Installing 12%

353 33 19
                                    

Tila ba ang atensyon ni Envinci ay nasa hangin pero ang totoo lang naman ay palihim niyang pinanonood kung anong kabaliwan na naman ang pumasok sa utak ni Cosine.

"Kesyla ang daming uod oh! Tingnan mo ang cute nila!" Sigaw ni Cosine dala ng excitement habang tumitili at tumatakbo papalayo sa kanya si Kesyla.

Hawak niya kasi ang pinulot na eartworms at ang tataba pa nila!

"Lumayo ka sakin, impakta ka!"

Napahilot ng sentido ang ibang professor nang mapansin si Cosine pero nagpatuloy lang silang mag-usap. Ang hindi nakatiis sa kakulitan ni Cosine ay si Professor Carpio at hinampas na ng dyaryo ang dalaga.

Naibato tuloy ni Cosine ang uod kay Prof Carpio at nagtatalon at nagtitili ito na ikinagulat din ng ibang professor!

"Hala Prof! Sorry sinadya ko! Hinampas mo po kasi ako eh."

Tago nalang na napatawa si Envinci sa isang gilid sa kalokohan ni Cosine, ang aga-aga.

Sa inis ni Professor Carpio ay pinaghahampas niya ulit ng dyaryo si Cosine.

"Ikaw talagang bata ka! Hindi ka kasi mapirmi! Pati uod pinaglalaruan mo!" At naghabulan lang silang dalawa.

Madilim pa rin dito sa Aquifex City kahit umaga na dapat. Ganito na talaga ang mundo dito. Dati daw ay maraming dagat at puno sa mundong ito, sariwa ang hangin kaso yun nga sinira rin kasi ng mga taong nakatira dito kaya halos lahat ng tao banda dito sa Manila ay nakaoxygen mask at may tig-iisang oxygen tank din na bitbit sa kanilang likuran.

Pero bibilang nalang sa kamay ang makikita mong tao dito.

Kaya no choice sila kung hindi gumamit din ng ganon kasi sobrang nakamamatay na daw talaga ng hangin dito at hindi na nga ito tinitirhan ng mga mamamayan.

Mga ilang tinalagang tao para bantayan ang ibang naiwang artifacts at history na hindi naman nila pwedeng ilipat sa ibang lugar.

"Teka! Hindi ako makagalaw!" Sigaw bigla ni Kesyla na nagpalingon sa kanila. Nakita nila siyang unti-unting nilalamon ng kulay grey na parang mixture ng lupa at pearl beads.

"Wag kang gagalaw, Kesyla!" Utos agad ni Prof Binoh.

Unti-unting lumapit pati si Gabe sa kanya at inilahad ni Envinci ang kamay niya para abutin ni Kesyla. Ngunit tumalon si Kesyla para maabot ang kamay ni Envinci at ni Jedi kaya lalong hinigop ang paa niya.

"Masakit! Hinihigop ang paa ko!" Nagpa-panic na si Kesyla.

At unti-unti na ngang parang lumulubog ang isang paa niya. Naitulak ni Cosine si Envinci para tingnang maigi ang nangyayari.

"Prof Santival! Graveyard Crater yon! Paano na?" Lalong nag-panic ang lahat sa impormasyong natuklasan ni Cosine.

Nanlaki ang mata nila at pinagpawisan. Sandaling natahimik ang lahat para mag-isip.

Ang isang graveyard crater ay dating libingan ng mga patay ay dinalayuan na ng magma dahil sa pagsabog dati. Ngayon nagkaroon na ng crater dito. Pero dahil sa mga essence na naiwan mula sa natunaw na buto ng tao, iba pang chemical at manipis na lupa ay para itong naging clay na kapag naapakan mo ay unti-unti kang lalamunin.

At dahil sa force na nagawa ng lahat para alalayan si Kesyla ay hindi nila napansin na ang pinaghalo-halong mass nila ay lalong bumibigat.

Kaya nang sinubukang lumapit ni Professor Santival ay bigla nalang silang parang clay na nahulog sa ilalim non!

"Envinci!" Pangngalan lang ni Envinci ang naisigaw ni Cosine nang tuluyan silang mahulog dito.

"Envinci! Mamatay na tayo! Envinci! Papatayin kita! Envinci!" Sigaw pa rin siya ng sigaw dahil sa lalim nito. Kahit si Kesyla, Jedi at Professor Santival ay nagtititili nang mahulog sila.

Nang tuluyan silang humampas sa sahig ay maiging pinrotektahan ni Envinci ang ulo ni Cosine para hindi ito mabagok at niyakap lang itong maigi para hindi masaktan.

Agad na sumakit ang likod niya nang likod na naman niya ang tumama sa sahig. Pero mas okay lang kasi parang abo at clay ang kanilang pinaghulugan pero sobrang init nito na parang pinakukuluang magma!

Lalong nagsisigaw si Jedi nang tumama ang init sa pwet niya.

"Sus! Marianong mahapdi. Sus! Sus! Sus, ang hapdi!" Nagtatatalon si Jedi sa hapdi nang makabangon si Kesyla ay hinampas niya ang pwet ni Jedi.

"Anong mahapdi? Ako nga dinaganan ng paa mo! Sa tingin mo di ako nasaktang hayop ka? Inuna mo pa yang pwet mo?!" Sigaw ni Kesyla sa bwisit.

"Kasalanan ko bang tumama ako sayo?" Reklamo pabalik ni Jedi sa kanya.

Hindi nalang pinansin ni Kesyla si Jedi at tumalikod para pagpagan ang sarili. At bumulong, "Sana lang talaga tumama na yang puso mo sa akin."

"Anong sinabi mo? Minumura mo ba ako, Hetty?" Pang-asar ni Jedi.

Binato lang ni Kesyla si Jedi ng sapatos niya at nakita si Envinci at Cosine na swerteng-swerte sa isa't-isa. Bumulong na naman si Kesyla, "Hay sana all."

Nang matauhan si Cosine ay doon niya lang napagtanto na safe na safe siya sa bisig ni Envinci pero napatitig muna siyang maigi sa mata nito.

"Kagwapo mo naman talaga, Chi-chi. Iba ka, you're the best!" Parang lasing si Cosine na binigyan pa ng thumbs up si Envinci na nagpatawa lang dito.

"Wirdo mo talaga." Natatawa nalang si Envinci nang mapansin niyang nakahiga lang talaga sa braso niya si Cosine at hindi umaalis. "Ano, sa bisig nalang kita forever?"Malalim niyang sabi na parang nagpagising kay Cosine na mukhang nanaginip na sa pantasya niya.

Nginisihan lang siya ni Envinci at hiyang-hiya ang gaga'ng tumayo.

"Sinabihan kalang na gwapo feel mo nafall na ako? Excuse me." Lalong di mapigilan ni Envinci ang mapangisi nang umalis si Cosine na may paghawi pa ng buhok.

"You're Welcome." Pang-asar niya sa dalaga.

Nakatingin na si Professor Santival sa kung saan sila nahulog at napansin niyang sa rebulto ng isang tao na nakabahag at mukhang si lapu-lapu ata ay may nakita silang naka-engraved na salita sa matayog na matigas na bato.

MANILA

And there was a vast amount of burning sand under a haven of magma above.

Sa kung saan sila nahulog ay doon niya napansin na ang totoong Manila ay nasa underground na. At sa underground na iyon ay parang kaharian ng floating magma at buhanging kulay abo.

Hanggang sa may mga lumitaw na mga tao. Malilit lang sila na parang 4 feet lang. At lahat sila nakabahag at may mga sandatang matutulis pa sa kuko ni Kesyla.

Hanggang sa dumami sila at tinaas nila ang mga patalim na hawak sa direksyon nila.

"Nalintikan ka na." Bulong ni Cosine.

+++++

Sorry for not updating for so long.

Installing 49%Where stories live. Discover now