Chapter 34

203 7 2
                                    

Xiera

Isang linggo na ang nakakaraan simula nang mangyari ang incident sa Subic. Walang natagpuang patay pero may isang nawawala. Walang iba kundi si Dayb. Halos galugurin ko na ang buong Pilipinas para lang mahanap sya. Pati manawagan sa TV at radyo nagawa ko na.

Short circuit ang dahilan nang pagsabog sa Subic. Hindi nila magawang makasuhan ang kompanya namin dahil matagal na rin ang sumabog na machine.

"Engr. Rodriguez gusto ka daw po makausap sa kabilang linya" nagising na lamang ako sa mahabang pagkakatulala ko nang marinig ko ang boses ng sekretarya ko.

"Pakisabi busy ako"- malamig kong sambit. Simula nang manyari ang pagsabog sa Subic halos para na akong nawalan ng ganang mamuhay.

"Galing po ito sa pulis"- napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Agad kong kinuha ang hawak hawak nyang telepono.

"Hello?" banggit ko sa kabilang linya.

(Goodafternoon, Ms. Rodriguez mayroon na po kaming tip kong nasaan po si Mr. Vienez)

Sya si PO2 Kino Alvarez, kakilala namin syang pulis kaya sinasabihan nya agad ako ng mga impormasyon. Nakilala ko sya dahil kay Freya.

"Talaga!!"- halos magtatalon ako sa tuwa sa natuklasan ko parang nabuhayan ang loob ko sa sinabi nila.

"Asaan?" hindi na ako makapaghintay. Gustong gusto ko na syang makita. Sa wakas ligtas sya.

(Ma'am sa according po sa nakakita, malapit daw po sa Matain River)

Pagkatapos ko malaman ang eksaktong lugar na kinalalagyan ni Dayb ibinaba ko na ang telepono. Agad kong kinuha ang bag ko at naglakad ng palabas.

"Ma'am! Ma'am!" habol sakin ng sekretarya ko. Nilingunan ko sya upang mabilisan malaman ang nais nya.

"May meeting po kayo—" bago nya pa matuloy ang sasabihin nya pinutol ko na ito.

"Cancel all my meeting for this week! I need vacation!" hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nya. Tuluyan na akong naglakad papunta sa nakaparada kong kotse.

Wala ka nang kawala sakin Dayb! I'll make sure to win you this time.

Higit dalawang oras din ang byahe papunta sa sinasabi nilang Matain River. Sana si Dayb ang tinutukoy ni Kino.

Pero ba't ganun ang lakas ng kutok ko na si Dayb 'yon. Teka—ano sasabihin ko kay Dayb?

"Hi Dayb ako 'to si Xiera"

para akong tanga na nagprapractice sa loob ng sasakyan ko. Hindi ko maitago ang saya at excitement na nararamdaman ko. Paano pag talaga ngang sya 'yon? yayakapin ko ba sya agad o hahalikan?

Ay no—hindi pwede baka isipin nya halos mamatay ako sa pag-aalala pero totoo naman. Sobrang mamatay ako sa pag-alala sakanya. Hindi ko nga magawang kumain at magtrabaho kakaisip kong asaan sya at kung ayos lang ba sya.

Padilim na nang makarating ako sa Subic agad akong nagtungo sa sinasabing ilog ni Kino. Bago makarating sa ilog mayroong mga kabahayan muna akong madadaanan.

"Asan ba 'yon?"- pilit kong hinahanap ang lugar na sinasabi nang address na ibinigay ni Kino. Kanina pa ako palinga-linga pero ni kahit anong sign nang block at lot wala akong makita. Mabuti na lamang may lumabas na babae sakanyang bahay. May hawak hawak itong walis tingting siguro'y magwawalis sya sa harap ng bahay nila.

Nakakapagtaka lang bakit sya magwawalis sa gabi.

"Excuse me po" tawag ko sa atensyon nito. Tinignan muna ako nito mula ulo at paa hanggang sa tuluyan na akong harapin.

Dream College Series #1: The Stars after the RainWhere stories live. Discover now