Carpio and Prof Bino. Kitang-kitang sumasakit ang ulo ng dalawang professors sa nakita.

"Ano daw po bang nangyayari?" Tanong ni Jedi habang ako tinitingnan ko ang paligid. Nasa gitna kami ng kalye. Mismong vehicle railways at katapat na naman ang Governor's Place. Ano bang meron sa lugar na 'to at lagi kaming nauuwi dito?

"There has been reports na kung sino ang magtangkang humawak sa mga neon letters na yan ay bigla-bigla nalang pumapatay ng tao or nababaliw. Some said, para silang na-hihypnotize habang tinitingnan nila ito--" Naputol ko na ang sasabihin nung pulis nang mapansin ko agad si Kesyla.

"Kesyla! Wag!" Mabilis kong tinakbo ang pagitan namin ni kesyla ngunit nagkaroon ng malakas na impact nang mahawakan niya iyon, she looks so enticed with it. Shit! She was thrown away at ganoon din kami. Bumagsak kami sa lakas ng impact.

Nang madatnan namin siya ay nagliliwanag ang mata niya. Lightning blue.

Pero mas nagulat kami nang unti-unting namuti ang buhok niya at kumulubot ang balat niya. She immediately grew older.

After that, naiwan kami at dinala na siya sa ospital. Genetics Prodigies na ang bahala sa kanya. Napaupo ako sa gilid. Inabisuhan ang lahat na bawal munang dumaan dito at tingnan ang Levitating blue letters.

Lumapit sa akin si Jedi. "It's not a language. I know every single one of them and they are characters I have never met." Rinig ko ang frustration sa boses niya dahil alam kong nag-aalala rin siya kay Kesyla.

Hindi pa kami pwedeng umalis dito at puntahan siya dahil kailangan pa namin itong masagot.

Tiningnan ko ang dalawang professors namin na kinontact na siguro ang mga kakilalang archeologists and philologists.

Lumapit sa amin si Saya. "I think that's baybayin. Yan ang sulat ng mga sinaunang Pilipino noon nung hindi pa kami nasasakop ng mga espanyol."

Medyo nagtataka si Jedi kung bakit hindi niya alam iyon. "So bakit hindi ko alam ito?"

"After kasi ng nagdaang taon, tinago ng mga Pilipino ang pagkakakilanlan niyan. Para yan ang gagamitin nila para itago ang mga kayamanan na para bang naging secret code nila. Kaya hindi talaga malalaman yan ng iba unless dugong Pinoy sila."

Napatayo ako. "Kung ganoon pwede bang sabihin mo sa amin ang ibig sabihin niyan?"

He sighed. "Kapag ginawa ko, pagtatraydor na ito sa batas namin."

Tumango ako. "Ganito, kahit na hindi mo na ibigay ang literal na meaning. What does it say? Is that a question? A clue or an answer?"

Tiningnan ni Saya ito at nagbago ang itsura niya. "Ito ba ang rason kaya ako nandito?" Nababahala ang ekspresyon ni Saya at mabilis na hinarap ito ni Senior Gabe.

"What does it say?"

"It's in our ancient language." Hinihintay na namin siyang magsalita. "A curse of a mortal for the death of me. Ako ba yon? Ako ba ang tinutukoy ni Medieval?"

Malutong na nagmura si Senior Gabe pati na rin si Jedi na mas malakas pa.

"Is he talking about Kesyla?"

Napapikit ako at dahil doon utak lang ang pinagana ko. Napailing ako.

"No, they were all just a collateral damage. Medieval wants Saya. But what is it? Why you?" Napaiwas siya ng tingin. Hinarap ko siyang maigi. "Saya, we need your cooperation." Marahan kong sabi.

"Galing ako sa pamilya ng mga mangkukulam."

Medyo nagtaka kami kasi hindi namin kung anong ibig sabihin no'n. "I can put curses to people."

Napatango ako sa pag-intindi. "Medieval wants you to put a curse on him."

Sila naman ang nagtaka. "He wants death upon himself. He's tired of living an endless life."

"So anong plano?"


_____


Kinagabihan ay hinihintay ko si Medieval. Alam kong naririnig niya ako. "Medieval! Magpakita ka na. Medyo namamaos na ako!" Inis kong sambit at sinipa ang bato.

Hawak ko na ang papel na sinumpa ni Saya, sinabihan ko silang ako na lang ang didiskarte. Pero syempre nasa paligid pa rin sila nagtatago kasi medyo kabado ako. Kailangan ko pa rin ng support.

Nang lumitaw siya at halos mapaupo ako sa gulat.

"Punyeta ka!" Hinampas ko siya nung sumpang papel sa gulat.

Agad niya itong kinuha sa akin.

"Ito na ba 'yon?"

Napamaywang ako sa inis at inilayo iyon sa kanya.

"Pinaglalaruan mo nalang kami. Hindi namin ginagawa ito para mahanap mo ang sulusyon kung paano ka mamatay, ginagawa namin ito para makuha ang immortality code." Sermon ko at binato ko sa kanya yung tae ng kambing. Sinupot ko kasi kanina. "Oh regalo ko sayo kasi bwisit ka."

"What's that smell?" Natawa siya at pinagpagan ang sarili. "So anong gagawin ko dito?"

"Bobo ka ba? Malamang nandyan sa papel ang instructions, jusko sis!" Istress kong sabi natatawa nalang siya sa akin.

"Malay ko ba?"

Isa lang naman ang instructions doon. Sunugin niya ang sarili sa kulay asul na apoy na matatagpuan sa Mayon. Chant the encantations then he's dead. Doon daw nila sinusunog ang mga imortal at masasamang engkanto sa kultura nila.

Napakainteresting actually.

Mabilis kong binawi ang papel nang mapangisi siya. "Pero asan muna ang gamot para kay Kesyla? She's aging rapidly. And the immortal code! Jusko! Settle things muna bago ka magpakamatay pwede ba?"

Natahimik siya. "You're being heartless you know?" Napahinto ako doon. "Sa hinaba nga naman kasi ng buhay ko parang wala lang din yun halaga. But I'm still human."

Umiwas ako ng tingin. He has done more harm than good. Maraming nagpakamatay at pumatay sa iniwan niyang mensahe sa kalsada. I don't have the time to pity him. Kesyla's in danger.

"Save it. Where's the immortal code? How do we revert Kesyla's age?"

In a swift motion napunta siya sa likod ko at mabilis na kinuha ang papel na hawak ko. Sobrang bilis na para siyang nag-teleport tapos bumulong siya.

"She'll stay like that until I proved the curse works."

Then he vanished nang humarap ako. Lumabas din ang mga tropa ko at napamura lang si Jedi at umalis na. Pupuntahan siguro si Kesyla.

+++++






















Installing 49%Where stories live. Discover now