Chapter 22

213 11 8
                                    

Xiera

Pagkatapos ko bumili ng kandila bumalik na ako agad sa puntod ng lola n'ya. The way he loo papano n'ya tignan ang puntod ng lola nya mukhang fresh na fresh pa sakanya lahat ng sakit. Hinayaan ko lang sya at umupo 'din sa gilid nya. Sinimulan ko ng sindihan ang kandila at itirik 'yun. Nang matapos ako, pinunasan nya na ang mata nya mukhang hindi nya napigilan umiyak. Ngumiti lang ako ng malungkot para ipakita sakanya na na nakikiramay ako.

"Tara na uwi na tayo"- yaya nya sa'kin tumango lang ako. Nagpaalam muna kami bago umalis.

Buong byahe tahimik lang si Dayb, hindi ko naman sya ginulo. Naiintindihan ko kung bakit may malalim syang iniisip. Kakamatay lang ng lola nya. Kaya malamang sinong tao ang 'di malulungkot 'dun.

"Dito na tayo"- nawala ang malalim na iniisip ko ng magsalita sya. Mukhang ako ata ang may malalim na iniisip dahil hindi ko napansin ibang ruta ang dinaanan namin at ibang bahay 'din ang binabaan namin. Seriously? san na naman ako dinala nito?

Bago pa ako magreact hinila na nya ako papasok sa isang malaking bahay. Tumambad sa'kin ang dalawang nasa 40's age na babae at lalaki. Mukhang ito ang nanay at tatay nya.

"Oh, Gabrielle andito kana pala--teka sino 'yang kasama mo?"

Base sa mukha nya sya ang nanay ni Dayb, medyo may pagkakahawig silang dalawa lalo na 'yung mata nila at hugis ng mukha. Gulat na gulat 'din akong tinignan ng tatay nya na pinagmanahan nya ng matangos na ilong at labi.

teka-- hindi lang pala silang dalawa ang nakatira 'rito dahil saktong pagsalita ng kanyang ina ay ang pagbungad 'din sa'min ng lima--no sampo kasama ang bagong rating galing sa kabilang bahay.

Teka-- buong angkan nya ba nakatira 'rito?

"Goodafternoon po"- bahagya akong napabow, saka ko iniabot ang mga kamay nila upang magmano. Sht! ano 'ba 'tong pinasok ko.

"Maupo ka muna"-pag-aalok ng mama ni Dayb sa'kin.

"Salamat po"- umupo kaagad ako sa upuan na inalok nya. Ba't ako kinakabahan shet! Nagpaalam na kukuha ng meryenda ang mama ni Dayb samantalang ako naiwan 'rito sa may upuan na puno ng kaba. Paano 'ba naman parang halos lahat sila ako ang pinag-uusapan.

"Bagong girlfriend na naman ni Dayb?"- rinig kong bulong ng babae, medyo bata pa 'to kaya 'di mo sya mapapagkamalan nanay ni Dayb. Baka kapatid nyang nakakatanda.

"Kaklase ka 'ba nya?"- Nagulat na lamang ako ng lumapit ang isang babae medyo may katandaan lang 'dun sa bumulong kanina.

"Opo"- kung pwede lang tumakbo nalang at umuwi ginawa 'ko na kaso 'di ko alam pano umuwi.

Lumapit 'rin ng kaunti 'yung bumulong kanina.

"Ay nako wag kang papaloko 'dyan kay Dayb ah. Babaero 'yan"

Alam ko 'po never ako magpapaloko 'dyan duh! Asa pa sya. Over my dead hot body no way!

Nginitian ko lang sya bilang tugon. Dumating na 'rin ang mama nya may dala dalang softdrinks at tinapay samantalang sya nagkakamkt ng batok. Nakabihis na 'rin sya ng pambahay.

"Hoy, ano sinabi mo kay Xi?"-tanong nya agad sa kay ateng maputi na maganda.

"Wala sinabi 'ko lang magingat sya sayo"- inirapan nya si Dayb saka naglakad papasok ng bahay nila.

"Wag mong pansinin sinabi ni Ate Ana. Anyway, Pinsan ko lahat 'yan tapos 'yung mga binlessed mo na matatanda mga tita at tito ko 'yun"

"Di mo naman sinabi na ipapakilala mo 'ko sa buong angkan mo"- tumawa lang sya ng malakas saka ginulo ang buhok ko. Inis ko syang tinignan pero agad 'yun nawala ng bumalik na ang mama nya at umupo sa harapan 'ko.

Dream College Series #1: The Stars after the RainOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz