Installing 10%

331 41 0
                                    

"Wag kang matutulog, Cosine. Subukan mo."

Natawa ako sa biglaang sambit ng tahimik na si Senior Gabe.

Pinagtawanan ko lang silang dalawa habang nag-iisip sila kung paano lulutasin ang mga nangyayari.

Tapos bigla nalang akong humiga rin sa sahig. Dahil wala lang trip ko lang. Hindi naman ako tinatamaan ng antok. Gusto ko lang talaga humilata kasi gusto ko ng ipahinga ang likod ko.

Walang epekto sa akin yung tunog. Pero tinatamad akong magsolve ng kahit anong codes ngayon. Dahil wala lang, tinatamad na talaga ako.

Hindi ako marunong mag-fake hikab kaya bigla nalang akong pumikit bago kindatan si Envinci na masama na ang tingin sa akin.

"Bwisit." Narinig kong cussed ni Senior Gabe at pumikit nalang ako para magtulug-tulugan, sila na muna bahala tinatamad na talaga ako.

"Paano na?" Senior Gabe speaks a lot kapag konti lang ang aware.

Nanahimik saglit si Envinci at sa tingin ko ay nag-iisip lang ito pero mabilis kong sinilip siya at napansin kong nahuli niya akong dumilat dahil nakatingin pala siya sa akin habang tulug-tulugan ako dito.

Syempre, kilalang-kilala ako niyan.

Umiling lang siya nang makita ako at lumapit na doon.

"Split second." He paused at feel ko may kinuha siya. "We need a split second to get each book out of that circle. Napansin ko kasing it takes at least one second para maging abo ang lalagpas dyan."

Medyo napangiti ako habang pinakikinggan si Envinci. As expected of the Quad-Genius.

Kaya narinig ko ang yabag ni Senior Gabe at mabilis akong sumulyap kung anong kinuha niya. Kumuha lang pala siya ng mop. Napalingon na naman ako kay Envinci na iiling-iling na naman nang mahuli niya ako sa trip ko.

Natatawa tuloy ako sa kalokohan ko hehehe.

Pumikit agad ako eh. Sarap kayang magpagulong-gulong dito sa sahig. Kaso kungwari nga tulog diba?

And then pinanood ko kung paano nila pinaghirapan mabilis na kunin ang mga libro. Hahampasin nila ng mabilis at tatama ito sa kabilang parte ng kwarto.

Salitan sila. Ngayon si Envinci ang nagchecheck kung saang libro nandoon ang clues.

Pero naging abo na ang mga mop at mahahabang bagay na ginagamit nila hanggang sa may dalawang libro nalang ang natira.

"Wala na! Ubos na, may dalawa pang libro. Nacheck ko na lahat!" Ubos na ang pasensya ni Envinci.

"Baka gusto mong bumangon na dyan? Mag-iisang oras na tayo dito oh." Inis na parinig sa akin ni Envinci habang binato ang isang libro sa inis at napasandal nalang habang nakasalampak na rin sa sahig.

Pansin ko ngang napagod na din sila.

Eh wala rin naman akong matutulong eh.

Napaupo na rin si Senior Gabe sa nearest seat. At napansin kong tiningnan niya lang ako na parang alam niyang kanina pa ako gising.

Shocked akong napabangon. "Alam mo rin na nagpapanggap lang akong tulog?"

Tumango lang siya. "Hala! Ang galing niyo naman! Kaya pala prodigy rin kayo eh. Cool~"

Tumayo na nga ako at nagstretching at nilibot ang paningin sa buong kwarto.

Hanggang sa naalala ko kung saan kami nakatayo ni Medieval habang nag-uusap.

"Gusto mo ng clue? Sige bibigyan kita ng isa-"

Teka lang, ano nga ulit yung huli niyang sinabi? Medyo nahihilo na ako no'n kanina eh.

"-Use Water." Napatingala ako sa kanilang dalawa.

Gagana kaya yon?

"Tubig daw. Gumamit tayo ng tubig. Try nga natin. Buhusan nga natin ng tubig. Baka gumana!" Medyo excited kong sabi.

The two of the dumbfoundingly looked at me. Yung mukha ni Senior Gabe ay parang sinasabi na, 'Bakit ngayon mo lang sinabi? Nagpakahirap kami doon oh?'

I just shrugged na parang sinasabi na, 'Hindi ko pa sure, susubukan pa nga lang ih.'

"Pag ito gumana masasapok kita." Mahinang bulong ni Senior Gabe.

"Anong sabi mo, senior?"

Masamang tiningnan ni Envinci si Senior Gabe kaya natahimik ito. His expression resembles a foul one. "Subukan mo, ako babasag sa mukha mo." Pagbabanta niya na medyo nagpatakot sa akin.

"Tsk." Inis na umalis si Senior Gabe para siguro kumuha ng tubig.

Siniko ko si Envinci. "Eto naman nagbibiro lang yon. Masyado mainit ulo mo."

Natahimik lang si Envinci at saka pinanood si Senior Gabe na buhusan ng tubig ang pabilog na barrier sa dalawa nalang na natitirang librong lumulutang.

At unti-unti ngang naglaho ito at sumabay sa hangin na parang usok.

Binagsak ni Senior Gabe ang bote at inis lang itong tumingin sa akin. Kita ko ang inis sa mukha niya.

Envinci looked at me and laughed despite of him getting annoyed at me. I get that a lot. Natatawa tuloy ako.

Nagpeace sign ako. "Sorry~" I really mean that.

"Alam mo kahit anong gawin mo, kahit gaano pa nakakairita. I can't stay mad at you." Iiling-iling siyang lumapit kay Senior Gabe habang nakangiti at mabilis na nga nilang kinuha at sinuri ang libro.

Agad ng nakuha ni Envinci ang libro na may naglalaman ng clue kaya mabilis niyang kinuha si Jedi at si Senior Gabe naman ang nagbuhat kay Kesyla na tulog na tulog pa rin.

"Let's go. Doon na natin idecode ito."

At umalis na nga kami sa abandonadong library na to.

Wow, what a day!

+++++
Early Christmas gift! 3 updates for you all.
vote and share

Installing 49%Where stories live. Discover now