Installing 21%

252 29 2
                                    

May mga dumating na Ciencio at diplomonads sa Intel. Tangina wag mong sabihin time ito ng pagcheck nila kung sino ang nangunguna sa system?

Di ba nga, gusto nilang malaman kung sino ang pinakamatalinong babae sa Intel na kaedad lang ni Envinci. Ayaw nga kasi nila kay Envinci na mamuno, may balak na silang burahin ang linya nila dahil hindi nila sila makontrol.

Ilang beses nang sinubukun ni Professor Denira na itago ang system, she's been using the malware I made, iaactivate ni Prof Santival from another system para atakihin ang sistema dito sa intel para maitago kung sino ang pinakauna dahil isa siya sa may alam kung sino at kung ano ang habol ng mga ito dito.

Mabilis niya akong sinenyasan na umalis.

Of course, Prof Denira knows I make prohibited malware and trojan horses. They need someone who can make her own to help them enter various intelligence from different systems.

Kumakain lang ako ng ice cream nang muntikan akong tumahol nang tumama yung paa ko gilid nung square shaped na basurahan.

Napahinto ako nang makasalubong si Maximil Wolf. Oo, palagi ko kasing tinatahulan yan noon. Pang-asar ko. Magkakabata kami kasi nag-aral kami sa iisang school. May pagkabully ako noon pero hindi ako proud doon.

Anak siya ni Harvan Wolf, ang pinakahead ng Ciencio.

Napahinto siya at nakatinginan kami. Ngayon ko nalang ulit nakita ang ugok na to.

May binunot ako sa bulsa ko. Tapos ngisihan ko siya at binunot ko ang middle finger ko at tinapat sa kanya.

Ang haba na ng buhok niya hanggang leeg, akalain mo nga naman, yung uhugin noon, gwapo na ngayon.

Pero kaaway ko rin yan eh, paano napaka-walang desisyon niyan sa buhay, unpredictable at bayolente pero may pagkauto-uto.

Minura niya ako pabalik. "Tangina mo, ang pangit mo pa rin!" Sigaw niya pabalik sa akin.

"Tigilan mo ako uhugin! Sipon mo nakakain mo na, tanga!" Sigaw ko rin.

At nagpakyuhan kami kahit na ilang feet ang layo namin.

Wag ka, henyo yan kahit uhugin. Yan ang number 1 sa genetics kaya ang mata niyan silver blue. Masyadong exposed sa toxins. At pinakamadaling mamatay ang mga genetics prodigies dahil exposed sila lagi.

Alam kong naiirita rin siya sa akin kaya tinalukuran niya na ako. Akalain mo tumangkad ang hayop, dati hanggang leeg ko lang yan eh. Ang unfair ng mundo.

Nang makauwi ako ay may padala akong natanggap. Galing kay Professor Denira at inuutusan niya akong dalhin ang isang package kay Envinci.

"Hala ka bakit ako?"

Ano pa nga bang gagawin ko di ba? Edi ang sumunod sa utos.

Ayoko banda dito a parte ng supremacy. Nang makarating ako dito ay mas tahimik at mas maraming Pilomonads. Sila yung mga nagbabantay at chosen guards ng supremacy.

Nang makarating ako kung nasaan daw si Envinci ay binaba ko ang package sa harap niya at gulat na gulat siya nang makita niya ako dito mismo sa palasyo niya.

He looks restless, insides this castle of gold.

"Ano--"

"Ako na ang bagong deliveryman ng mga professors. Anyway, alam mo bang parang kulang kapag tatambay kami sa fountain, dahil wala ka. Wala rin akong mabato ng uod at mapagtripan. Wala pa si Kesyla tapos wala ka pa. So inshort malungkot ang buhay ko pag wala ka."

Medyo narealize ko ang sinabi ko nang mapangisi siya at sinubukang lumapit sa akin.

"Ano yon, Cosine?" Todo ngisi ang bubwit.

Installing 49%Where stories live. Discover now