Chapter 33

193 9 1
                                    

Dayb

The moment she said yes to me. That's the moment where I feel the happiness I'm waiting for. Kumain kami sa mga cheap fastfood and karenderya pero ni isang reklamo wala akong narinig sakanya.

She's different to Aubrey. Si Aubrey na iniwan ako kahit kailan nya gusto. At babalikan nya kahit kailan nya maisipan. Xiera trust me so much. I don't know what to do if ever masira ko ang trust na 'yon. She trust me kahit na wala naman mapapagmalaki sakin. Sino ba naman ako?

Isang lalaking tamad mag-aral. Hindi ko nga magawang magsulat ng lesson namin. But she accept who I am.

It was my birthday ng hinihintay ko na batiin nya ako. I never told her about my birthday gusto ko kasi sya mismo ang makaalam. I expect her to be the first one who will greet me and celebrate with me.

Hindi ko naman magawang umuwi sa bahay dahil may exam kami ngayon sa Customs. 3 oclock pm nang matapos ang klase namin. Nag-aya agad sila Clyde at Ken na magbar since birthday ko nga naman daw. I tried to invite Xiera pero ayoko naman syang pilitin lalo na may sakit sya.

Hindi ko rin kayang tangihan sila Clyde since matagal ko na silang kaibigan.

"Ba't di mo kasama si Nicole?"- tanong ko kay Clyde, napalagok sya sa iniinom nyang beer saka iniwasan ang tanong ko.

"Huli kana sa balita. Break na sila"- tumatawang sabi ni Kenneth. Hindi ako makapaniwala na break na naman sila. Siguro next week sila na naman. Ganyan naman kasi ang dalawa. On and off.

"Pare, tignan mo may chicks!"- sigaw ni Kenneth, marami rami na rin kaming nainom. Nakalimutan ko na 'rin ichat pa si Xeira.

Hinila kami ni Kenneth papunta sa unahan ng dance floor. Wala naman sigurong masama kung sasayaw ako? I'm drunk yes, pero kaya ko pang tumayo.

"Hoy! Is that you Aubrey!!? Ang ex-girlfriend ni Dylon!"- lasing na sabi ni Kenneth. Tumatawa nyang inaalala ang babaeng nasa harapan namin saka nya ako pinaghahampas.

"Oo nga ikaw nga!! Dayb ang galing! Sinusundo kana agad!"- sigaw ni Ken, hindi ko alam pero siguro dala na rin ng kalasingan kaya pasuray suray na kami sa dance floor. Hindi na rin makapagisip ng tama ang utak ko.

"At sino 'yang magandang binibini na nasa gilid mo Aubrey?"- napailing na lamang kami Clyde sa sinabi ni Kenneth. Lahat naman sakanya maganda.

Bukod kasi kay Aubrey, may kasama itong babae. Namumukhaan ko sya pero hindi ko matandaan kung saan.

"Hi"- nahihiyang sambit ng babae. Ngumiti lamang ako saka nilagok ang huling baso ng beer. Naglakad na kami papunta sa table namin ng magpaalam na akong uuwi.

"G-guys *hik* uwi na ako hinihintay na ako ni X-xeira"

Akmang aalis na ako ng hawakan ako ni Aubrey sa braso ko. "Ano ba 'yon?"- inis kong sabi. "Hindi mo ba kami sasamahan?"- hindi ko alam pero biglang nagiba ang paningin ko. Mas lalo akong nahilo. Nagsimula na din dumoble ang paningin ko.

"Xiera?"- tawag ko sa babaeng nasa harapan ko. Ilang beses ko kinurap ang mata ko para makompirma na si Xiera nga ang nasa harap ko.

"Ikaw nga! Paano ka napunta dito? *hik* miss mo naba ako agad?"- lasing na sabi ko habang niyayakap ang babaeng nasa harapan ko.

"Happy birthday, Dylon"- sa wakas, narinig ko na din mula sakanya ang nais ko marinig. Walang pasabi ko itong hinalikan hanggang sa mawalan kami ng hininga.

Hinanap ko sa paligid namin sila Clyde, Kenneth, Aubrey at ang babaeng kasama namin kanina ngunit wala na sila roon. Nagulat na lamang ako ng hilain ako ni Xiera sa isang VIP Room.

Dream College Series #1: The Stars after the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon