CHAPTER 20

926 63 4
                                    

CHAPTER 20




"CLAUD? Gising ka pa ba?" Naramdaman ni Claud ang pag-upo ni Astrid sa bandang paanan niya. Mas ipinikit niya ang mga mata at nagkunwaring natutulog na. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito at ang pagngiyaw ng alaga niyang pusa.

"Itatanong ko lang sana kung may napansin kang kakaiba kanina kay Morrigan," sambit nito kaya naimulat niya ang kaliwang mata sabay taas ng kilay.

"Sana mag-ingat ka na lang sa kanya. Sana mali ang kutob ko," paalala ni Astrid at inayos ang kumot niya. Mayamaya'y gumaan ang parte ng kama na inupuan ng dalaga. Mukhang umalis na ito sa bandang paanan niya.

Sa puntong iyon ay hindi na niya kayang magtulog-tulugan at hindi pansinin ang dalaga. Bumalikwas siya ng bangon kaya napalingon sa kanya ang nagulat na si Astrid.

"C-Claud. Kanina ka pa gising?"

"Anong kakaiba?" tanong niya at hindi pinansin ang sinabi nito. Napalunok si Astrid at napaiwas ng tingin.

"Maniniwala ka ba sa akin kapag sinabi kong...baka hindi si Morrigan ang bumalik kanina?" Sa sinabi ni Astrid ay napakunot ang noo ni Claud.

Natahimik sila pareho. Wala ni isang nagsasalita sa kanilang dalawa maliban na lamang sa paghilik ng tuta sa bandang ulunan ng higaan ni Astrid.
Mayamaya ay napatango si Claud dahil desidido na siyang malaman ang buong katotohanan kung ano nga ba ang mayroon tungkol sa dalaga. Tinitigan niya ito sa mga mata.

"Sabihin mo sa akin lahat ng totoo. Pangako, maniniwala ako sa'yo."








Malalim na ang gabi ngunit gising pa rin si Morrigan. Nakaharap siya ngayon sa malaking salamin ng kanyang kwarto at sinusuklay ang mahabang buhok. Dahan-dahan ang ginagawa niyang paghagod hanggang sa tuluyan siyang mapangisi.

"Napakakinis mo. Gusto mo bang bigyan kita ng palatandaan?" bulong niya at unti-unting inilibot ng dalaga ang paningin sa mesang katabi lamang niya. Nakuha ng atensyon niya ang cutter na kasama ang mga ballpen at lapis. Dali-dali niya itong kinuha at tinapat sa bandang pulso.

Walang paligoy-ligoy na hiniwa niya ito.

Sumirit ang masaganang dugo mula sa hiwa kaya tuluyang siyang napasigaw dahil sa sakit. Isang kalabog at mga yabag ang narinig niya hanggang sa tuluyan siyang bumagsak sa sahig.

"Morrigan!" sigaw ng ama niyang si Jem at dinaluhan ang nakabulagtang anak.









"A-anong sabi mo?" Nakaawang ang bibig ni Claud hanggang sa matapos magkwento si Astrid ng katotohanang hindi siya normal na tao.

"Kung ganoon, naghahanap tayo ng wala? Please lang, mas ipaintindi mo sa akin." Naihilamos ng binata ang palad sa mukha at napatingin sa alagang pusa ni Astrid. Pakiramdam niya ay gusto na rin nitong magsalita para tulungan ang amo na ipaliwanag ang buong nangyayari.

"So, sinasabi mo na hindi ka talaga tagarito sa amin. Wala kang kamag-anak rito. Nakatira ka sa Vianden kasama ang nanay at tatay mo pati mga kapatid. Pagkatapos ano? Paano ka napadpad sa Alhambra?" sunod-sunod na tanong ni Claud. Hindi na niya mapigilan ang mga katanungang nais niyang itanong kay Astrid noong una pa lamang.

"Mahigpit na ipinagbabawal ni ama ang paggamit ng salamangka o anumang uri ng kapangyarihan sa buong kaharian. Pinapatawan niya ito ng kamatayan. Natakot si ina na isa ako sa maparusahan nang malaman niyang kaya kong kausapin ang mga hayop. Kaya ipinatapon niya ako sa pusod ng gubat. Kasama si Casper," paliwanag ni Astrid at napaiwas ng tingin. Hinimas niya ang ulo ng pusa niya.

"Sinasabi ko na nga ba! May sa demonyo ka!" Halos manlaki ang mga mata ni Astrid dahil sa sinabi ni Claud. Napailing siya.

"Hindi kami masasama. Ngunit naniniwala si ama na oras na magtaglay ka ng kakaibang kapangyarihan, isa kang bunga ng kasamaan," malungkot na giit niya. Natahimik naman si Claud at napakagat-labi.

"P-paano na?" walang kaide-ideyang tanong muli ni Claud.

Namayani muli ang katahimikan.

"Anong meron kay Morrigan? Sigurado ka ba sa kutob mo?" Agad napatango si Astrid.

"Tingin ko ay hindi lang ako ang narito sa mundo n'yo. May gumagala pang iba. Hindi ko lang alam kung sino. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Nanganganib si Morrigan ngayon at mapanganib rin siya para sa iba," tahasang sagot niya at pagkuwa'y lumabas mula sa mahabang buhok ang nagkukulay-berde na baging.

Napalunok si Claud dahil sa nararamdamang kaba.








"Tito!" bungad ni Raven nang makitang ang ama ni Morrigan. Nakaupo ito at sapo ang mukha. Bakas rin sa dalaga ang kakulangan sa tulog. Nakasuot lang rin ito ng pajama at magulo ang buhok.

Matapos kasi siyang tawagan ni Jem ay napasugod na siya rito sa ospital nang malaman na naglaslas ang kaibigan. Hindi siya mapakali nang tumapat sa mismong kwarto kung saan naroon si Morrigan.

"Tito, what happened?" usisa ng nag-aalalang si Raven.

"She cut her wrist. That's odd. Hindi naman suicidal ang anak ko pero bakit niya ginawa iyon sa sarili niya?" problemadong sambit ng lalaki at nasapo muli ang mukha.

Natigil si Raven at napakunot ang noo. Nagdadalawang-isip pa siya kung sasabihin niya ang mga napansing kakaiba sa kaibigan.

"Tito, I think you need to know this," seryosong saad niya dahilan para mapatingin sa kanya si Jem.









"She's acting strange mula noong naabutan ko siya mag-isa sa parking lot. Even Beaggy, her dog, barked at her like she's someone na hindi kilala ng sarili niyang alaga." Nakikinig lamang si Jem sa bawat sinasabi ng kaibigan ng kanyang anak. Pareho silang nakaupo at hinihintay na lumabas ang doctor mula sa kwarto.

Saglit itong natahimik at napatango.

"I think, it's better to consult this to her psychiatrist. Masyado na atang nai-stress ang anak ko nang hindi ko nalalaman," ani Jem at napabuntong-hininga. Mayamaya pa ay narinig nila ang pagbukas ng pinto. Lumabas mula roon ang doctor ng kanyang anak.

"How's my daughter?" pangungumusta niya agad.

"She's totally fine. Marami lamang lumabas na dugo mula sa nasugat niyang pulso but it's okay now. Magpalakas na lang siya at pwede na siyang makalabas," sagot nito sa kanila.

"And one more thing, wala naman akong napansin na kakaiba sa kanya. In fact she's in good condition. I can't find any reason that will trigger her to hurt herself. Pwede n'yo na siya makausap," dagdag pa nito kaya napatango si Jem.

"Thank you, Doc."

Pagbukas pa lamang ni Raven ng pintuan ay nakita na niya ang pagsilay ng natural na ngiti ni Morrigan. Nakataas ang kilay nito sa kanya na tila hindi man lang ininda ang nangyari.

"Hi, bitch. You look haggard tonight," bati nito at napatingin sa ama niya.

"Dad!"

Nagkatinginan sina Jem at Raven nang may pagtataka.



***

ETHEREAL | COMPLETEDWhere stories live. Discover now