CHAPTER 11

1.1K 79 4
                                    

CHAPTER 11




ISANG kakaibang amoy ang naging dahilan para magising nang maaga si Claud. Halos bumahing ang binata sa naamoy. Pupungas-pungas siyang napabangon. May naririnig rin siyang ingay. Mukhang nanggagaling ang amoy na iyon sa bandang kusina.

"What the heck? Astrid?!" Kulang na lang ay lumuwa ang mga mata niya sa nakikita niya ngayon. Napakagulo ng kusina. Ang kaldero, kawali at iba pang mga gamit pang-kusina ay nagkalat. Tambak ang hugasan. Halos bumaha na ang sahig dahil sa walang humpay na pagtulo ng tubig sa gripo.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa basang sahig, magulong kagamitan at kay Astrid na napakarungis na habang hawak ang isang sandok. Inosente itong nakatingin sa kanya.

"ANONG GINAWA MO?!" Umalingawngaw ang sigaw niya sa buong apartment kasabay ng pagngiyaw ng pusang si Casper.

Sirang-sira na agad ang umaga niya.








"Look at this Gucci Jackie, Hermes and Chanel. They're all good! I can't decide which one will I buy later." Panay ang scroll ni Morrigan sa cellphone niya.

"Looks like you're not grounded anymore. Nice!" komento ni Raven at uminom ng binili niyang shakes.

Sumipsip muna ito sa iniinom na ice coffee bago sumagot sa kaibigan.

"Daddy can't resists her one and only daughter," may pagmamalaking sambit ni Morrigan at napangisi sa kaibigan na si Raven. "He already unfreezed my ATM. I can now buy my favorite clothes and bags, as usual," dagdag pa niya at napatingin sa salamin na bintana ng kinaroroonan nilang fast food chain. Tulad ng nakagawian, katabi niya sa upuan ang alaga niyang beagle dog.

"Halata naman sa mga binili mo, e," naiiling na saad ng kaibigan. Napairap si Morrigan at tiningnan si Raven.

"Ikaw lang itong matipid pero alam ko namang afford mo rin itong mga binibili ko. Ghad, why are you so tipid, Raven? May pinag-iipunan ka ba?" tanong ng dalaga rito pero ngumiti lang si Raven sa kanya.

"I just don't want to waste my money buying things na hindi ko naman masyado ginagamit," paliwanag nito. Napangiwi si Morrigan. Alam niyang mayaman rin ang kaibigan pero hindi gaya niya na sobra ang luho sa katawan. Napakatipid nito pagdating sa pera. Samantalang siya, puro gastos sa material na bagay. Nasanay siyang kung ano ang matipuhan, agad niyang bibilhin.

"Hindi ko tuloy alam kung bakit naging kaibigan kita. Wala man lang tayong pagkakaparehas. Ano ba 'yan," aniya kaya natawa si Raven.

"Meron naman. We're both simply beautiful," simpleng saad nito kay Morrigan. Halatang napaka-down to earth ng dalaga.

"What? Raven we're not simply beautiful. We're elegantly gorgeous. That's it!"

"Fine. We are," pagsuko ni Raven sa dalaga. Kapwa sila humalakhak at nag-apir pa.

"And rich," dugtong ni Morrigan dahilan para mapatingin sa kanya si Raven.

"Nah, don't flex money that much. Mawawala 'yan pero ang mabuting ugali, hindi." Halos magsalubong ang kilay ni Morrigan. Narito na naman ang kaibigan sa words of wisdom. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya matatawag ang friendship nila na 'birds of the same feather, flocks together.'

"Why can't I flex my richness? I can buy everything. As in every things!"

"Really? Even a person?" nanghahamong saad ni Raven kay Morrigan.

"What?" naguguluhang tanong nito.

"Sabi mo kaya mong bilhin ang lahat. Then let's make a bet out of your money," ani Raven na waring may naiisip habang nakahawak sa kanyang baba.

Saktong paglingon ni Morrigan sa labas ay ang pagtunog ng chain ng pintuan kung saan sila naroroon ngayon. Pumasok roon ang nakabusangot na si Claud kasunod ang nakatungong si Astrid. Napataas ang kilay ni Morrigan. Sunod ang tingin niya kina Claud at Astrid na ngayon ay patungo sa direksyon ng comfort room. Kilala niya ang lalaking ito. Matagal na niya itong nakikita sa studio kung saan siya madalas maging model.

"Do you really want to make a bet with me?" nakapangalumbabang tanong ni Morrigan sa kaibigan habang may kakaibang ngisi sa labi. Mukhang may naglalaro nang plano sa utak niya.

"Why not?"

Pareho silang napangisi at napatingin sa dako ni Claud na naghihintay kay Astrid sa tapat ng comfort room.








Halos sumayad na ang nguso ni Claud sa sahig at magkasalubong ang dalawang kilay dahil kanina pa siya nabubwisit sa kasamang si Astrid. Hindi pa nga siya nakaka-get over sa kapalpakang ginawa nito sa apartment niya, ay may panibago na naman. Wala tuloy siyang magawa kundi samahan rito sa loob ng fast food chain at maki-cr ng walang sa oras.
"Bwisit," bulong niya habang nakatitig sa pinto ng comfort room.

"Hoy panget, bilisan mo riyan!" nanggigigil niyang sambit at napasandal sa pader. Napakatagal naman kung umihi nito.

"Hi!" Nagulat siya sa biglaang pagsulpot ng isang babae sa mismong harapan niya. Malapad ang ngisi nito at agad ibinaba ang suot na shades sabay kindat.

Bella Vita heels. Iphone 11. Kate Spade New York bag. Halata sa hitsura nito ang pagiging mayaman. Napaiwas tuloy siya ng tingin. Hindi niya tipo ang mga ganitong babae. Medyo nakaka-intimidate.

"I'm Morrigan by the way. Model ng studio 5. Lagi kitang nakikita roon. You work there as their photographer, right?" masayang bati ni Morrigan kay Claud na nakakunot ang noo dahil inaalala kung saan niya nakita ang dalaga. Mayamaya ay napatango ito.

"Ah, yeah! Medyo familiar ka nga," sambit niya at napasulyap sa dakong pinto ng comfort room.

Napakatagal talaga sa loob ng babaeng iyon.

"By the way,  nice meeting you here. Ahm, may hinihintay ka ba sa loob?" tanong pa ni Morrigan na animo'y matagal na silang magkakilala. Ang totoo naman ay ngayon lamang sila nagkausap.

"A-Ano kasi---"
Nakarinig si Claud ng pag-flash ng toilet at ang pagbukas ng pinto ng mismong comfort room. Tumambad sa kanila si Astrid na pawisan at namumutla. Napangiwi si Claud at hinarap siya.

"Sa wakas, after 123456 years, lumabas ka rin. Nag-labor ka ba ha?" asar na tanong ng binata rito.

"Excuse me? Girlfriend mo?" sabat ni Morrigan na nakataas ang kilay. Sinipat-sipat nito ang hitsura ni Astrid mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng malaking T-shirt na sa tingin niya'y hindi nito pagmamay-ari. Nakasuot rin ito ng tsinelas. Pinigilan niya ang matawa.

"Napakadugyot naman ng isang 'to," bulong niya sa sarili at napatakip ng bibig.

Imbes na sumagot ay hinatak ni Claud si Astrid at hinawakan sa kamay.

"May lakad pa kami. Paalam na muna," wika ng binata at dire-diretsong lumabas ng fast food chain. Naiwang nakanganga si Morrigan sa tapat ng CR. Napalingon siya sa kaibigang si Raven na ngayon ay hagalpak na ng tawa habang hawak ang camera. Nag-thumbs down ito sa kanya. Napamura siya.

"Fuck!" Napapadyak siya sa inis. "How could he treat me like that?"


***

ETHEREAL | COMPLETEDWhere stories live. Discover now