Installing 16%

260 32 2
                                    

The Waterslide felt so fast that I thought I teleported into a void of space.

Muntikan na akong mapasigaw dahil pagdilat ko ay naka-pause ang mga mukha ng mga kaibigan ko, nakataas ang mga buhok at mukhang nagsisigaw dahil mala-rollercoaster ang waterslide. Konti nalang gumulong mga intestines namin sa slide.

Napatingin ako kay Envinci na pogi pa rin at pinagtatawanan lang si Jedi na katabi niya.

Hanggang sa hinarap ko ang nag-iisang nilalang na kayang pahintuin ang oras katulad ng ginawa niya ngayon.

Nakaupo siya sa hood ng waterslide at nakatingin lang nang natatawa sa mga mukha ng mga kaibigan ko.

Tumahimik muna ako at tyaka ko nabuo ang tanong. "You put the code on the dead man's body to give him justice, because you know that he will never get it, that is why you brought us there, right?" Dahil sa kalmado kong tono ay napalingon siya sa akin.

"I thought you'll be mad. Accuse of me of having no morals." Natatawa pa siya at mukhang mangha.

Tumingin ako sa paligid. "I think differently."

He was smiling while he nods. "You do." Napansin kong nakatingin lang siya sa akin na parang gustong bungkalin ang utak ko.

"Alam mo, bakit hindi mo nalang ibalik ang takbo ng oras ano? Nang makalarga na kami?"

Medyo gusto kong mag-freak out habang naglalakad siya sa ere. Pero yan siguro ang ginawa sa kanya ng pagiging imortal. He can hallucinate people with his stare, he can stop time, he can walk suspended space, ano pa? Ano pang kaya niyang gawin?

"Do you ever feel lonely?"

Napatingin ako sa kanya. He looks handsome even in his side view. Sobrang unfair.

I looked back at my life, and my experiences.

"I never felt lonely because I can always work for my happiness. Pero nung tinanong mo iyan naalala ko ang lola ko, and the possibilities..." Napahinto ako doon at tiningnan siya nang diretso. "And that, I felt lonely." I sighed. "Kaya gagawin ko ang lahat makuha lang ang immortality code."

Then he laughed, loud like he hasn't in all the millenniums he had lived.

Habang pinanonood siyang tumawa ay napansin ko lang na sobrang gwapo niya. Ano ba 'to? Hini-hypnotise niya ba ako? Bakit hindi ko ma-explain ang attraction sa kanya?

"Okay imortal! Huminto ka!"

Napakunot ang noo niya sa akin na may tawa pa rin sa labi. "I haven't laughed in 400,000 years. Bakit mo ako pinipigilan?"

Napahinto ako at nakaramdam ng awa. The years he had lived was too much, a hundred is already unbelievable, how come 400,000 years? That's very fictional. Sobrang layo na sa katotohanan. Pero kung totoo, paano niya na-retain ang memories? Paanong hindi pa rin siya namamatay? Ang dami kong tanong na gusto kong itanong pero hindi ko magawa.

"Ay ganon ba? Sige tumawa ka lang. Tumawa ka lang na parang baliw."

Mas lalo siyang natawa sa totoo lang, pero naging sarkastiko ata ang sabi ko.

I deadpanned looked at him. "Really? Lagi bang clown ang ganap ko para sa mga tao?"

He shrugged.

I crossed my arms. "Kung tapos ka na baka naman pwedeng ibalik mo na ang oras sa takbo nito, ano po mamser?"

He smiled and nodded. "Just be careful today." Sumeryoso na siya at tiningnan si Envinci sa tabi ni Jedi. "I mean kayo."

Umirap ako nang pabiro. "Weh, minsan nga feel ko sinusumpa na kami ng isang imortal dyan kasi nakukulitan na siya sa amin."

Installing 49%Where stories live. Discover now