CHAPTER 15

1K 73 6
                                    

CHAPTER 15



"Sige na, pumayag ka na," pagmamakaawa ni Astrid kay Claud na ngayo'y  naglalakad nang mabilis.

"Baliw ka ba? Anong gagawin ko diyan sa gusgusin na iyan? Dagdag palamunin pa iyan, e!"

Mas binilisan niya ang paglalakad. Nakasunod pa rin sa kanya ang dalaga habang yakap ang gusgusing tuta na nakita niya sa loob ng basurahan.

"Dali na," sambit pa niya kaya mas nagpantig ang tenga ni Claud at hinarap na siya.

"Gagawin mo bang zoo ang apartment ko?!" asik niya kay Astrid kaya nagulat ang dalaga sa narinig at napaatras.

"Pero kawawa naman siya. Wala siyang ibang mapupuntahan."

"Tangina naman Astrid," bulong niya dahil napipikon na siya.








Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin maipinta ang pagmumukha ni Claud habang pinanonood niya si Astrid na linisan ang dati'y marumi na tuta. Nasa apartment na muli sila at tulad kahapon, wala na naman silang napala sa paghahanap. Ang nakakainis pa, hindi naman kamag-anak ni Asrid ang nahanap nila kundi isang gusgusing aso.

"Ayan, malinis ka nang tingnan ulit." Magkasalubong ang kilay niyang pinagmamasdan si Astrid na punasan ng tuyo na tuwalya ang aso niya. Mas sinamaan niya ito ng tingin nang magkasalubong ang titig nilang dalawa.

"Anong tinitingin-tingin mo riyan? Pagsabihan mo iyang bago mong alaga na huwag magkakalat at huwag ring guguluhin ang kama ko. Maliwanag? Asar amp," naiinis niyang paalala at humilata sa malambot na kama.

Natahimik naman si Astrid. Mayamaya ay nagsimula nang tumahol ang munting aso na siyang mas ikinagalit ni Claud. Nagtakip siya ng unan sa bandang tenga. Hindi pa rin tumitigil ang aso.

Sa sobrang inis na nararamdaman ay wala siyang ibang nagawa kundi ang mapasigaw na lamang.










"Louis Claudio Monterde, 21 years of age, works at the Krusty Krab and E'di sa Puso Mo," litanya ni Raven at nagpipigil ng tawa habang binabasa ang info ni Claud. Nakikinig naman sa kanya ang kaibigang si Morrigan. Halos mapangiwi naman ang dalaga.

"Seriously?" sambit nito at busy pa sa pagme-make-up.

'S'yempre hindi. Heto na, wait lang," ani Raven at nag-scroll pa sa cellphone niya. "Louis Claudio Monterde, 21 years old, works at Studio 5? O-M-G! Magkatrabaho pala kayo!" bulalas ng nagulat na si Raven at napatakip sa sariling bibig.

"Told yah. We're destiny," nakangising sagot ni Morrigan at pinaglaruan ang dulo ng mahabang buhok.

"Destiny agad? Magka-workmate lang naman, e." Napairap lamang si Morrigan dahil sa sinabi ng kaibigan. Ibinaba niya ang hawak na make-up brush at hinarap si Raven.

"You see, I lose our bet in the fast food chain last time and I don't want that to happen again."

"So, what are you going to do?" tanong ni Raven na walang kaide-ideya sa plano ni Morrigan.

"I like that guy. Maybe I can get him too." Halos masamid si Raven sa kakatawa nang marinig ang sinabi nito. Napataas ang kilay ng dalaga.

"Anong tinatawa-tawa mo riyan?"

"So you're still thinking that you could caught him off-guard?"

"Of course, Raven!" siguradong-sigurado na sagot muli niya kay Raven. Wala pa siyang bagay na hindi nakukuha sa buong buhay niya. Wala pang tumatanggi sa kanya na kahit na sino.

"But LC looks like a not-so-easy-to-get type of guy. Mukhang mahihirapan ka."
"I have my ways." Nagpakawala ng ngisi ang dalaga at hinatak ang kanyang beagle dog. Pagkuwa'y tumayo na.

Napatingin siya sa wristwatch at bumaling ng tingin kay Raven na nakahiga pa rin sa kanyang queen size bed.

"Let's go. Hinahanap na tayo sa studio," sambit niya at dali-dali hinagilap ang bag.









Ngayong araw ay hindi nagising si Claud mula sa katok ng landlady o ng ingay mula sa mga naglaglagang pinggan, kutsara at tinidor kundi sa mabangong amoy na nanunuot sa ilong niya. Hindi niya tuloy maiwasang mapabalikwas ng bangon at mapatingin sa kusina. May umuusok mula roon. Napasinghot siya sa hangin at napakunot ang noo.

"Amoy sinangag? What the heck?" gulat niyang sambit sa sarili at agad dumiretso ng kusina.

Sa mismong pagbukas niya ng pinto ay sumalubong na sa kanya ang napakagandang tinig ng umaawit na babae saliw ng mga nag-aawitang ibon sa tapat ng bintana. Ang iba ay nagliliparan sa loob. Hindi magkamayaw ito sa ingay ngunit masarap sa pandinig. Lahat ay abala sa paghahanda ng pagkain sa mesa.

Sa tapat ng stove ay ang nakatalikod na si Astrid na may hawak na sandok at nakasuot ng apron. Kumakanta ito at enjoy na enjoy pa sa pagluluto. Nakusot tuloy niya ang mga mata.

Si Astrid ba talaga ito?

Sa sobrang pagkamangha niya, hindi niya naiwasang mapaubo. Dahil rito ay nagliparan palabas ng bintana ang mga ibon at napalingon sa direksyon niya ang gulat na gulat na si Astrid.

Napaawang ang bibig niya. Hindi siya fan ng mga fairy tale books pero bakit sa hitsura ng dalaga ngayon ay hindi niya maiwasang isipin na para itong si Cinderella?

Nakalugay ang mahaba nitong buhok at nakasuot ng bestida na napapaibabawan ng apron. Nanlalaki ang matang nakatitig ito sa kanya.

"Tsuu!" pagtataboy ni Astrid sa isang ibon na na-stuck pa ang isang pakpak sa bintana. Ngumiyaw naman si Casper na nasa lababo at nakatunghay na rin kay Claud.

"Arf!" Dire-diretsong tumakbo papasok ng kusina ang tuta na napulot nila kahapon sa loob ng basurahan. Masigla na ito di tulad kahapon.

Alinlangang ngumiti ang dalaga.

"Magandang umaga? P-pinagluto kita ng a-agahan," bati nito at yumuko pa na tila kamahalan ang nasa harapan niya. Napatda si Claud sa kinatatayuan.

Bakit parang gusto na niyang maniwala na isa nga itong dugong prinsesa base sa mga kilos nito? Naipilig niya ang ulo at napalunok-laway.

"Sinong nagturo sa'yo magluto?" naguguluhang tanong nito. Sa pagkakaalam niya, hindi naman talaga ito marunong humawak ng sandok at magluto ng kung ano-ano.

Napakagat-labi si Astrid at napatingin sa labas ng bintana kung saan nakasilip sa eksena nila ang mga kaibigan niyang ibon. Napangiti siya.

"Tinulungan nila ako," tipid niyang sagot dahilan para mapatingin rin sa bintana si Claud.
Halos manigas siya sa kinatatayuan. Ngayon lang siya naka-encounter ng ganitong tao.

At aaminin niya na sa kabila ng pangingilabot na nararamdaman, mas gusto pa niyang makilala lalo ang dalaga. May mga lihim pa itong hindi sinasabi sa kanya na kusa na lamang niyang nadidiskubre.





***

ETHEREAL | COMPLETEDWhere stories live. Discover now