Installing 30%

118 17 5
                                    

Sa sinabi ni Envinci ay nagmadali akong pumunta sa Cipher Grand Library. Pumunta ako sa section na may similar cases ng nangyari. I picked up a lot of books that dated a few decades back.

I felt something pierced my heart, when everything that I read are making all the pieces meet. Hanggang sa mapatunayan nga ng gut feel ko ang nangyari kung bakit nila ginawa iyon.

I was to turn the next page hanggang sa may nagpatong ng favorite kong lollipop sa libro. Napaangat ako ng tingin sa tapat ko.

"This is the first time I saw you falter over a case. Dahil ba wala si Envinci." Napahinto rin ako sa sinabi niya. That was not a question, it was a statement

Yes, this was the first time na nageffort ako sa isang case. Because I was always sure of everything, I was always sure of my gut feelings and deductions. Laging magkasama 'yon. At mahirap ngang umoo dahil tama siya, nasanay akong nandyan lagi si Envinci that's why I never got to feel restless and scared over what will happen to me because of a case that might result to my death.

I always relied on Envinci. Kasi alam kong pareho lagi kami ng deduction at sagot. Ang tingin ko sa aming dalawa ay parang biniyak na utak. Ako yung kaliwa siya yung kanan.

"It's fun to see how you can't chill without him. It's nice to see you get serious in a while."

Totoo rin, sa tanan ng buhay ko wala akong sineryoso. Kahit sa Intel hindi rin ako seryoso, kahit yung pagkolekta at paggawa ng unauthorized mobiles ay hobby lang. I won't deny that I was dependent on Envinci kaya never ako nagseryoso. Kasi alam ko siya ang magiging seryoso sa isang case para sa akin.

Now, that he's not here, of course I need to be serious kasi wala nang gagawa no'n para sa akin.

Inabot ko kay Gosen ang compilation ng deductions ko. Tumawa siya at hinawa ang buhok pataas. "Damn Cosine, you do well when you're alone." Tapos binuklat niya na ang three pages ng naisulat ko.

Napangisi lang siya habang binabasa at nang matapos ay mukha pa siyang proud. Guguluhin niya sana ang buhok ko katulad nang habit niya noon ang kasi lumayo as instinct. Saglit din na nagflash sa utak ko kung paano niya ako sinubukang patayin noon.

"Don't worry I'm not obsessed over you anymore." Blangko lang akong nakatingin sa kanya.

"Mukha ngang nakamove on kana, pero sana 'wag mo na akong matripan patayin."

"Of course not at a place where people would point at me." Tumayo na nga ang siraulo at iniwan ako. "See you at Domain."

Medyo nakahinga ako nang maluwag. That was a pretty normal conversation. Naalala ko tuloy yung dating siya. Kaya ko rin nagustuhan yan noon ay dahil pareho kaming chill lang.

Bago ako dumiretso sa Intel para sabay-sabay kami pumuntang Domain ay dinaanan ko muna si Envinci pero hindi na ako nagpakita at pinaabot nalang yung cake na binili ko. Feel ko ipapasok naman iyon dahil kilala ako nung guard at nung royal secretary niya.

I don't know malakas ang gut feel ko nagkicrave yung lokong 'yon sa favorite niyang cake. At gusto ko rin iparating na namimiss ko na siya. Nag-iisip nga rin ako na umamin na pagkatapos masolba nung kasong to ngayon.

Narealized ko kasi lalo na nung wala siya, mahal ko men. Hindi ako sanay nang wala siya, para akong nabobobo. Kaya gusto kong magkaroon kami ng hawak sa isa't-isa para assurance na kahit malayo siya, kami.

Nang humarap na nga ako para iexplain sa kanila ang lahat nang nakuha kong impormasyon sa nagmula pa sa kasuluk-sulukan ay binigyan ako ni Gosen nang isang ngisi.

"Saan ako magsisimula?" Entrada ko at parang may hinanap pa ako sa mga taong nasa harap ko at nakikinig sa akin.

Sana natanggap niya yung cake.

"The Minister of Filum. Do you think this case is a fail on their part or this is all something they planned just to play with us?"

Binigay ko sa kanila ang info na nakuha ko sa Filum.

"To answer my own question, it's actually a failure on their part. They're fragile on one thing. Complete execution of magic and technology." Aware naman kami na nag-eexist ang magic. Kaya nga nagkaroon sila ng knowledge sa technology dahil nagkaroon sila ng grasp sa magic.

It's just that magic and technology coexist but cannot work well.

"A century back, may similar case na isinagawa ang Filum sa Aquifex. It ended up with another failure but a success for the 7th Generation of Intel Prodigies." Tumingin ako sa Professors namin. Kasi obvious na alam na nila kung anong itinutukoy ko.

"Cosine, don't tell me this is about the item we lost?" Sabi ni Professor Denira. Professor Carpio ordered to close the blinds and check the room. Professor Santival did the pleasure of sealing the place.

This is not about immortality. What they were searching for is something that is more of a taboo for Citizens of Cipher. Bakit? We lost half of the Algorithm students when our professors decided to bring that lost item na nakuha nila sa Aquifex.

Why do you think Professor Denira lost her limbs?

Because she was the closest to that item when they deciphered its message.

"Yes, Prof. They were searching for the Hourglass of Vector. I am sure, na ang hinahanap nila ay yung templates na itinanim niyo noon sa Kanlaan Rivers."

They wanted to ruin it after they found out how to decipher the code, that stone text, and templates, doon nakasulat ang buong procedure kung paano nila nadecipher ang message sa item na iyon, Every case ay dinodocument talaga ng prodigies para may kopya kami. But the thing is it doesn't subject to fire and cannot be burned.

That is actually alarming, kahit sila na ang may gawa nung sulat doon sa templates kung paano nila pinag-aralang idecipher ang message ng item, ay kaakibat pala no'n ang isang protective curse once na nabanggit ang keywords na konektado sa Hourglass of Vector. Kaya hindi nila masira iyon o masunog.

"Nagkaroon ng glitch ang usage ng magic ang technology na ginamit nila to conceal their presence and identity kaya nakuha pa rin sila sa footage."

"Wait, if they were trying to conceal themselves, bakit may naipasang protocol na pirmado ng Minister ng Filum?" Tanong ni Saya.

"That, it was intended to declare a warning to us. Na parang sinasabi na we should let them have the Hourglass of Vector and the contents on how to activate it."

"Pero bakit? Ano bang rason kung bakit gusto nilang makuha iyon? They could have just ask us permission for it hindi yung nagkakadagulo pa dahil patago nilang nanakawin." Frustated na sabi ng isang Domain Prodigy.

Napahinto ako roon. Sa tingin mo ba, ready na silang marinig ang susunod kong sasabihin?

Napangisi at mukhang proud lang sa akin si Gosen. Binato siya ni Jedi ng ballpen at tumama sa noo niya. Sinipa naman ni Senior Gabe ang upuan niya at inangasan siya.

Napatingin ako sa Professors, especially kay Professor Carpio na kulay asul na ang buhok. Nagpakulay na naman siya. Siya kasi ang nagsabi na hindi na pwedeng is disclose sa public ang information about that item na nagresult ng casualties at forever nakatatak sa mga Algorithians.

"Arf Arf? Professor Carpio?" Tumahol talaga ako at dahil dito naease siya at natawa.

Sobrang sensitive kasi ng topic na 'to especially sa 7th Generation ng Intel Prodigies.

"Ano pa nga ba? Go ahead, Cosine. It's fine."

"Do you know what signifies an Hourglass right?" Haist, no choice talaga. "It signifies, life and death. Once the sand was filled, and once the sand was emptied."

Napasigaw ako nang bigla nalang akong lumutang at tumagos sa kisame!

Nagsigawan at nagpanic din sila, pero nawala na ang hiyawang iyon nang makita ko kung sino ang gumawa non na parang feel ko tuloy naging multo ako.



+++++

Trivia lang: Favorite ko tong story na to and I consider this as my masterpiece HAHAHA.

Unedited <3











Installing 49%जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें