Installing 22%

232 26 5
                                    

Tinitigan ko siya. Ano bang pumasok sa utak ng lalaking to? Sino ba nagsabi sa kanya na hindi ko siya gusto? Wala naman akong sinasabing ganoon diba?

It's just that iniiwasan ko ang topic na yan. Kasi pareho pa kaming hindi handa. Ang dami ko pang kailangang gawin. Ang dami niya ring responsibilidad. Gusto ko rin naman siya. Pero hindi ngayon ang para sa amin.

Hindi pa ngayon. Partida pa, marami pang problema. Si Kesyla nasa ospital pa rin. Wala pa akong balita kay Medieval kung ano bang trip niya sa buhay.

Hanggang sa tinalikuran niya ako. "No, I don't want to hear it. I'm not ready to hear it." Akala niya siguro sasabihin kong hindi ko siya gusto.

Medyo bobo ampota.

Sakto namang may kumatok at mabilis na nga akong naglakad paalis nang makita kong isa ata sa mga butler niya ang pumasok.

Pagdating ko sa kubo cube ay mukhang problemado ang mga kaibigan ko. Nang tiningnan ko si Saya ay may badge na rin siya. Meaning kasama na rin siya sa aming Intel Prodigies. He's been helpful though at nalaman kasi ng professors na major pala siya sa archeology and ancient languages nila. He was brilliant too.

"Cosine! Bakit ba ang tagal mo?"

"Anyare?"

"Bumisita kami kay Kesyla. She's still getting old. Wala pa bang balita doon sa imortal?"

I sighed at napaupo sa tabi ni Jedi tinapik ko siya kasi siya yung pinakaapektado dito. "Wala pa rin. Siguro nasunog na siya don sa Mayon, apakasalbahe niya."

Sabay-sabay nagbuntong hininga ang mga loko.

Nang bigla ba naman may nahulog na malaking sako sa kalangitan at tumama sa ulo ko. Tumumba akong malupit at nagulat din sila. Tapos tinawanan ako. "Puta sino yon?!" Sigaw ko.

Nang binuksan nila ang sako ay nakitang may laman itong vial ng kung ano at sulat. Binasa ito ni Jedi kasi siya lang naman ang mahilig magbasa sa amin.

"I'm still alive. I burned myself alive for a day. And I am still alive. All those pain I felt feels useless. Though I felt like my lifespan shorten. My body wasn't healing at all. I think I'm gonna be dead soon. Kaya ayan ang gamot para sa doon sa kaibigan niyo. I'll update you soon. Kung namatay na ba ako o hindi."

Gusto kong mapatawa sa huli niyang sinabi. Paano niya kami iuupdate kung patay na siya? Pero medyo naawa ako doon sa part na sinunog niya talaga yung sarili niya buong magdamag? Tangina ang init no'n. Hindi ko nga kinaya yung init sa Manila.

Kaya mabilis kaming pumunta kung nasaan si Kesyla. Habang iniintay naming tumalab yung gamot kay Kesyla ay hindi ko pa rin maiwasan maawa kay Medieval. He really despised the gift that was given to him, doesn't he? Even to the point of burning himself to death and feel the pain of fire prickling through his skin through hours. That must have been excruciating. Imagine mapaso ka palang masakit na. Ano pa yung sunugin yung sarili mo?

Napaiwas ako ng tingin. Am I really considering the fact that immortality can really do more harm than good? Ngayon ko lang talaga kinonsider isipin iyon. Imagine the pain he must have endured just to kill himself and all those years of immortality.

What did immortality made him to be this desperate for death?

How painful was it? How lonely was it?

Sinarado ko ang mga mata ko. Ayokong isipin iyon. Pero alam ko na sa sarili kong nagdadalawang isip na ako kung hahabulin ko pa ba ang code para maging imortal.

Nang gumaling si Kesyla ay syempre masaya na ulit kami. Binilhan ko siya ng maraming pagkain at inasar ko lang silang dalawa ni Jedi. Feel ko nung may taning si Kesyla narealized ni Jedi na kailangan niya nang maging matapang at umamin na kay Kesyla. Iniwan na nga namin sila habang mukhang mapang-asar yung mukha naming tatlo kasi syempre mag-aaminan na ata ang dalawa.

"So mukhang may magjowa na pag-uwi natin. Kayo kaya kelan niyo sasabihin na kayo na?" Asar ko kay Senior Gabe at Saya. Etong dalawang lalaking to parang hindi ako narinig dahil umiwas sila ng tingin tapos nag-usap na.

Tinawanan ko sila kasi napansin kong namumula mga tainga nila. "Ay ewan ko sainyo." Nakangiti ako nang iwan ko silang dalawa. Masaya ako dahil masaya na sila.

Nang pagtapak ko sa labas ng ospital ay nadatnan ko si Maximil na nakasandal at ang kamay ay nasa magkabilang bulsa. Nang mag-angat siya ng tingin ay tumama sa akin tapos naglakad papalapit.

"Oi, anong ginagawa mo dito?" Hindi na muna kami nagpakyuhan dahil gabi na, pareho na rin kaming pagod.

"I was in charge of testing Kesyla's gene issue and the vial you gave to reverse her age." Tumango ako. "Masyadong delikado yung ginawa ni Medieval, that was vital to humanity. But I have to give him credit for getting his hands on that right formula of making people age abnormally fast. Though he's too dangerous to humanity."

Magkasabay kaming maglakad. "Oo." Iwas ko ng tingin kasi naisip ko na namang hirap na hirap si Medieval para patayin ang sarili niya. "Nadiskubre mo na ba kung ano yung laman nung kung ano mang nangyari kay Kesyla?"

"Yes, it wasn't made of magic or celestial power. It was made with pure science."

Napahinto ako doon. If his power was made of pure science. Then his very existence of being an immortal can be scientifically arranged too? O baka mali ako? Powers talaga iyon?

"Eh yung vial? Magical potion or something ba yon? May halo bang witchcraft kinemeng ganon?"

Umiling siya. "That's why I waited for you. Gusto kong sabihin na kahit yung vial made out of pure science. I won't tell you the whole elements dahil baka di mo lang maintindihan. But it was reachable. Those things exist because of the right formula combined that no one has ever known. This is too much information I'm giving you. But Medieval was exceptionally brilliant if he ever fused all kinds of his knowledge to science converted as celestial powers. It was all possible through the right combinations of formula. It was too much information. He's the fucking genius of all."

Doon na ako napahinto. If Medieval really got his powers through the right formulas of science. Then his very existence can be science too.

But if he does? Who made him?

"Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito sa akin?"

He closed his eyes. "The Ciencio was now eager than ever to catch him alive. I've also heard that they might kill the entire Duke's bloodline to give Medieval the throne. They were planning to bait him with that. They were desperate."

Nanikip yung dibdib ko. Papatayin nila si Envinci para saan? Para sa immortality? Tangina, hindi kasi nila nakikita na mismong yung imortal gusto nang patayin yung sarili niya matapos lang ang kalungkutan.

Ngayon malinaw na ang lahat. Dahil sa pagiging imortal niya. Madaming gahaman. Pati ako, noon. Hindi si Medieval ang kalaban.

Kundi ang mga gamahan sa pagiging imortal.

+++++

Thank you for staying <3




















Installing 49%Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon