CHAPTER 12

1K 81 10
                                    

CHAPTER 12




PADABOG na lumabas ng fast food chain si Claud habang hatak-hatak ang walang kamuwang-muwang na si Astrid. Panay rin ang lingon nito na parang nawawalang bata.

Marahas niyang binitawan ang braso nito nang makalabas at sinamaan ng tingin.

"Ilang oras  mo ba balak magtagal sa loob?" sarkastikong tanong ni Claud sa dalaga na ang tinutukoy ay ang sobrang tagal nitong paggamit ng comfort room. Pawisan pa rin ang dalaga at maputla ang mga labi. "Huwag mo sabihing nagbawas ka?" dagdag na tanong pa nito. Napahinga ng malalim si Astrid at sumagot.

"Pasensya na. Hindi ko lamang talaga alam gamitin ang t-t-toi---"

"Toilet, bobo." Si Claud nang nagdiretso ng sasabihin nito. Halos masapo niya ang mukha at napapikit. Nagtitimpi na lamang siya.

"Astrid, limitahan mo naman iyang kabobohan mo. Narito ka na sa syudad. Wala ka na sa dati mong tirahan." Mas napayuko si Astrid nang marinig ang pangaral ni Claud. Napansin naman ng binata ang pananahimik ng dalaga kaya nakonsensya siya sa mga sinabi. Masyado na ata itong below the belt. Napakagat-labi siya.

"Ngayong araw natin sisimulan na hanapin ang mga kamag-anak mo. Baka may naaalala ka na kung anong mga apelyido nila o address man lang para mas mapadali ang paghahanap. Meron na ba?" pag-iiba niya ng usapan ngunit mas napayuko si Astrid.

Napabuga siya ng hangin. Hindi niya akalaing mas mahirap ito sa inaakala niya. Napakahirap kunin ng loob ng dalaga. Naiinis na siya.

"Wala ka talagang alam kahit katiting na impormasyon sa dati mong pamilya?" tanong pa niya at umiling si Astrid.

"Pambihira," himutok niya nang maalala ang mga sinabi nitong pangalan kagabi nang una niya itong tinanong. Puro kaharian, reyna at hari ang bukambibig nito.

Mayamaya ay nagpasya siyang dukutin ang cellphone at magdial ng number mula rito. Hindi pa ito nagsisimulang mag-ring nang may nagbusina ng sasakyan  mula sa likuran niya. Kapwa sila napalingon ni Astrid sa pumaradang Mazda at lumabas mula roon ang todo pormang si Nathalie. Nakasuot pa ito ng shades at rumampa palapit sa kanya.

"Hi, Louis Claudio! Kailangan mo raw ng expertise ko?" sambit nito at inalis ang shades na suot. Napangisi ito ng malapad.

"LC sabi, e!" naiinis na sagot ni Claud. "At kanina pa kita hinihintay, Nathaniel." Ibinaba na niya ang phone dahil dumating na naman pala ang tatawagan.

"My goodness, Darla? It's Nathalie! Not Nathaniel!" maarteng giit ng baklang nasa harapan nila kaya napangiwi si Claud.

"May lawit ka pa rin, bwisit ka."

"How dare you?!" napipikong bulalas ni Nathalie at sinamaan ng tingin ang kaibigan. Mayamaya ay napadako ang tingin niya sa kasamang si Astrid na nakatitig lamang sa kanya.

"Sino naman ito? Jowawers mo?" Kinilatis niya ito.

"Hindi!"

"O, e sino? Taray, ha? Kabogable ang beauty ng fes. Bet ko siya maging model. Konting paligo lang, pwede na irampa ang alindog!" excited na wika ni Nathalie at nginisian si Astrid na nakangiwi na.

"Bet mong gawing prostitute?" sarkastikong tanong ni Claud kaya hinampas siya ni Nathalie ng dala niyang purse. "Aray!"

"Siraulo ka talaga! Pero seryoso, may future siya sa modelling industry. Anong pangalan mo ateng?" Matamis pa rin ang ngiti ni Nathalie sa dalaga. Hindi ito sumagot.

"Astrid ang pangalan niya. Astrid ito naman si Nathalie," pakilala ni Claud kaya agad pinasadahan ni Astrid ng tingin ang baklang kaharap niya ngayon. Naka-bleach ang buhok nito, may suot na scarf sa leeg, mahahabang pilik-mata at may hikaw sa ilong. Fashionista talaga ang datingan. Maliban sa pagiging manager nito sa Studio 5 ay isa rin itong fashion designer kaya masyado itong expert pagdating sa mga pormahan.

"Hi, nice to meet you Astrid," sambit nito at nakipag-shake hands sa dalaga. Bumaling ito ng tingin kay Claud na nasa tabi lamang niya.

"Bakit mo pala ako kailangan? Pera na naman? Hays, sabi ko naman sa'yo jowain mo na ako kasi kaming mga bakla---"

"Kadiri ka naman!" nakangiwing putol ni Claud sa sasabihin nito.

"Kailangan ko ng tulong mo," ani Claud at makahulugang sumulyap kay Astrid. Sa puntong ito ay napatitig muli si Nathalie sa kabuuang hitsura ng dalaga.

Maluwag na T-shirt, pares ng tsinelas, magulong buhok at morenang kulay ng balat. Bukod rito ay kapansin-pansin rin na hindi ito komportable sa kasuotan niya ngayon. Ngunit bagay naman rito ang pagiging morena, matangos na ilong at mahahabang pilik-mata.

Napangiwi si Nathalie.

"Ba't ang jeje? Tambay ka ghourl?" saad nito at inikutan pa ng tingin ang dalaga.  Mayamaya ay napapalakpak ito na parang may napagtanto.

"Aha! You need my expertise in doing make-over?" nakataas-kilay na wika ni Nathalie sa kaibigang si Claud. Napatango naman ito.

"Wait lang, pag-iisipan ko." Ipinatong ni Nathalie ang baba sa hintuturo na parang nag-iisip kung tatanggapin ba ang pabor na hinihingi ni Claud. Napakamot naman sa ulo ang binata dahil nauubusan na ng pasensya.

"Sa isang kondisyon."

"Magkano ba?" tanong nito sa baklang kaibigan.

"Mahal ang talent fee ko, LC! Pero dahil you're a close friend to me naman, sige na nga. I'll do it na for free. Gorabels!" Bago pa makasagot si Claud ay hinatak na ni Nathalie si Astrid papasok ng sasakyan niya. Wala siyang nagawa kundi sumunod na lamang habang nakangiti.

Sana naman pagkatapos nito, magmukhang tao na si Astrid.






"And now we're here in the make-over of the day!" anunsyo ni Nathalie at ipinarada ang kotse niya sa tapat ng isang mall. Napasilip tuloy si Astrid sa bintana at halos mapanganga dahil sa nagtataasang building.

"Anong gagawin rito?' walang ideya na tanong ni Claud at binuksan na ang pinto ng sasakyan.

"It's a girly thing you won't understand kung bakit sa mall ko siya dinala," diretsahang sagot ni Nathalie at pinatay ang makina ng kanyang kotse.

"Bakit? Babae ka ba?" pambabara niya.

"Are you an epalogs, Louis Claudio? Si Astrid naman ang nangangailangan ng make-over at hindi ikaw kaya manahimik ka na lang."

"Right, Astrid? Ready ka na ba, gurl?" baling ni Nathalie sa dalagang nakasilip pa rin sa labas. Hindi ito sumagot. Napangiwi tuloy ang bakla.

"Ganito ba talaga ka-weird 'yang girlfriend mo?"

Dahil sa tanong nito ay halos hindi na maipinta ang mukha ni Claud.
"Sabing hindi ko siya girlfriend! Argh!"

"Okay! Fine! Let's go!" sigaw pa ng baklang kaibigan at tuluyan nang lumabas sa sasakyan kasama sina Claud at Astrid.



"Ngayong araw ay bibihisan ang prinsesa, upang makibagay sa bagong mundo na kanyang ginagalawan," ani ng boses habang nakatitig sa malaking salamin na puno ng liwanag kung saan pinanonood niya ang mga nangyayari sa dalagang si Astrid.



***

ETHEREAL | COMPLETEDWhere stories live. Discover now