Installing 9%

299 39 0
                                    

"A-anong ginagawa mo dito?" Medyo nagpanic ako at tatakbo sana ako para tawagin sila nang hinablot niya ako, doon ako napatigil.

"You want the immortality code, but why? Bakit gugustuhin ng isang taong katulad mo ang sumpang yon?"

Natahimik ako.

"Sa nakikita ko, matalino ka, you have your own advantages in this world. But why would you want it?"

Nakatingin lang ako sa kanya. His eyes were the color of grey in the midnight. Vast galaxies are what I see through his eyes. Alam kong napatingin na rin siya sa medyo purple na mata ko kaya napakurap ako. Sana hindi masyadong halata dahil sobrang dilim din naman.

"Wag mo akong Ihypnotize. Hindi na gagana yan sa akin."

Napangisi siya at natawa sa akin.

"Intel ka diba, bakit ganyan ang mata mo?"

Sumimangot ako at nilihis ang usapan. "Wala kang pakialam. At hindi para sa akin ang immortality code, para yun sa lola ko. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal."

His smile vanished.

"Then, you are just like the others. You're greedy. You don't understand that life doesn't always go according to your whims."

Inis akong napatingin sa kanya. Dahil totoo, naoffend ako sa sinabi niya.

"Greedy? Masama bang hilingin na makasama pa ng matagal ang lola ko? Kung meron namang paraan bakit hindi subukan diba?"

"I see, you're intelligent but your emotion weakens you."

Konti nalang makukwenyuhan ko na to!

"Ano bang alam mo?"

"Anong alam ko? Ang susi kung paano maging imortal."

I deadpanned looked at him.

"Then what is it? Anong code? Paano makukuha ito?"

He just smiled and he patted my head. Mabilis kong tinampal ang kamay niya at natawa siya sa akin.

"Alam mo ba kung anong binigay sa akin ng immortality?"

"Ano?"

Napatingin siya sa mataas na glass ceiling ng library at napansin kong may lumabas ng kapangyarihan na nagsimula sa paanan niya paikot sa buong katawan niya.

"Walang kamatayang kalungkutan."

And then a strong gust of wind and one strong force pushed me back from where I stood at tumama ako sa isang bookshelf.

"Teka lang nasaan ang huling clue!" Ayoko pa ring sumuko!

"Huli? Ang makikita mo dito ay hindi pa ang huli."

"Then bigyan mo ako ng clue para sa susunod, saan ko mahahanap iyon?"

"Gusto mo ng clue? Sige bibigyan kita ng isa." He smiled but his eyes glinted with amusement. "Use Water."

Nagsibagsakan ang mga libro pero parang may kung anong force ang naglayo ng pagkabagsak nito sa akin. Then what I only grasped was the neon light emanating from his vanishing.

Naramdaman ko ang impact nang pagkatama ko at medyo nahilo ako doon.

"A-ano?"

Medyo nagblur pa ang eyesight ko at nilalabanan kong wag makatulog sa impact. Kaso napansin kong naglaho na siya.

Narinig ko ang mga yabag ng mga kaibigan ko at medyo nanlalabo ang mata ko.

"Cosine!"

Envinci rushed to where I was at napansin kong mabilis niya akong niyakap at sa maiksing oras ay naramdaman kong bumagsak sa likod ni Envinci ang bookshelf.

"Envinci!"

"Cosine!"

Yun lang ang narinig kong mga sigaw bago nila natanggal ang bookshelf sa amin. Napatingala ako kay Envinci at napansin kong nasaktan siya. Reflex akong alalang napahawak sa mukha niya para icheck kung okay lang siya.

"Wag kang mag-aalala hindi ang pogi kong mukha ang nasaktan."

Maiinis sana ako sa kanya kaso yung ngiti niya ngiwi na eh.

"Okay ka lang ba?"

He just smiled at tumango, tinulungan niya akong tumayo at bigla naming napansin na lumulutang na ang mga libro sa gitna. Napaatras kami doon pero parang katulad ito ng unang mag-iwan si Medieval ng clues about sa immortality.

Yung mga lumulutang na libro ay nangingislap sila ng kulay blue na neon.

Jedi took a step para lumapit pero agad siyang hinatak ni Kesyla. We were entranced with it lalo na nang may music ang tumugtog na hindi namin alam kung saan nanggagaling. Isang tunog ng creepy na piano at ng violin.

Napakapit tuloy ako kay Envinci dahil siya ang pinakamalapit sa akin. Napangisi siya at tumaas ang kilay pero lalayo sana ako sa kanya nang bigla niya nalang pinulupot ang braso niya sa akin.

Tiningnan lang kami ni Senior Gabe at lumakad patungo kay Jedi na napansin naming totally na-hypnotize na sa mga librong lumulutong.

Napansin ko ring nasa loob ng isang bilog itong mga libro at unti-unti itong umaakyat at parang nagkakaforce katulad ng paano umikot ang ipo-ipo, ang kulay nito ay red neon lights na may violet.

"Gumising ka." Mabilis na sinampal ni Kesyla si Jedi habang hawak ito ni Senior Gabe. Agad na nakabalik sa sarili ito.

"Aray!"

Mabilis na tinakpan ni Senior Gabe ang mga mata ni Jedi nang titingin itong muli sa lumulutang na mga libro.

"Wag ka ng tumingin Jedi. Pumikit ka nalang para makatulong ka." Inis na sabi ni Envinci.

"Oo na." Kaya nanahimik si Jedi sa isang tabi at ginawa ang kung anong inutos nito.

Si Jedi kasi ang pinakamadaling ma-hypnotize sa amin. Siya rin ang umuukupa ng 5th place sa ranking ng Intel Prodigies.

"That sound. Ano ba yun? Kanina pa ako inaantok simula nang tumunog yon." Hikab ni Kesyla.

May epekto rin ito dahil napansin kong naging drowsy rin ang mga kasama ko.

"We need to get what's inside the book. I'm sure nandyan ang susunod na clue. Kanina kasi nandito si Medieval, kausap ko. Tapos bigla nalang siyang naglaho." I informed them.

"Bakit ngayon mo lang sinasabi yan? Sinaktan ka niya!" Bulalas ni Envinci.

"Kalma ka nga. Hindi naman niya intensyon yon." Depensa ko.

Feel ko kasi kaya ako naibato ay dahil sa force ng kapangyarihan niya nang paalis siya. Saka nakita ko pa ngang hindi naman tumama sa akin ang mga libro nang tumama ako sa bookshelf.

"Then, how do we get the books? May barrier siya." Wala ng humpay sa paghikab si Kesyla.

Tinesting niya kung anong magagawa ng pabilog na barrier kapag lumagpas kami doon. Then she sampled using a book na nahulog at nagulat ako nang biglang naging abo ito nang dumikit sa barrier.

Napaatras si Kesyla at napabitaw sa libro.

"Paano na to?" Bigkas ko.

Nagulat ako nang bigla nalang bumagsak sa lupa si Kesyla at naghihilik na ito.

Lintik na! Nakatulog na sila dahil sa nakakaantok na music na yon!

Doon ko lang din napansing mahimbing na ring nakatulog si Jedi sa tabi.

Galing naman mga mamser!

+++++
Vote and share na rin po
thank you💖

Installing 49%Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt