Installing 6%

415 46 7
                                    

Aquifex City. Home of the first humans in the universe. Dating tawag ay Earth.

Nadulas ako nang bigla nalang hinulog ni Envinci ang binalatan niyang balat ng saging at tumawa nang malakas nang para akong biik na kinakatay kung makasigaw.

"Envinci'ng inunggoy ka!" Malakas kong sigaw na nagpahinto sa lahat nang nakarinig sa amin.

Lagapak ako sa lupa pati yung luggage na dala-dala ni Kesyla na nakasunod pala sa akin.

Malakas lang na tumawa ang gago habang nakatingin sa itsura ko sa lupa. Gago talaga!

"Cosine! Envinci!" Sigaw ni Professor Denira na nasa wheel chair niya. "Hanggang kelan ba kayo aaktong parang bata ha?"

"Si Envinci po kasi. Inaaway ako!" Munggago kong sumbong kay Professor Denira. Nantitrip nalang ako para asarin si Envinci ayaw niya kasi pagnag-aasal bata ako.

"Hay nako, Cosine. Maganda kang bata at matalino ka. Pero may saltik ka talaga." Huling hirit ni sensei Denira.

Tinulungan nalang ni Jedi si Envinci na magbuhat ng mga bagahe ng professors.

Badtrip lang na umiling sa amin si Professor Carpio at hindi na kami pinansin.

Hanggang sa nagtungo na nga kami sa pinakamataas na elevatar papuntang atmosphere ng Cipher City. Walang katapusan ang taas nito. Kahit ang escalatar ay hindi aabot sa kalagitnaan ng kalangitan. Yun lang ang unang step papunta pa sa second level palabas ng atmosphere.

Nang makarating kami sa susunod na level palabas ng planeta or city ay pumila kami para sumakay sa bullet elevatar. Sobrang bilis neto, na nakapikit lang ako magdamag, pero sa bilis nito ay inaabot pa rin ito ng 15 minutes para makapunta sa atmosphere pod para doon na tumawid sa bridge papuntang Aquifex or dating earth.

Teka lang. Nalilito ako pagdating sa atmosphere ng planeta namin. Remember Cipher City kami nakatira. Ang tawag sa mga cities ay planeta. Tapos ang dating tawag sa Cipher City ay Planet Jupiter.

Kaya hinarap ko si Envinci dahil mabilis lang naman ako magpatawad. Di naman ako nagtatanim. Kasi di naman ako magsasaka.

Sobrang taas na namin na hindi na medyo nalulula na rin ako. Puro ulap nalang ang nakikita ko at mga gaseous kineme. Nilunok ko ang pagkaing nagbabalak maging suka. Yuck!

Mabilis akong malula kaya medyo naiiyak ako pero syempre pasikreto.

"Ano nga ulit, paano mo nga ieexplain ang atmosphere dati ng Jupiter?" Medyo hindi ko pa naformulate ng maayos ang sentence ko dahil napasandal nalang ako sa elevatar dahil nagulat ako nang bigla ba namang may dumaan na mabilis na jet plane ampota!

Papatayin ba ako sa takot ng heights? Oo boi, oo papatayin talaga ako non.

Nginisihan niya ako at nagsimula nang magsalita ang Quad-Genius sa Intel Prodigies.

"The atmosphere of Jupiter is the largest planetary atmosphere in the Solar System. It is mostly made of molecular hydrogen and helium in roughly solar proportions; other chemical compounds are present only in small amounts and include methane, ammonia, hydrogen sulfide and water-"

Mabilis ko siyang sinapok sa ulo. Lagutok eh!

Para na rin mabawasan iyong kaba ko habang papataas kami ng papataas. Kaya ko pa namang ikontrol ang takot ko. Ewan ko nalang pag bumaba kami, mahihimatay ata ako.

"Putangina mo! Google pa ha? Hayop ka nasa Wikipedia ata yan gago! Give credits kapal ng mukha mo magplagiarize! Marunong ka sis magcitation?" Inis kong sabi sa kanya kasi narinig ko agad ang kayabangan sa tono ng pananalita niya.

Installing 49%Donde viven las historias. Descúbrelo ahora