Nakapalibot na ang mga diplomonads sa buong court hall. Kung saan ginaganap ang paglilitis kay Medieval.
Nakaupo siya sa isang levitating transparent glass na rectangular shape.
May nakabakod din sa kanyang translucent holographic barrier.
Pinapaniwalaang pinapahina nito ang abilities ng isang imortal. Lol, parang mapapahina talaga eh.
Nakapalibot din ang buong Judges ng Ciencio. Handa na siyang litisin.
Nakita ko ring mas lalong dumami ang diplomonads sa paligid at hindi ako natutuwa na may nakita pa akong enhanced gunbomb na nakasabit sa katawan ng isang diplomonad.
Nakita ko rin ang mga sikat na Algorithians, Engineers, Scientist at Humanitarian.
At nasa trono din ang Hari namin. The 15th Great duke of Cipher City. He rules every City.
At habang naglalakad ako paakyat napalingon ako sa taong nakatingin na sa akin.
Si Medieval.
Seryoso ang mata niyang nakatingin sa akin habang paakyat.
Kita kong this is a pretty serious manner.
But his eyes were looking at me, like he was amazed.
Lumipat ang tingin ko sa iba at dumiretso ako sa pwesto naming mga Algorithians.
There I saw Professor Carpio, may hawak siyang tablet at may binabasa, napansin kong nagpakulay na naman siya ng buhok tinatakpan ang puting buhok nito. Mukha siyang sushi! Napabungisngis ako. Alam niyang siya lang ang pinagtatawanan ko kaya hinampas niya ako ng papel sa ulo.
"Aray naman prof!" Sita ko sa kanya.
"Lumayo-layo ka nga sa aking bata ka!"
"Lalayo-lalayo sisigaw ang pangalan mo!" Sigaw ko kay Prof.
Hinampas niya na naman ako ng papel. "Magulo kang bata ka! Magulo ka talagang bata ka!" Inis na inis na talaga to sa akin.
Tapos tumahol ako. "Arf! Arf! Arf! Aw!" Tumawa ako nang isang malakas na hampas na talaga ang ginawa niya.
"Sorry na prof! Sige next time ulet! He he he."
Professor Denira naman ay nasa wheel chair niya at binabasa ang mga statement accounts para sa kaso ni Medieval.
"Pwede ba, Cosine. Kahit ngayon lang pumirmi kang bata ka?" Etong dalawang prof na to ang peryborit akong sawayin eh. Pero peyborit ko kasi silang guluhin.
Mabilis kong pinaliparan ng flying kiss si Professor Denira. Winagayway niya lang ang hangin at inayos ang salamin.
"Sungit mo prof! Hmph!" Napacrossed arms tuloy ako.
Tumabi ako sa Senior kong si Gabe, kasi yun nalang ang bakanteng upuan.
Nakita kong nakaupo sa isang helera ang Intel Professors namin, napansin kong anim lang sila eh sampu sila eh. Wala rin ang iba pang Intel Prodigies, di ba sinabi ko na ngang lima kami, wala yung tatlo.
Tsaka yung ibang Intel assistants nasa helera pataas. Ayaw nilang tumabi kay Gabe kasi takot sila dito, hindi kasi ito nagsasalita, pwera nalang kung mang-uutos.
At nagsimula na nga ang paghuhukom kay Medieval.
"Magtatanong ba kayo sa akin o magtitigan lang tayo dito?" Chill lang na sabi ni Medieval sa mga highest Judges at umiling ang mga professors ko.
Nilingon ko lang si Gabe. Wala kong choice eh, siya lang yung kalebel ko dito eh.
"Ano sa tingin mo ang mangyayari ngayon?" Sinubukan kong daldalin si Gabe.
Tiningnan lang naman niya ako at sumimangot. Hindi ko na siya pinansin.
"You don't even know where to start, don't you?" Tanong ni Medieval ulit.
"May sapak ba tong ancient immortal na to?" Bulong ko kaya napalingon sa akin si Gabe.
"Anong pinagsasabi mo?" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Gabe.
"Wow, nagsalita ka ba ngayon, Senior Gabe?" Malakas kong tanong sa kanya na kinairap niya lang ng mata sa akin.
"Cosine, manahimik ka nga. O baka gusto mo nalang lumabas?" Masungit akong nilingon ni Professor Santival.
Beshy ko naman lahat ng prof pero magulo lang talaga akong tao. Hindi ako mapirmi.
"Sorry po." I bowed and tumingin na ulit kay Medieval.
May tinanong sa kanya na hindi ko narinig. Ayan tuloy, dami mo kasing patalastas, Cosine!
"Immortality Code? You want it? And in exchange for the code you'll set me free? Hindi pa ba ako malaya?" Ngumisi ito. Narinig kong parang nag-sigh yung mga nasa Elite Humanitista.
"Great Medieval, ipagpaumanhin mo na, pero pwede mo ba kaming sagutin ng naayon sa aming tanong?" Sobrang lalim naman no'n boi!
"Sobrang makata naman." Bagot kong sabi. Napasandal ako at napatingala sa kisame.
"Cosine!" Tahimik na saway sa akin ni Professor Binoh.
I bowed again.
At biglang nangulangot.
Ipupunas ko sana ito kay Senior Gabe nang yung mata niya nanlilisik sa akin na parang sinasabing 'subukan mo at mapapatay kita!'
Kaya ending kinain ko nalang yung booger ko. JOKE!
De joke pinahid ko nalang sa tissue. Disenteng tao pa rin naman kahit konti. Konti lang.
"May rason kung bakit ayaw kong ibigay ang Immortality Code. Dahil ako mismo, alam ko ang pakiramdam ng mabuhay ng paulit-ulit. Walang kamatayan. At hindi kakayanin ng isang simpleng tao mabigyan ng ganitong abilidad." He was so serious now.
"This immortality that I have has never been a blessing to me. It was a curse. A constant blackhole that swallows you whole. At hindi ko ipinagdadamot ito sainyo. I was simply saving you from this curse."
Saving us from this curse? Eto ba ang nararamdaman ng isang immortal?
"What do you mean?" Naramdaman kong lahat ay nacurious na rin sa pinagsasabi ni Medieval.
Pero walang makaintindi sa kanya kasi hindi naman namin alam kung anong feeling ng nabubuhay ng 500,000 plus years. Hindi rin namin alam kung saan siya nanggaling.
We can't sympathize to his pain because simply we don't know how it feels.
"What do I mean? Simply..." He cleared his throat at tiningnan lahat ng taong dumalo sa paglilitis sa kanya.
"Immortality is an entity one with a strong mind can only possess." Pagkasabi niya no'n ay biglang siyang naglaho.
Para lang siyang static na biglang naglaho. It was so fast that everyone went silent.
Tapos biglang sumabog ang kinapupwestuhan niya kanina.
Nagkagulo na nga rin at biglang sunod-sunod na sumabog ang mga diplomonads na nasa mga sulok. Nagkagulo at inuna na muna naming tinulungan lumabas ang mga professors.
Nang biglang sumabog ang nasa harapan ko.
"Cosine!" Sigaw ng kung sino at tumumba na nga ako.
At naging madilim ang lahat para sa akin.
+++++
Hit the Star
YOU ARE READING
Installing 49%
Science FictionAn idiot, a quad-genius prince, the silent senior, the boy, and the girl who knows a hundred codes with a whole funny venture crossing the universe for one mission. An immortal god named Medieval kept the secrets of how to be immortal through a cryp...
