CHAPTER 7

1.5K 89 5
                                    

CHAPTER 7






Magkasalubong ang kilay na nakatitig lamang si Claud sa pusang sumunod sa kanya hanggang sa loob nitong apartment. Halos masapo niya ang mukha nang makitang nakatitig rin ito sa kanya.

"Huwag mo akong titigan ng ganyan. Baka gusto mong gawin kitang siopao!" tila nababaliw na sambit niya at kinakausap na ang pusa ni Astrid. Sa halip na umalis, umupo pa ito sa kama niya at naglinis ng katawan gamit ang laway.

"Hoy, umalis ka nga sa kama ko! Tsupi!"

"Bumalik ka na sa amo mo! Hindi ka bagay rito!"

"Meow."

Marahas na napakamot ng ulo si Claud at tiningnan muli ang pusa na nakatitig pa rin sa kanya.

"Punyemas naman," sambit pa niya at sinukuan na rin ang hayop. "Isang gabi ka lang pwede manatili rito at ibabalik na kita sa amo mo," dagdag pa nito at napabuntong-hininga. Inuubos talaga nito ang pasensya niya.










"How about we make it to an industrial plantation?" wika ng isang lalaking nakasuot ng business attire na nasa edad singkwenta y siete at may kausap sa telepono. Napangisi ito at inayos ang necktie niya. Napatango-tango ito habang pinaiikot ang swivel chair kung saan siya nakaupo.

"I'll set a meeting for this one. I'll call you later. Thanks, bye," aniya at binaba ang linya. Pinaikot muli niya ang upuan hanggang sa mapaharap siya sa malawak na mapa na nakadikit sa mismong opisina niya. Ito ang kabuuang mapa ng Alhambra Tropical Rainforest na pinapangarap niyang pagtayuan ng sarili niyang plantation. Mayamaya ay nadako ang tingin niya sa nameplate na nakapatong sa mesa niya. Nakaukit roon ang pangalan niyang Jem Sarzuelo. Muli siyang napangisi. Malapit na kasi niyang matupad ang binabalak na mapasakanya ito.

"Kaunting hakbang na lang. Sobrang konti na lang at---"

"Arf! Arf! Arf!"

"Hey, calm down! You're so excited to see him!"

Halos mapasigaw siya sa sobrang gulat nang otomatikong bumukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok roon ang kaisa-isang anak niyang babae na si Morrigan. Nakasuot ito ng shades, nakataas noo habang hatak-hatak ang tali ng alaga nitong aso. Halos matisod pa ito dahil sa suot na heels. Halata sa awra nito ang pagiging sopistikada.

"Arf! Arf! Arf!"

Isang beagle dog na alaga ni Morrigan ang humahangos sa matandang lalaki at kinagat-kagat ang pantalon na suot ng ama. Naiinis na sinipa nito ang beagle upang mapatahimik. Nagawa naman ni Morrigan na mahatak palayo ang alaga.

"Kumusta, Dad?" nakangising bati ng dalaga sa nakasimangot nang ama. Masama ang titig nito sa dala niyang aso habang pinapagpagan ang nadumihan nitong sapatos at halos mapunit na pantalon.

"Nakapaskil sa labas ng opisina ko na bawal rito ang hayop. Ano na namang ginagawa ng damuhong na iyan rito? Morrigan, how could you be so hard-headed, hija?" Inikot ng matanda ang swivel chair at binalik sa dating pwesto. Nag-umpisa na siyang magligpit ng mga folders sa ibabaw ng desk niya.

"Actually dad, Beaggy is here to see you. Right, my baby Beaggy? Oh you're so cutie patootie!" ani Morrigan at tinapik-tapik ang ulo ng aso pagkuwa'y umupo sa sofa kaharap lamang ng mesa ng ama. Napailing na lamang si Jem at hinilot-hilot ang sintido.
Nakaka-stress ang anak niya.

"What brought you here?" diretsahan niyang tanong kaya natigil si Morrigan sa pakikipagkulitan sa kanyang alaga. Napatingin siya sa direksyon ng ama na naghihintay ng sagot niya.
"Masama bang dalawin ang daddy ko sa opisina niya dahil nami-miss ko na siya?"

"I know that's not your intention, hija. So what's with your comings? Spill it," sambit pa nito. Hindi siya naniniwalang dinalaw siya ng anak dahil lamang sa rason na iyon. Alam niyang may kailangan na naman ito sa kanya.

"What do you need? A cash? A brand new---"

"Unfreeze my ATM now," pagputol ni Morrigan sa sasabihin niya at nagngiting-aso. Blanko niyang tinitigan ang anak.

"C'mon, why should I do that? You're still grounded," depensa niya matapos niya itong i-ground nang malaman niyang puro lakwatsa lamang ito at gala kung saan-saan.

"Because I am your one and only daughter," nakangiti pa ring sagot ng dalaga dahilan para mapabuntong-hininga siya at masapo ang ulo.

"Convince me more," nanghahamong saad nito dahil hindi talaga siya papatalo. Buong buhay niya ay na-spoil niya ang anak pero sumusobra na rin ito minsan.

"You unfreeze my ATM or I'll let Beaggy visits you every single day here in your office. You want that, daddy?" Nakataas na ang kilay ni Morrigan. Natahimik naman siya.

"Oh, so you want that?" sarkastikong tanong muli ng anak niya nang hindi siya umimik. Napabuntong-hininga ang matanda dahil sa sinabi ni Morrigan at napatango. Hindi niya maaatim na mape-peste siya ng asong iyon araw-araw.

"Fine. You'll have your ATM tomorrow. Just promise me, Morrigan."

"What?" walang kaide-ideyang tanong ng dalaga.

"Promise me, you'll get a life. Puro ka gala. Ayusin mo naman ang buhay mo," pangaral na naman nito dahilan para mapairap ang mata ng anak.

"Dad, this is my life!" wika nito at tumayo na mula sa sofa. "Thanks, Dad! I owe you a lot!" Patalon-talon itong lumapit sa ama para halikan ito sa pisngi sa sobrang tuwa.

"Arf! Arf! Arf!" tahol ng beagle at kinagat na naman ang sapatos ng matanda.

"Chupi! Palabasin mo na 'yan rito!" nanggagalaiting sigaw ni Jem kaya halos hatakin ni Morrigan ang aso palabas ng opisina habang tumatawa.

"Bye dad! See you later! Don't forget my ATM! Mwahh!"

"Leave!" singhal pa rin niya sa aso nang isarado ni Morrigan ang pinto ng opisina niya. Pagkaraan ng ilang minuto ay namayani ang katahimikan habang hinahapo siya ng hininga.

"I really hate animals," tiim-bagang niyang bulong sa sarili nang mapansin ang laway nito sa dulo ng kanyang sapatos.









"One thousand," alok ni Claud sa kaibigan na abala sa pagsipsip ng binili nitong milktea. Umiling si Macky at umismid.

"Higher. Halatang ang kunat mo nga pagdating sa pera," giit nito kaya napangiwi siya.

"One thousand five hundred," sambit pa niya. Mas umismid ang kaibigan.

"Taasan mo pa, banker."

"Tangina mo, pineperahan mo ba ako?" naiinis na tanong ni Claud at napasandal sa upuan. Narito sila ngayon sa loob ng isang milktea shop at sa paanan ng upuan niya ay ang munting basket kung saan naroon ang ngumingiyaw na pusa ni Astrid. Balak niya itong ibalik sa Alhambra ngayon rin ngunit ayaw siyang tulungan ng kaibigan. Halos perahan pa siya nito.

"Ganyan ang business, pare. Pera pera lang. Ngayon kung ayaw mo---"

"Two thousand! Final na!" Itinaas pa ni Claud ang dalawang kamay sa ere at sinamaan ng tingin si Macky na ngayon ay malapad na ang ngisi.

"Presyong kaibigan na 'yan. Sige. Ipagda-drive na kita," pagpayag ng binata.

"Tangina mo talaga." Hindi mapigilan ni Claud na murahin ang kaibigan nang ilabas niya mula sa wallet ang cash na dalawang libo.

"Ayos lang 'yan. Para ka lang naman nag-grab niyan, e. Ano, tara na?"

"Bwiset," mura pa niya at binuhat na ang basket kung saan naroon ang pusa. Lumabas na sila ng shop para pumunta sa kagubatan ng Alhambra.


***

ETHEREAL | COMPLETEDWhere stories live. Discover now