Chapter 7

296 26 2
                                    

Xeira

Nagising ako sa maingay na pag-aaway sa labas ng kwarto ko. Mukhang sila Nessy at Jia ang nag-aaway. Ano naman kaya ang pinag-aawayan nila? At sa dis-oras ng gabi? For Godness sake it's just 2 o'clock in the morning.

"Tangina naman Jia, Ano ba pinapadala satin?"

"Ewan ko damit lang naalala ko"

"Taenang yan!" I heard Nessy sighed out of frustration. Hindi ba sila umuwi kagabi? Unti-unti kong binuksan ang pintuan ko. Wala sila sa living room. Galing sa kwarto ni Freya ang ingay. Ano naman ginagawa nila doon? Maingat akong humakbang papunta sa silid ni Freya mabuti nalamang lampshade lang ang tanging ilaw na nagliliwanag sa silid. Nakaawang ng kaunti ang silid kaya naaninag ko silang nagkakalkal sa loob ng aparador ni Freya at inilalagay iyon sa loob ng bag.

Naapakan ko ang pooms pooms ni Freya dahilan para maglikha ako ng ingay.

"Oh Fvck! Ano yun?" takot na takot na sambit ni Jia, tinawanan lang sya ni Nessy saka inasar.

"Taena, laki laki mo na nagpapaniwala ka pa rin sa multo"

Sa ikalawang hakbang naapakan ko na naman ang isang bagay. Sht!

"Oh God! Nessy hindi 'yun basta basta" napabitaw na si Jia sa mga damit na tinutupi nya.

"Para naman 'tong bakla. Daga lang yun" patuloy pa rin nagiimpake si Nessy ng seryoso. Hmmm May naisip akong kalokohan.

"awoooo~ sino yang kasama nyo?" pag-aacting ko ginagaya ko yung boses nung bata sa isang movie.

"Aaaaaaaah!" hiyaw nilang dalawa, pabulong akong tumawa hanggang sa di ko na napigilan. Napatigil ako ng matamaan ako ng lumilipad na hanger. Wtf!

"ARAY!" hiyaw ko sakanila ng matamaan ako sa noo.

"Put*ngina mo! XEIRA! I SWEAR TO GOD! PAG NAMATAY AKO IKAW MUMULTUHIN KO" galit na galit na sigaw ni Jia, pero imbis na matakot ako tumawa lang ako ng napakalakas.

"Ako? matatakot sa kaluluwa mo?" pang-aasar ko sakanya, binato nya naman ako ng lumilipad na unan na naiwasan ko kaagad.

"Tanga Jia, di 'yan matatakot sa kaluluwa mo mas matatakot yan sa lumilipad na talong" walang preno na sabi ni Nessy, nakakainis talaga 'tong babaeng 'to. Kahit kailan ang bunganga nya puro kabastusan lang ang nilalabas.

"Nakakainis ka Nessy!"

"Nakakainis ka Nessy!" she mocked me.

"Bakit nyo pinapakilaman gamit ni Freya?" tanong ko na ikinatigil nila, agad silang umiwas ng tingin.

"Wala lang" Nessy said, pinalo sya ni Jia na para bang may mali itong sinabi.

"Xeira san ka natulog kagabi?" diretsong tanong ni Nessy habang abala pa rin sa pagiimpake. Para akong naputulan ng dila sa narinig ko. Umiwas ako ng tingin ayokong saguting ang katanungan nila.

"Ah w-wala naligaw lang ako"

"Kala ko ba kabisado mo na ang room number natin"

"Nakalimutan ko eh" pagpapalusot ko.

"Tama na 'yan tara na!" yaya ni Jia kay Nessy. Tumango naman ito at binuhat ang bag na hawak hawak nya.

"San kayo pupunta sama ako"

"Dito kalang bantayan mo ang apartment wag kang magpapasok. Rule number 1 and 2 baka nakakalimutan mo" pagpapaala nya sa akin tumango lang ako kahit na nagtataka bakit sila aalis.

"Asan sila?" tanong ko pero iniwasan lang ni Nessy ang tanong ko.

"I lock mo palagi ang pinto pag-aalis o matutulog. May dala naman kaming susi" tumango lang ako para tuloy akong bata na pinagbibilinan ng nanay na wag lalabas ng bahay or wag kakausap sa stranger. Magtatanong pa sana ako ng pigilan na ako ni Nessy.

Dream College Series #1: The Stars after the RainWhere stories live. Discover now