EPILOGUE

1.8K 73 86
                                    

EPILOGUE




BAWAT pag-ubo ni Leia ay lumalabas na ang kanyang dugo. Yakap-yakap siya ngayon ng umiiyak na si Astrid. Pinapahiran ng bunsong kapatid ang mga luha niya.

"Malapit na tayo. Pakiusap, kumapit ka lang," sambit ni Astrid kaya napahigpit ang yakap ni Leia sa kapatid.

Ilang minuto lamang ay bumaba ang dragon na lulan sila sa mismong palasyo ng Vianden. Naabutan nila si Sadie na pilit binabangon ang duguang si Adelaide. Napalingon ito sa mga bagong dating.

Napakagulo ng palasyo. Ngunit kapansin-pansin na maaliwalas nang tingnan.

"Astrid!" mahinang sambit ni Adelaide at napangiti nang makita ang kapatid.

"Nasaan si ama?" bungad nito at paika-ikang lumapit sa kapatid at ina. Kasunod niya si Claud na siya na ngayong buhat si Leia.

"Kasama ang mga kawal at kasalukuyang iniinspeksyon ang mga nasirang pundasyon ng palasyo."

"L-Leia?" nauutal na tanong ni Sadie at napatitig sa dalagang umuubo. Dahan-dahang tumango si Astrid at naluluhang nagsalita.

"Ito ang huling pabor na hiniling niya sa akin. Ang dalhin ko siya sa inyo."

Umabante si Claud at ibinaba sa sahig ang duguan nang katawan ng panganay. Halos hindi na ito makamulat. Nanginginig na hinawakan ng ina ang mukha nito pagkuwa'y niyakap na at napahagulhol.
"Adelaide, tawagin mo ang iyong ama! Sabihin mong nagbabalik na si Le---"

"Shhh!" pagpigil muli ni Leia sa ina at muling humikbi.

"A-Ayokong makita pa niya ako s-sa g-ganitong sitwasyon. Pakisaup, h-huwag..." Umiiyak na ito kaya napailing ang reyna. 

"Hindi! Kailangan narito siya! Adelaide! Magmadali! Tawagin ninyo ang inyong ama, ano ba!" Nagpa-panic na ang reyna ngunit nanatiling nakatingin lamang ang magkapatid na kapwa na rin umiiyak.

"T-tinalikuran ko siya. Ipinahamak ko kayo. P-patawad." Umubo si Leia. Mas maraming dugo ang bumulwak mula sa bibig niya ngunit wala nang pakialam si Sadie kung nasa braso na niya ang mga ito. Mas hinigpitan niya ang yakap sa panganay.

"Hindi ka mamamatay, maliwanag? Maraming taon pa tayong magsasama. Mabubuo pa tayong isang pamilya rito sa Vianden. Pakiusap, maging matatag ka!"

Imbes na sagutin ang sinabi ni Sadie ay nagpakawala ng ngiti si Leia at napasulyap kay Astrid na ngayo'y pinapakalma ni Claud dahil sobra nang umiiyak.

Nanginginig na iniangat ni Leia ang kanyang duguang palad at hinaplos ang mukha ng pinakakamahal na ina.

"Kay tagal ko nang...hindi ito nagagawa sa iyo. Ang haplusin ang pisngi mo. Ang magpakulong sa yakap mo. Ang suklyan mo ang buhok ko. Lahat iyon ay hindi ko makakalimutan...mahal kong...ina."

Dahil sa narinig ay tuluyan nang naglandas ang mga luha ni Sadie at mas niyakap ang panganay na anak. Alam niyang hindi naman talaga nito gusto ang mga nangyari. Masyado lamang nalason ng salamangkero ang utak nito.

"Anak, anak huwag mong sabihin iyan!"

Umiiyak na rin si Claud. Naaalala niya ang kanyang ina sa hindi malamang dahilan.

"Ina...isang hiling na lang," pabulong na wika ni Leia. Ang itim na mga mata nito kanina ay nagbalik na sa normal kaya nasisiguro niyang ito na muli ang kanyang anak.

"Ano 'yon? Kahit ano gagawin ko para sa'yo, mahal ko. Sabihin mo lang. Kahit ano." Haplos rin ni Sadie ang duguang pisngi ng anak at sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri.

ETHEREAL | COMPLETEDWhere stories live. Discover now