Chapter 29

240 9 15
                                    

Xeira's POV.

Pagkatapos namin icheck ni William ang mga computers, sumunod na kami kay Dayb na nauna ng naglakad samin. Siniko naman ako ni William dahilan para samaan ko sya ng tingin. Aba namumuro na sya sa paniniko. Pag-ako nagkapasa nito. Bubugbogin ko talaga sya mga bente.

"Ano 'yun Xei? Nakita ko 'yun ah!"- pang-aasar nya lalo, inirapan ko lang sya. Hindi ko na pinansin pa ang sinabi nya. Ano 'bang ipapaliwanag ko? Eh hindi 'rin naman sya maniniwala. Nag-aaksaya lang ako ng laway.

"Kaya pala nag-high heels ka"- sinusundot nya ang tagiliran ko dahilan para mapaiwas ako. Bwesit talaga 'to!

"Epal ka 'nuh. Ipapahamak ko pa sarili ko para lang mafall uli no way!"

teka-- parang mali yung sinabi ko? Nanlaki ang mata ko ng marealize ko ang sinabi ko.

"Ipapahamak ko pa ang sarili ko para lang mafall ako uli"- ulit ni William sa sinabi ko. Sabay lagay ng kamay nya sa baba nya at umaaktong nagiisip saka ito tuluyang humarap sakin. Kinabahan tuloy ako sana iba maisip nya. Huhu! ano ba kasi 'tong bibig ko.

"Pasmado ata bibig mo, Xei nadulas agad HAHAHAHA"- napahalgapak sya ng tawa. Nakahawak pa sa tyan ang tanga. Tumigil lang sya sa pang-aasar ng mapansin namin nasa labas na kami ng port kung nasaan ilalagay ang scanner na machine na gawa ng company namin.

"Mamaya na kita asarin, mukhang magagalit bebe mo kakatakot!"- agad syang lumayo sakin. Kumuha si William ng dalawang hard hat para sa'kin siguro 'yung isa. Kanino pa kaya?

"Xei, ohh"- abot sakin ni William ng hard hat aabutin ko na sana ng may magsuot na sa ulo ko mula sa likuran. Gosh! Sino 'yun?

"Wear this"- malalim na boses na sabi ng lalaking nasa likuran ko. Gulat na gulat ako ng marealize ko kung sino. Sht! aatakihin ata ako sa puso. Nagkatinginan kami ni William ng ilang minuto na para bang nag-uusap ang mga mata namin. Nginuso nya naman ang nasa likuran ko kaya unti unti akong tumalikod. Gulat na gulat kong tinignan ang seryosong mukha ni Dayb pero hindi nya 'yun pinansin at dire-diretsong naglakad papunta sa mga nag-rereceived ng mag cargo containers.

"Sabi ko nga ibabalik ko na 'to"- narinig kong sabi ni William sa likuran pero nanatili akong nakatulala. Myghad! What was that?

Bakit nya ako nilagyan ng hard hat? Nakita nya naman si William na nasa harapan ko na nag-aabot ng hard hat sakin.

Maghunos dili ka Xeira, It's part of the work. Wag ka mag-asshume. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nakaka-inis pa dumadagdag pa 'tong pisteng puso ko.

Sumunod agad ako kay William na ngayon nagsusukat na kung saan ilalagay ang machine.

"Xei, 7 meters width"- agad ko naman sinulat ang sinabi nya. Napansin kong nakatingin sakin si Dayb.

*dugdugdugdug*

Ano 'ba puso maghunos dili ka! Pigilan mo ang tahong mo! Alam kong ilang taon ka nang di pa nakakalangoy kaya please makisama ka.

"Xei nakikinig kaba?"- nagising ako sa malalim na iniisip ko ng tawagin ako ni William. Sht! nakatulala pala ako.

"huh?"

"Sabi ko, 7 meters ba't 7 inch sinulat mo?"- nakunot noo ko syang tinignan saka ibinaling ang tingin ko sa papel na sinulatan ko. Sht! Ba't 7 inch nasulat ko?

"Wag mong sabihin hindi width ang tinutukoy mo d'yan baka yung anaconda ni—"

hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nya ng takpan ko na ang bunganga nya. Bwesit na William 'to! Ipapahamak pa ako!

Dream College Series #1: The Stars after the RainOù les histoires vivent. Découvrez maintenant