Installing 33%

92 8 1
                                    

Installing 33%
by axisixas

-- θ --

Parang lumiwanag ang mundo ko nang makita si Envinci. Parang gumanda ang kulay ng mundo ko. Lololol.

Ngiti-ngiti akong malawak. Gusto ko siyang yakapin.

Parang mapupunit rin ang pisngi niya dahil hindi niya mapigilang ang ngumiti nang makita ako.

"Cosine. Bakit nandito ka? Namiss mo ba akong sobra na hindi ka na makabangon sa umaga? Siguro walang kulay ang mundo mo 'no?"

Tawa ako nang tawa nang kung ano-ano na ang pinagsasabi ng loko.

"Oo namiss kita na hindi ako makatulog sa gabi," biro ko.

Tawa ako nang tawa nang namula ang tenga niya.

"Ayieee! Kinilig tumbong mo? Ayieeee."

Sinundot ko ang tagiliran ni Envinci. Umamo ang mukha niya. Nagsoften ang features niya nang inaral niya ang mukha ko. Yung mukha niya kitang in love siya sa akin.

My heart cheered.

"Lagi naman akong kinikilig sa'yo, Sayn."

Yung tawa ko galing sa kilig.

Hanggang sa niyakap niya ako. I melted.

This is what I needed, this hug coming from him.

Kaya niyakap ko siya nang mahigpit at binaon ang mukha sa dibdib niya. He returned the same amount of hugging me as tight as I did.

My heart breaks a little.

He smelled of leather, ink and paper mixed with his natural scent.

Bumitaw ako sa kan'ya at tumama ang mata ko sa eyebags at sa manipis niyang pisngi.

"Kamusta ka na?"

My hands caressed his face and he leaned into it. Napalunok ako dahil kinakaya ko pa naman ang intensity ng mata niya.

"Better now. Ikaw? Kamusta ka na?" Ang lambing ng boses niya.

I hid the sadness in me with a smile.

And this time, hinalikan ko siya sa pisngi. Hindi ko kayang magsinungaling sa kanya kaya hinalikan ko na lang siya.

Gusto ko rin naman gawin 'yon matagal na. Ngayon lang ako naglakas ng loob na 'wag na mag-isip ng mga bagay-bagay.

Nilayo niya ako sa kanya. Tinatakpan ang bibig na halatang malapad ang ngiti sa kilig.

Yung mata niya kumikislap habang hindi mahanap ang salitang gustong sabihin.

"Cosine, ano tayo?"

Lawak ng ngisi ko dahil ramdam ko yung excitement at kaba niya dahil sa mata at body language niyang hindi mapakali na parang nababaliw.

Hawak niya pa rin ako. Ayaw niyang mawala ako the way na nasa akin lang ang kamay niya.

"Tayo? Mahal natin ang isa't-isa."

Matagal siyang natahimik pero malawak lang ang ngiti. Napansin kong hindi siya humihinga dahil sa sobrang intense niyang naghihintay sa susunod kong sasabihin na wala naman.

"Breathe, Vin."

"So... Mahal mo ako? Mahal mo ko, Cosine?"

Di ko mapigilang matawa sa sobrang cute niya.

"Oo. Mahal kita. Noon pa."

Nagtatalon siya. Natatawa ako sa reaction niya hindi talaga siya mapakali. Pumalakpak siya tapos nagpasalamat kay Lord.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Installing 49%Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon