CHAPTER 5

1.6K 126 26
                                    

CHAPTER 5



"TANGINA naman, Claud. Sinama mo pa talaga ako rito para maghanap ng engkanto? Gago ampota!" sunod-sunod na mura ni Macky at napayakap sa sarili dahil sa nararamdamang kilabot. Lalaki siya pero sa puntong ito ay aaminin niyang mahina ang loob niya kapag kadiliman na ang pinag-usapan.
Sa unahan naman niya ay ang nangangapang si Claud habang inililibot ang liwanag ng flashlight sa buong paligid.

"Sino ba kasing may sabi na sumama ka? Ang sabi ko lang, pahiram ng sasakyan mo," giit ni Claud at nagpatuloy lamang sa paglalakad.

"Oh, saan ka naman diyan?" tanong ni Macky na sumusunod lamang sa kanya kahit wala itong ideya sa hinahanap ng kaibigan. Iritado siyang nilingon ni Claud at itinutok sa kanya ang flashlight.

"Pwede ba pre manahimik ka muna saglit? Isipin mo na lang ghost hunting itong ginagawa natin," sambit niya at nagpalinga-linga ulit.

"Pambihira ka Claud! Dapat si Ed Caluag na lang sinama mo rito kung ganoon!"

"Shhhh! Naririnig mo 'yon?" Nanlaki ang mata ni Claud at pinakiramdaman ang paligid. Natigil naman sa pagsasalita si Macky at nakiramdam na rin.

Sa hindi malamang direksyon ay nakakarinig sila ng isang hagikhik. Mali. Isang tawa mula sa boses ng isang babae. Nagkatinginan silang dalawa.

"M-May tao ba rito bukod sa atin?" nauutal na tanong ni Macky kay Claud at nagsimula nang mangilabot.

"'Yung babae..." Tila siguradong-sigurado si Claud sa sagot niya. tiningnan naman siya ng kaibigan na naguguluhan pa rin.

"Anong sinasabi mo? Sinong babae?" Bago pa makasagot ay mas naging klaro sa pandinig nila ang halakhak ng babae. Umaalingawngaw ang boses nito sa paligid na nagdala ng takot sa dalawa.

"Engkanto ata ampota. Claud, umalis na tayo rito!" nahihintakutang bulalas ni Macky at tatakbo na sana pabalik nang pigilan siya ni Claud.

"Sandali, pre," aniya at dumako sa direksyon kung saaan niya mas naririnig ang halakhak na iyon.

Napakamot na lamang si Macky sa ulo at sinundan si Claud kahit gustong-gusto na nitong umuwi.

Dinala sila ng kanilang mga paa sa mga naglalakihang puno kaya hindi nila mapigilang mapatingala at mamangha. Sa taas nito ay isang tree house na hindi kalakihan at sa mismong loob nito'y nagliliwanag.

"W-What the heck?" bulalas ni Macky na nakatitig na lamang sa tree house na ngayo'y mas nagliwanag sa hindi malaman na dahilan.  "Tingin mo, anong nakatira riyan?" tanong pa nito kay Claud na busy na sa pagkuha ng litrato.

"Aray ko!" reklamo ni Claud at nilingon si Macky.

"Ano?!"

"Binato mo ba ako?" anas niya dahil naramdaman niyang may bumato sa ulo niya. Mayamaya ay nasundan pa ito ng isa pang bato na waring sinasadya.

"Shhh!" Pareho silang napaangat ang tingin at nakita ang nakatunghay na kuwago. Nakatitig lamang ito sa kanila.
Kapwa sila napangiwi nang mag-ingay ito.

Sa isang iglap ay kumaripas sila ng takbo palayo nang makita nilang nagsilabasan ang mga alitaptap sa buong tree house at ngayon ay hinahabol na sila.

"Bilisan mo!" sigaw ng halos madapa na si Claud sa kaibigang si Macky. Hindi na sila tumitingin sa dinaraanan. Tila may sumusunod sa kanila bukod sa mga alitaptap. Hindi nila makita kung sino iyon dahil sa kadiliman. Lumalambitin ang nilalang sa bawat puno at hinahabol rin sila.

"Taragis ka, Claud! Sa dami ng pwede mong maging subject sa photography bakit bahay pa ng engkanto?!" naiiyak nang tanong ni Macky at mas binilisan ang pagtakbo. Panay naman ang lingon ni Claud sa paligid. Ni hindi na niya nasagot pa ang tanong ng kaibigan. Sa kalagitnaan ng pagtakbo, natisod pa si Claud dahilan para mawalan siya ng balanse at mahulog sa matirik na bangin.

"Claud!" Umalingawngaw ang boses ni Macky at tinatawag siya.
Isang sigaw ang pinakawalan niya at tuluyan na siyang kinain ng kadiliman.





NAPASINGHAP siya nang bumangon. Hingal na hingal at parang natuyot ang lalamunan. Nanaginip raw siyang nahulog siya sa bangin at bitbit pa niya ang kanyang minamahal na DSLR. Ngunit sa mismong pagbalikwas niya ay hindi niya natagpuan ang sarili sa loob  ng kanyang apartment.

"Anak ng? Nasaan ako?" sambit niya sa sarili at iginala ang paningin. Naroon siya ngayon sa maliit na silid na gawa sa pinong kawayan. Sa disenyo ng kwarto ay mahahalatang babae ang nakatira rito. Malinis, magaan sa pakiramdam ngunit hindi niya gusto ang presensya ng pusang nakatunghay sa kanya sa gilid.

"Aray ko ampochi!" mura niya matapos subukang igalaw ang braso pero napangiwi lamang siya nang maramdaman ang kakaibang kirot. Totoo nga atang nalaglag siya sa bangin kanina. Wala siyang maalala.

"Meow." Napatitig siya sa pusang kulay abo ang mga mata. Parang kinakausap siya nito sa hindi malamang dahilan.

"Ikaw, may alam ka ba kung sinong nagdala sa akin rito? Nasaan ang amo mo? Ha?" walang kagatol-gatol na tanong niya sa hayop. Hindi siya nakikipag-usap sa mga pusa dahil hindi naman siya mahilig sa hayop. Ngunit sa pagkakataong ito ay nabagok ata ang ulo niya at pati pusa na walang kamuwang-muwang ay ini-interview niya.

"Bakit hindi ka sumasagot? Sumagot ka!" Nanggigigil niyang sinakal sa leeg ang pusa at iwinagayway sa ere na parang stuff toy.

"Kakaiba naman siguro kung magawa niyang sumagot at magsalita, hindi ba?"

Dahil sa tinig na narinig ay otomatiko niyang nabitawan ang pusang nahihilo at nalalantay na. Napatingin siya sa dakong pintuan. Nakasandal mula roon ang babaeng hinahanap niya.

Nakusot tuloy niya ang kanyang mga mata.

"Moana?" tanong niya sa dalaga kaya napakunot ang noo nito.

"Ay, Tarzan ikaw ba 'yan?" Mas naipilig niya ang ulo niya. " Takte, babae ba si Tarzan?" bulong pa niya sa sarili at pinasadahan ang hitsura ng babaeng nasa may pintuan. Nakipagtitigan ito sa kanya.

"Sino ka?" halos sabay nilang tanong sa isa't isa.

"Ikaw ang dapat kong tanungin, bakit ako narito sa bahay mo?" ani Claud at sinamaan ito ng tingin.

Inosente siyang tiningnan ng dalaga at pinagmasdan ang buong hitsura niya.

"Oy, Miss?" untag ni Claud rito na nakatulala lamang sa kanya.
"Oy?"

Nabalik ito sa reyalidad at napaiwas ng tingin. Pagkuwa'y ngumiti ito sa kanya. Mas naguluhan siya sa inaasal nito.

"Tinatanong talaga kita. Uso sumagot!" Hindi na makapagtimpi ang binata at naiinis niya itong tiningnan.

"Meow."

"Tumahimik ka riyan, hindi ikaw ang kinakausap ko!" baling nito sa pusa na nasa paanan na niya.

"Claud?"

Otomatikong napalingon siya kay Macky na sumilip sa mismong pintuan at may napakalapad na ngisi.

"Pre?" tawag niya rito.

"Buti naman at gising ka na. Tinulungan tayo ni Astrid kagabi, e," sagot nito at nagthumbs-up pa sa dalaga. Napaiwas naman ng tingin si Astrid na parang nahihiya.

Dahil sa mga naririnig ay halos sumakit ang ulo niya.

"Magkakilala na kayo?" tanong niya sa dalawa at tinitigan isa-isa.

***

ETHEREAL | COMPLETEDWhere stories live. Discover now