CHAPTER 27

831 56 3
                                    

CHAPTER 27



TUNOG ng nagkiskisang gulong ang narinig kasabay ng sigawan ng mg residente ng nasabing barangay. Bumaba mula sa sasakyan ang aligagang sina Raven, Claud at Astrid. Hinagap nila ng paningin ang puno't dulo ng insidenteng ito.

Si Morrigan.

Nakita nila ito hindi kalayuan. Gigil na gigil itong nagwawasiwas ng salangkay kung saan hindi lamang itim na usok ang lumalabas mula rito kundi nagbabagang apoy na rin. Sumiklab ang apoy mula sa isang bahay na gawa sa kahoy. Mas umingay ang paligid at nagkagulo.

"Morrigan, oh my God!" Natutop ni Raven ang sariling bibig nang makita ang kaibigan  na nagwawala. Hindi na niya ito makilala.

"Pota, ano bang sumapi sa kanya?" Halos mapaatras si Claud dahil sa takot. Hindi normal na tao ang kaharap nila ngayon. Wala rin siyang ideya kung ano ang sumapi rito.

Hindi naman nagpatinag si Astrid. Nanatili itong nakatayo at nakatitig sa dalagang bayolente pa rin. Napapalibutan pa rin si Morrigan ng itim na awra.

Mayamaya pa ay  pumulot si Astrid ng bato at ipinukol sa kanya para lamang makuha nito ang atensyon.

"Astrid? What the hell?!" sigaw ni Claud nang lumingon na sa direksyon nila si Morrigan. Napakatalim ng titig nito sa kanila. Mayamaya'y ngumisi ito at unti-unti nang humakbang papalapit sa kanilang pwesto.

"Tangina!" mura ni Claud at tumitili na rin si Raven.

"Guys get in the car! Get in the car!"

Hindi mababakas ang takot sa mga mata ni Astrid. Bagkus ay mas halata ang pangungulila. Tinitigan niya sa mga mata ang papalapit na si Morrigan. Isang saglit lamang ay itinutok ni Morrigan ang hawak na salangkay sa pwesto ni Raven. Lumabas mula roon ang itim na usok. Isang malakas na pwersa ang tumulak sa dalaga at tumalsik ang katawan sa isa pang sasakyang nakaparada.

Bumulagta ito at nawalan ng malay.

"Raven!" sigaw ni Claud at dadaluhan na sana ang walang malay na dalaga nang siya naman ang balingan ni Morrigan ng atensyon. Isang kakaibang pwersa ang humatak sa binata dahilan para mapatda siya sa pwesto. Hindi siya makagalaw. Pinipigilan ng itim na usok ang pagkilos niya.

Halos mapamura siya dahil rito.

Mayamaya ay napatitig si Morrigan kay Astrid. Sinilip-silip siya ng dalaga at napangisi.

"Astrid, tumakas ka na!" sigaw ni Claud pero hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan. Ngayon ay magkaharap na sila ni Morrigan.

"Astrid!"

Bumuka ang bibig ni Astrid at napangiti ng tipid. Inilugay niya ang kanyang mahabang buhok at lumabas mula roon ang namumukod-tanging baging. Kulay berde ito at nag-iilaw tulad ng meron ngayon si Morrigan. Mas tumalim ang titig ng dalaga.

"Alam kong nariyan ka sa loob. Pakiusap, bitawan mo na ang katawan niya. Wala siyang kinalaman rito," sambit ni Astrid kaya nanlaki ang mga mata ni Morrigan. Hindi niya inaasahang sasabihin agad ito ng dalaga sa kanya.

Nakuyom niya ang kamao at naibaba ang hawak na salangkay. Pagkuwa'y napatungo. Tulad ng dati, nagtaas-baba ang balikat nito at humagalpak na ng tawa.

Nakakakilabot. Halos mapapikit si Claud dahil naririndi siya sa boses na naririnig.

Iniangat ni Morrigan ang tingin. Purong kulay itim na ang kanyang mga mata. Napalunok si Astrid. Kahit siya man ay kinakabahan na rin ngunit kailangan niyang tatagan ang loob.

Mas tumindi ang itim na usok at lumakas ang ihip ng hangin. Patuloy pa rin sa pagtawa si Morrigan.

"Lubayan mo na siya!" Isang sigaw ang pinakawalan ni Astrid at inihampas ang palad sa mismong harap ni Morrigan. Nagliwanag ang palad niya. Lumabas mula sa mga daliri ang kakaibang uri ng ugat na siyang nagtulak kay Morrigan upang tumalsik sa hindi kalayuang pader.
Ang ugat ng punong kahoy na lumitaw sa kamay ng dalaga ay tila naging elastic at kusang bumalik sa kanyang mga kamay. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa dalawang palad sabay sulyap sa nakangangang si Claud.

Bago pa siya maatake ni Morrigan ay ikinumpas muli niya ang kanyang palad at lumitaw na naman mula roon ang mas malalaking ugat ng punong-kahoy. Pinuluputan ng mga ito ang kaliwang kamay ni Morrigan kung saan hawak ang salangkay. Pinipigilan niya itong ipukol sa kanya ang itim na mahika.

Napasigaw si Morrigan dahil sa sobrang inis.

"A-anong klaseng nilalang kayo?" nauutal na sambit ni Claud sa sarili at hindi makapaniwala sa nasasaksihan.

Isang tili ang pinakawalan ni Morrigan hanggang sa mas tumindi ang itim na usok sa kanyang paligid. Nagsimulang mangisay ang katawan ng dalaga hanggang sa bumulagta ito sa paanan ng isang panibagong katauhan.

Nakasuot ito ng mahabang damit tulad ni kamatayan. Ngunit kapansin-pansin rito ang hawak na salangkay, maamong mukha ngunit may matatalim na mata at nakakakilabot na ngisi.

Tinapunan niya ng tingin si Morrigan na ngayo'y wala nang malay sa kanyang paanan.

"Sayang, napakaganda mo pa namang sisidlan. Nakalungkot lang at hindi ako pwedeng manatili sa loob mo. Ngunit salamat dahil napakinabangan naman kita kahit papaano," usal nito at napatingin sa gawi ng nanginginig na si Astrid.

Nagsalubong ang titig nila. Bumilis ang tibok ng puso ni Astrid at hindi makakilos.

"A-ate Leia."

"Kumusta, mahal kong kapatid?"

Sa wakas ay nakita niya nang buo ang pigura ng panganay niyang kapatid matapos ang mahabang taon ng pagkakawalay niya rito. Ganoon pa rin ang nararamdaman niyang lukso ng dugo. Ngunit ang laki na ng pinagbago nito.

Hindi na ito ang dating Leia na responsable at maalagaing ate para sa kanila. Halos maluha siya at akma sanang lalapitan ang dalaga ngunit itinutok ni Leia ang hawak na salangkay sa kinaroroonan niya.

"Huwag kang lalapit!" Nanlilisik ang mga mata nito.

"Ate," wika niya pero hindi siya nito pinansin. Napadako ang tingin ni Astrid sa hawak nitong bagay. "Nilabag mo ang kamahalan," dagdag pa niya.

Tila baliw na tumawa at umiyak si Leia habang hindi pa rin inaalis ang pagkatutok ng salangkay sa bunsong kapatid. Napailing ito.

"Parehas lang tayong sumuway," giit nito.

"Wala akong nilabag na batas ng kaharian dahil hindi naman ako nanatili roon buong buhay ko!" Halos pumiyok ang boses ng dalaga. Bakas rito ang hinanakit at pangungulila.

"Pero bunga ka rin ng kasamaan!"

"Hindi kasamaan ang biyayaan ka ng ganitong kapangyarihan kung hindi mo aabusuhin!"

Boses ng dalawa ang tanging maririnig sa gitna ng kalsadang napupuno na ng usok at apoy. Napaubo na si Claud at pilit ginagalaw ang paralisadong katawan ngunit hindi pa rin siya makakilos.

Nakarinig sila ng mga sigawan at paparating na mga pulis. Pareho silang napalingon roon.

"Claud!"

Natatarantang ikinumpas ni Leia ang salangkay at hinatak ang binatang si Claud palapit sa kanya. Sa isang wasiwas lamang nito'y naglaho ang dalawa. Naiwan si Astrid na sumisigaw.

Naglaho si Leia kasama ang bihag na binata bago pa dumating ang mga pulis at bumbero.

Halos mapatid ang litid ni Astrid kakatawag sa pangalan ng kapatid ngunit hindi na ito mahagilap.

Kung saan nagpunta ay walang nakakaalam.


***

ETHEREAL | COMPLETEDWhere stories live. Discover now