CHAPTER 19

962 61 2
                                    

CHAPTER 19






"OH, akala ko nauna na kayong umuwi? Saan ba kayo galing?" bungad ni Nathalie nang makita sina Morrigan at Raven na kakabalik lamang sa studio. Naabutan nilang nagliligpit na ng mga gamit ang ibang crew dahil uwian na.

"By the way, Morrigan nakalimutan kong sabihin sa'yo na pinasundo ko na si Beaggy rito kanina sa maid mo. Hindi mo na maasikaso, e baka kung ano pang mangyari roon. Don't worry kasi nasa bahay n'yo na siya," paliwanag ni Raven sa kasamang si Morrigan.

Napangiti lamang si Morrigan at agad iginala ang tingin sa paligid na parang ngayon lamang siya nakapasok sa Studio 5. Napatingin tuloy sa kanya ang kaibigang si Raven.

"Ayos ka lang?" tanong nito kay Morrigan.

"Ha?" sambit ng dalaga kaya napakunot ang noo ni Raven. Kakaiba talaga ang inaasal ng kaibigan kanina pa mula sa parking lot. Parang wala ito sa sarili.

"Paano, mauna na kami Nathalie," paalam ni Claud kasama si Astrid.

Sa muling pagkakataon ay napangiti si Morrigan at pinakatitigan si Astrid na nasa tabi lamang ng binatang si Claud. Isang malagkit na titig ang pinukol niya sa dalaga.

Napawi ang ngiti ni Astrid nang mahuli niyang nakatitig sa kanya si Morrigan. Parang may mali. O medyo kakaiba lang siguro talaga dahil kanina lamang ay iniirapan siya ng dalaga. Ngayon naman, parang maamong tupa itong pangiti-ngiti sa kanya.

Hindi niya ito kayang titigan sa mga mata. Napaiwas tuloy siya ng tingin.

"Sabay-sabay na tayo umuwi! KTV muna tayo, uy!" sambit pa ni Nathalie kaya halos magtatalon si Raven sa tuwa. Nakipag-apir ito sa bakla.

"Bet ko 'yan! Di'ba Morrigan? Kailan ba tayo huling pumunta sa KTV?" nae-excite na wika nito pero hindi natinag si Morrigan sa tabi niya.

Napalipat ang tingin ni Morrigan kay Claud. Mas lumapad ang ngiti nito nang mapagmasdan ang hitsura ng binata.

"Kayo ba, LC?"

"Uuwi na kami. Gabi na e," tanggi ni Claud at isinilid na sa bag ang camera.

"Luhh? Ang KJ naman!" reklamo ni Nathalie at sinamaan ng tingin ang dalawa. "Don't tell me magsosolo kayong dalawa?"

"Ang bobo naman n'on! Magsosolo tapos dalawa kayo?" sabat ng isa sa mga photographers na kasamahan ni Claud kaya napuno ang studio ng tawanan. Napailing naman ang natatawang binata.

"Marami pa kasi kaming gagawin. Baka bukas hindi ako makapasok." Ngumiti ng tipid si Claud kay Nathalie dahil nabanggit na naman niya ito sa kaibigan. Magle-leave siya ng isang araw upang ipagpatuloy ang paghahanap sa kamag-anak ni Astrid.

Gusto na niyang matulungan ang dalaga sa lalong madaling panahon.

"Okay, sige na nga. Tutal pagod naman tayong lahat, next time na lang tayo mag-KTV! Ingat kayo sa pag-uwi!" pagsuko ng bakla at nakipag-beso kay Astrid.

"Tara na," yaya ni Claud sa dalaga at biglaan nitong hinawakan ang kamay upang hatakin palabas ng studio. Nagsalubong ang mga titig nila ni Morrigan. Mas na-intimidate tuloy siya lalo na nang ngumiti ito.








"Hoy, Morrigan," untag ni Raven sa kaibigan na hanggang ngayo'y tulala pa rin kahit naglalakad na sila patungo sa parking lot.  Dahil hindi natuloy ang yayaan, uuwi na rin silang dalawa tutal gabi na rin.

"Bakit?" tanong ng Morrigan sa kanya na parang walang nangyari.

"Alam ko namang crush na crush mo si LC pero huwag mo naman ipahalata na parang head over heels ka sa kanya," nakangiwing sambit ni Raven habang papalapit sa nakaparadang kotse ni Morrigan.

"Crush?" tila wala sa sariling tanong ni Morrigan sa dalaga.

"Oo, crush! It means you like him! Paghanga, parang ganoon! Teka, ano bang nagyari sa'yo rito kanina sa parking lot at ganyan ka? You're acting strange. Nauntog ka ba?" usisa ni Raven nang makarating sila sa kotse.

Hindi sumagot si Morrigan. Nang mabuksan ang pinto ng kotse, bigla naman silang nagkatinginan.

"Oh, huwag mong sabihin sa akin na nakalimutan mo na pati pag-drive?" Halos masapo ni Raven ang mukha niya.
Alinlangang napaiwas ng tingin si Morrigan.

Kumpirmado nga. Tila nawawala ito sa sarili ngayon. Ngunit wala namang sakit ang dalaga. Bakit ito nagkakaganito?

Napabuntong-hininga si Raven at hinablot ang susi kay Morrigan.

"Fine. Ako na ang magmamaneho," suhestiyon niya dahil wala naman siyang magagawa. Baka kapag ito pa ang nag-drive, mauwi lamang sila sa aksidente.

Kapwa sila pumasok sa sasakyan. Ini-start ni Raven ang makina at pinaliko ang kotse palabas ng parking lot.

"Oh, nalimutan kong commute nga lang pala sina LC," komento ni Raven habang nagmamaneho nang mamataan sina Astrid at Claud na pumara ng pampasaherong jeep at sumakay roon.

Naisunod ng tahimik na si Morrigan ang paningin sa jeep kung saan sumakay ang binata at ang kasamang si Astrid. Ngayon ay nasa unahan lamang nila ito. Napangiti muli siya.

"Ano ang...pangalan niya?" mahinang sambit ni Morrigan at pinakatitigan ang nasa unahang jeep.
Napataas ang kilay ni Raven kahit nakatutok ang atensyon sa pagda-drive.

"What? He's Louis Claudio Monterde. LC for short. Ba't hindi mo agad maalala? E, kanina lang umaga pina-stalk mo pa siya sa akin." Mas lalong naguluhan ang dalaga dahil sa mga sinasabi ni Morrigan. Napailing na lamang siya.

"I think you need a rest, Morrigan," mungkahi niya. Hindi na maganda ang kutob niya sa kaibigan kaya napabuntong-hininga na lamang siya.

Panay ang silip nito sa jeep na lulan sina Astrid at Claud. Maya't maya itong napapangiti. Hindi naman mapigilang sumulyap ni Raven sa kanya dahil kanina pa niya ito napapansin.

Mayamaya pa'y sinundot siya ni Morrigan sa tagiliran.

"What now?" iritado niyang tanong rito dahil nawawala ang focus niya sa pagda-drive.

"Sundan natin sila," sambit nito na siyang ikinagulat ni Raven.

"Sundan? Are you serious?!" hindi makapaniwalang bulalas ng dalaga. Napatango lamang si Morrigan. Napakahinhin nito ngayon.

Bumuga si Raven ng hangin at napakagat-labi.

"Fine," pagsuko niya at mas binilisan ang pagmamaneho upang maabutan ang jeep na nasa malayo na.






Tumigil ang kotse nila sa hindi kalayuang unit na may dalawang palapag. Nakatitig lamang sina Raven at Morrigan habang bumababa sa jeep sina Claud. Matapos makaalis ang jeep ay naglakad na ang dalawa paakyat ng second floor. Kung tama ang hinala ni Raven, sa ikalawang palapag ang apartment ng binata.

Nanlaki ang mga mata niya.

"Are they live in? Oh my gosh!" bulong nito at sumilip sa bintana ng sasakyan. Napatingin siya kay Morrigan upang malaman ang reaksyon nito. Pero tanging ngiti lamang ang kanina pa nito pinapakawalan.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa apartment ni Claud  sa katabi niyang si Morrigan. Bumilis ang tibok ng puso niya nang mapansin ang kakaiba nitong ngiti. Nakakakilabot.

Bakit pakiramdam niya ibang Morrigan ang kasama niya ngayon?


***

ETHEREAL | COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ