Chapter 25

232 11 2
                                    

Read at your own risk. R+18 There are some scene that are not suitable to the reader under 18 please do skip this part of you're minor. Ty :)

--🌸

Xeira's POV.

Matagal tagal na 'rin simula ng umalis kami ni Dayb. Mag-iisang buwan na 'rin. Ang galing nga eh, sakto sa birthday nya ang monthsarry namin. Kaya naman todo handa ako. Sa almost isang buwan namin magkasama ni Dayb, walang nagbago sakanya. Sweet pa 'din tapos napa-caring. Walang araw na 'di dumaan hindi nya ako inaupdate sa mga nangyayari sakanya.

"Saan ka pupunta?"- takang tanong ni Freya sakin, habang naka-crossed arms sa sofa. Hindi ko ata sya napansin sht!

"Ah-- ehh, aalis hehe wag ka maingay sakanila ah babyeee!"- hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nya. Umalis na ako agad bago pa ako maabutan nila Karyl. Maaga pa kasi umalis na ako. Yari na naman ako neto. Bukod sa wala silang kaalam alam sa nangyayari sakin. Tumatakas pa ako ng apartment. Well, sila din naman ang dami nilang tinatago sakin.

May klase ngayon, pero birthday ni Dayb kaya di mo na ako papasok. Dumaan muna ako sa red ribbon para bumili ng cake. May dala dala na 'rin akong pangdesign kaya di na hassle bumili. Panigurado wala si Dayb ngayon sa condo nya. May klase kaya 'yun.

To Dayb_onme

Dayb ko, 'di ako makakapasok sa school masakit puson ko eh. Take down notes mo nalang ako. Iloveyouuu

Mabuti na lang binigay nya sakin ang susi ng condo nya. Pagkapasok ko agad sa condo tumambad sakin ang malinis na loob. Sht, lalaki paba 'to? ako kasi makalat akong babae eh. Ewan ko dito, di na ako mahihirapan pa. Agad akong pumunta sa kusina para ilagay sa ref ang cake saka ako nag-ayos na ng mga ipandedesign ko sa kwarto nya.

Alam ko favorite nya ang red, since laging red ang tshirt na suot nya. Di na 'rin ako mahihirapan pa isurprise sya since mukhang nasa school talaga sya.

From Dayb_onme

Sige Ms. Seksi ko ingat ka mwaps, puntahan ba kita?

Sht! baka sa apartment 'yun pumunta. Dali dali akong nagtype.

To Dayb_onme

No, umuwi ka lang agad. Di naman masyado masakit.

I don't know kung may idea ba sya na alam kong bday nya. Mabuti na lang 'di na sya nagtanong pa ng kung ano ano. Dayb will be surprise once naabutan nya 'to. I'll hope maging masaya sya.

It was almost 10 am ng matapos ako magdecorate sa kwarto nya. Medyo natagalan ako dahil di ko abot 'yung kisame. Agad akong pumunta sa kusina pagtapos. Inilapag ko sa may kitchen sink ang mga pinamili kong ingredients. Hindi na ako nahirapan pang mag-cut at maghugas, may experience naman ako sa pagluluto kaya wala kayong dapat ikabahala.

Simple lang naman niluto ko. I will cook palabok instead of spaggettie. Dayb likes palabok more than any other pansit dish. He also prepared, na more on rice foods than mga pambata na party. Kaya heto, I'm trying to cook laing since ayun 'yung favorite na gulay nya. Medyo natatakot lang ako lutuin 'to, I have no experience kasi sa mga gulay duh. I don't even know how to cut the gabi huhu. Paano 'to? Mabuti na lang youtube exist.

Nagsimula na ako mag-hiwa ng sibuyas, bawang at ang mga karne. I also seperate the noodles ng palabok at pinakulaan na ito para mas mabilis lumambot. I saute the garlic, then onions after mag-golden brown I add the groundmeat then halo-halo. I seasoned it with magic sarap saka paminta tapos hola! I'll add the asuete sauce na then wait to be thicken.

Habang hinihintay ko kumulo, I search sa google how to cook laing. This wasn't easy guys, tahimik lang akong nanood. Every steps I'll pause it para gayahin. I have no other choice kundi magtiwala sa youtube. Thanks God, that medyo successfully ang pagkakaluto ko. I'll hope hindi makati sa lalamunan yung gabi. Huhuhu.

Dream College Series #1: The Stars after the RainWhere stories live. Discover now