Chapter 2

567 42 11
                                    

Xeira

I open my eyes wide hmm ba't kulay puti na ang kisame ng kwarto ko? sa pagkaka-alala ko kulay pink iyon. Hindi kaya nasa kwarto ako ni Nessy nakatulog?

ay! oo nga baka nga—OMG! Nag-bar kami nila Nessy kagabi at niyaya nya akong sumayaw sa dance floor pagkatapos 'nun?

Sh*t! Ang sakit ng ulo ko. Ganun ba karami ang nainom ko?

Teka—Ano bang nangyari? ba't wala na akong maalala? Hindi ko na matandaan kung ano nang sumunod doon.

Napabangon ako sa higaan at pilit na inaalala ang mga nangyari pero kahit anong pilit ko mas lalo lang sumasakit ang ulo ko. Ganun ba karami ang nainom ko kagabi? Mababa lang naman kasi ang alcohol tolerance ko kaya madali lang ako malasing. Napansin ko na parang may nakatingin sa akin kaya naman hinanap ko agad ang presensyang 'yun.

Tumambad sakin ang lalaking nakacrossed arms sa harapan ko. Nakataas ng kaliwang kilay nitong at nakatingin sa 'kin.

Sino sya? Apartment Cleaner ba namin sya? Ba't parang ang matso naman.

Halos mapatalon ako sa gulat nang marealize ko na may lalaki sa kwarto ko. Ghad! Sino sya?

Wait—Ba't sya nasa kwarto ko?

"Who are you? Why are you here in my room" sigaw ko sakanya napatakip na lamang ako sa kumot. Omyghad, Pinagsamantalahan nya ba ako?

wait uli—teka! bakit kulay black ang kumot? I don't like black kaya impossible na pagmamay-ari ko ito. Iniikot ko ang paningin ko sa paligid at laking gulat ko nang marealize ko na wala ako sa apartment namin! Walang kahit anong kwarto sa apartment namin na ganito ang style at design.

OMG WHERE ON EARTH I AM?

Agad kong tinignan ang damit ko kung kompleto ba at gladly they are completed except! Except for my Bra!—Hell no!

Tinignan ko uli ang lalaking nasa harapan ko na punong puno ng amusement ang mga mata.

"W-what did you do to me?" nanginginig kong tanong sakanya habang yakap-yakap pa rin ang kumot, itinaas nya lamang ang kilay nya na parang 'di makapaniwala sa sinasabi ko.

"Wala akong ginawa" kalmado nyang sagot, unti-unti syang naglakad papunta sa akin. Shet! What will he gonna do!?

"Don't you ever go near me!" bago pa sya tuluyang makalapit pinagbantaan ko na sya. Siraulo 'to! sinong nagsabi sakanya na dalhin nya ako sa condo nya. Don't tell me hindi ko na naman nakontrol sarili ko kagabi? Nadala na naman ba ako sa mala-matso nyang katawan. OMG! No No!

"Wag kang lalapit! Sinasabi ko sayo kakasuhan kita!" pananakot ko pero imbis na matakot sya tinawanan lang ako.

"Wag ka sabing lalapit! Marami akong kilalang abogado"

"Be it! Call your lawyer then" nakangisi nyang sabi na para bang hinahamon pa ako. Tuloy-tuloy pa rin sya sa paglalakad palapit sa 'kin.

"Di ka ba natatakot!? I swear I'm gonna put you in jail!" sigaw ko sakanya pero 'di ata natinag ang mokong. Mas lalo lang lumawak ang ngisi nya. Baliw na ba sya!?

"Wala naman akong ginawang masama sa'yo so bakit ako matatakot?" nakataas na kilay nitong sabi. Palapit sya ng palapit sakin hanggang sa kaunti na lamang ang pagitan namin sa isa't isa. Napapikit na lamang ako sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Kinakabahan ako baka kung anong gawin sakin ng lalaking 'to

Help! Mama tulungan mo ko!

"Then w-why" nanginginig kong sabi. Akala ko matitinag na sya at lalayuan na ako pero hindi mas lalo syang lumapit sakin. Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang nasa harapan ko na sya mga 20 cm nalang layo naming dalawa.

Dream College Series #1: The Stars after the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon