Chapter 18

245 11 6
                                    

Xiera

Medyo tumila na rin ang ulan. Mga patak-patak nalang ang natitira kaya napag-isipan namin na lusungin na ang ulan papunta sa sakayan ng Jeep.

"Wala kabang dalang sasakyan?" tanong ko sakanya habang lumulusong kami sa baha. Madalas kasing may dala 'tong sasakyang ewan ko nalang bakit ngayon wala. Masyado rin kasing mababa ang lugar ng West College kaya bahain dito.

Napakamot sya sa ulo nya saka ako sinagot sa tanong ko.

"Sa bahay kasi ako umuwi kanina," sagot nito

So ibig sabihin, sa mismong pamilya n'ya sya umuwi at hindi sa condo nya. Napatango na lamang ako.

"Ba't ganun pag-kasama kita umuulan, may balat ka ba sa pwet?" natatawang tanong nya sa 'kin. Wala akong balak sa pwet 'noh. Siraulo 'to!

Hindi ko alam kung malas ako pero siguro malas nga ko kasi nasa harapan ko 'tong kutong lupang 'to.

"Wala pero may sumpa akong dala," nakangisi kong sambit

"Oo nga, sumpa ata kita pero mas gusto ko kung isusumpa ka sakin habang buhay" ani ni Dayb na mukhang banat, kung sya kaya banatan ko. Kala mo naman kikiligin ako. 'Di nuh, Ewww! Umakto akong naduduwal at nandidiri sa kanya samatalang sundot-sundot n'ya naman ang tagiliran ko. Na mas ikanalayo ko sa kanya. Wow! Feeling close lang?

"Ayieeee, kilig sya" asar na naman ng kutong lupa. Inirapan ko lang s'ya, ako, kikiligin asa pa sya. Mauna ng kiligin mga ninuno ko pero ako? over my dead hot gorgeous body. No way!

"Napanood mo ba laro ko kanina. Naka-tres ako doon!" pagmamalaki nya habang ipinipwestong magshoot ng bola ang kamay nya.

Baka kamo ibang shoot ang sinasabi nya. Shoot sa likod sus! Para namang 'di ko alam na iba ang binabasketball nya kundi makipagharutan kay Aubrey.

"Bangko ka pa rin," pang-aasar ko, sumimangot naman sya.

"Ba't mo ba sinasabing bangko ako? kulang nalang sabihin mong water boy rin ako," parang bata nyang sabi, pinandilatan ko lang sya ng mata.

"Di ba dapat magpasalamat ka nalang at 'di waterboy ang tawag ko sa'yo. Atleast member ka pa rin ng so called varsity ng school kahit best in seating lang naman ambag mo," pang-aasar ko lalo. Mukhang naman talaga syang naasar sa sinabi ko.

Kasalanan ko bang nagsasabi lang ako ng totoo. Ano bang tawag sakanya since almost kalahati ng game nakaupo lang naman s'ya. Kumbaga palagi sya 'yung reserve player.

Hindi ko napansin na nasa harapan na pala ako ng sakayan ng jeep. Tinapunan ko ng tingin si Dayb na bahagyang nakayuko. Mukhang na offend ko sya sa sinabi ko.

"Ahhm-"

Bahagya syang umangat ng tingin at ngumiti sa 'kin na para bang walang nangyari at 'di ko sya nilait.

"Mag-iingat ka ah, kita tayo bukas"

Ginulo nya ang buhok ko saka sya tumakbo papunta sa kabilang sakayan. Teka-taga Cavite ba sya? Doon sakayan kasi sya sumakay. Siguro Cavite ang totoong bahay nya. Napailing nalang ako sa isip ko saka ako sumakay sa susunod na jeep.

"Buti naman naisipan mo pang umuwi?" bungad agad sa 'kin ni Mama sa harapan ng gate. May hawak hawak pa syang sandok mukhang nagluluto sya.

"Mama naman, alam mo naman malapit na midterm namin," dumiretso na akong pumasok sa gate hindi ko na hinintay pang papasukin nya ako. Agad kong hinanap si Xeidon, ang nakakabata kong kapatid. Nag-iisa kong kapatid kaya naman binababy namin ni Mama.

"Hoy, yung mga gamit mo iligpit mo!" sigaw ni mama mula sa likuran ko. Ganyan talaga sya parang speaker palagi. Kaya nga lumayo ako ng bahay dahil palaging may World War III. Kilala ako bilang isang pinakadugyot na babae. Kung saan ko ilalapag 'dun nalang 'yun. Hindi ako yung babaeng maayos sa damit at gamit kaya naman galit na galit sa 'kin palagi si Mama.

Dream College Series #1: The Stars after the RainWhere stories live. Discover now