Chapter 1

1K 45 17
                                    

Xeira

"Tignan mo yung Naka-jersey number 27 ang pogi nya!" nagsisigaw at nagtatalon na sabi ni Freya sa akin. Umayos naman ako ng upo sa bench para makita ko nang maayos ang mga naglalaro sa court at ang lalaking tinuturo ni Freya.

Hindi naman ganun kagwapuhan ang tinutukoy nya. Kala ko pa naman pogi na may complete package ng abs! Olats pala katulad ng shoot nya. Pinanood ko lang ang bawat galaw ng crush ni Freya pero di ako nagagalingan, ni hindi nga sya pinapasahan ng mga kasama nya.

I feel pity for him taga-hagis lang sya tapos sasaluhin ng kakampi at sila na ang bahalang magshoot. Pagmagtitime-out naman at may ipapalit sya agad ang papalitan. Kung may taong bangko baka sya na 'yun.

"Go Western College! Go Go Go! Fight Fight!" walanghiyang sigaw ni Freya, napailing na lamang ako sa kawalang-hiyaan nitong kaibigan ko. Wala naman akong magagawa kundi suportahan sya at samahan dito. Kakatapos lang kasi ng performance nila bilang isang cheerleading squad.

This is not an UAAP hindi naman kasi kami University para sumali sa ganun. We're not kasing yaman ng mga nag-aaral sa UST, FEU, Ateneo etc. Sakto lang para sa 60K na tuition per year. Unlike sa mga universities na almost 200K ang tuition mamamatay ka muna bago ka yumaman.

"Nanalo sila, Xeira! Nanalo sila!" nagtatalon sya sa harapan ko habang iniuuyog ang magkabila kong braso. Dyusko! halos kumalas ang buto-buto ko sa pinag gagawa nya.

"Napaka-OA Freya!" saway ko sakanya hindi nya iyon pinansin at patuloy na kinikilig sa mga players na nagpupunas ng mga abs nila.

Kapansin-pansin si jersey 27 na mukhang malungkot kahit na nanalo sila. Siguro dahil hindi nya ginawa ang best nya. Well, he deserve it ba't kasi umupo lang sya d'yan.

"Ang galing nila George 'no?" tukoy nya sa Captain ng team hanggang sa pag-uwi walang ibang bukambibig si Freya kundi ang mga yummy na basketball player.

"Oo na kanina mo pa kaya sila kini-kwento." ani ko sabay inirapan ko sya nasa harapan na kami ng apartment namin kaya naman natahimik kami agad. Nagkatinginan kami ni Freya na para bang nag-uusap.

Pasimple namin binuksan ang pintuan na parang magnanakaw. Sinigurado ko na walang ingay na malilikha ang pagpihit ko. It's almost 10 pm na kasi at panigurado papagalitan kami pagnalaman nila na gabi na kami umuwi. We have curfew hours sa apartment kaya kailangan magpaalam muna kami kaso busy na si Freya humarot sa court ayon nagkalimutan na.

Para kaming kriminal na pumasok sa apartment, iningatan namin ang bawat hakbang na hindi makakalikha ng ingay.

"At sa tingin nyo hindi namin kayo mahuhuli?"- gulat na gulat kami ng biglang magbukas ang ilaw sa sala. Tumambad sa 'min ang nakacrossed arms na sila Karyl, Yesha, Nessy at Jia.

Shet! We're in big trouble. Akmang tatakbo na kami papunta sa kanya-kanyang room namin ng harangan kami ni Jia. Ngumisi lang sya sa amin para mas-asarin kami.

"San kayo galing?" mataray na tanong ni Karyl inirapan ko lang sya para makalusot pero mukhang malabo 'yun dahil hinarangan ni Yesha ang pintuan ng kwarto ko.

Si Nessy naman ang nakaharang sa kwarto ni Freya kaya no choice kami kundi umupo nalang sa couch para magpaliwanag.

"Eh kasi si Freya niyaya ako manood ng game" turo ko kay Freya, inirapan lang nya ako.

"Taksil!" Freya rolled her eyes parang di makapaniwala na nilaglag ko sya.
Sorry my friend, I need to save my self.

"May mga abs ba roon? ba't di kayo nagsama?" malanding tanong ni Nessy, hays sa lahat ata ng kaibigan ko sya ang abs oriented. Kumbaga abs lang sapat na.

Dream College Series #1: The Stars after the RainWhere stories live. Discover now