20 Date

9 0 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas simula nang maging kami ni Jae at hindi pa rin ako makamove on. Kinikilig pa rin talaga ako.

"Pres, mukha kang tanga," Sabi ni Alyssa. Nakita ko namang siniko ni Maurine si Alyssa. Matagal na palang member ng club si Maurine. Nauna lang na sumali sina Jae at Yohan. Hindi ko lang napansin kasi marami akong ginagawa. Nang ipakilala siya sa amin ni Jil ay nalaman ko rin kay Alyssa na member siya ng club namin.

"Huwag mo ngang sabihan ng ganiyan ang president ng club natin," Sabi nito kay Alyssa.

"Don't worry Mau, sanay na ako kay Alyssa. Ang sama ng lumalabas sa bibig niyan," Pang-aasar ko at tinawanan naman ni Mau si Alyssa. Napabusangot naman ang huli dahil sa pang-aasar.

Lalo kaming natawa ni Mau sa itsura ni Aly.

"Kayo ha! Pinagtutulungan niyo ako!" Pagmamaktol nito.

"EREN!" Nagulat naman kami nang marinig namin ang sigaw ni Yohan habang papasok ito sa loob ng office.

"Kailangan mong sumigaw?" Tanong ko.

"OO! BAKIT!?" Sabi nito at sumigaw na naman. Nagulat naman kami kasi bigla itong binatukan ni Alyssa.

"Problema mo? BAKIT MO SINISIGAWAN SI EREN?" Sabi ni Alyssa at nagbangayan na naman sila hanggang sa dumating sina Jae at Jil kasama sina Camila at Brian.

"Nag-aaway na naman kayo?" Tanong ni Brian kay Yohan.

"Eh siya naman nauna eh!" Sabi ni Yohan sabay turo kay Aly.

"Excuse me? Nagreact lang ako kasi sinigawan mo si Eren!" Sabi ni Aly. Magsasalita sana si Yohan nang magsalita bigla si Jae.

"Sinigawan mo ang girlfriend ko?" Seryoso nitong tanong but I knew better. He was just trying to tease Yohan for  a hundred times.

"Ganoon naman si Yohan kung magsalita. Hindi naman siya talaga sumisigaw," Waahhh... Nagsalita na si Maurine at natahimik naman silang lahat bukod kay Jil na nagpipigil ng tawa pero di naman kaya.

"I was just trying to tease Yohan but Maurine just blew up my plan," Kunwari ay dismayadong sabi ni Jae. Natatawa na lang ako sa mga nasasaksihan ko.

"It seems that you're enjoying huh?" Napalingon naman ak9 kay Camila nang marinig ko siyang magsalita.

"Lagi naman silang ganito kapag magkakasama tayo diba? Nakatutuwa silang tingnan," Sabi ko at tumango tango naman si Camila.

"Masaya akong nakilala natin sila," Sabi niya.

"Yeah, sobrang saya. Dati tayong dalawa lang, ngayon, madami na," Sabi ko sabay ngiti.

"Hindi ba kayo nagdedate ng boyfriend mo?" Tanong sa akin ni Camila.

"Kahapon. Tapos mamaya," Sagot ko naman sa kaniya.

"I'm happy for the both of you Eren. Dati nag-uusap lang kami ni Brian kung kailan kayo magkaaaminan. Tapos heto na nga at nagkaaminan na," Sabi niya. Napatingin naman ako sa kaniya.

"Pinag-uusapan niyo kami ni Brian?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo naman! Kung gaano kami kaobvious ay ganun din naman kayo no!" Sabi niya at tumawa.

Natapos ang araw na wala kaming klase kasi may inaasikaso ang mga faculty kaya inasikaso nalang namin yung mga projects namin.

Malapit na rin naman ang finals kaya kailangan na namin matapos ang mga projects namin.

Kinabukasan ay nasa bahay kami ni Camila kasi weekend. Hindi makapupunta yung lima kasi busy rin sila para sa project namin.

"Next month na yung end of school year diba? Tingin mo makapapasok tayo sa top?" Tanong niya sa akin.

"Siguro. Ginawa naman natin yung best natin diba? So, let's just wait for the announcement," Sabi ko at nginitian siya.

Hindi ko talaga maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon. I feel excited. Lagi kasi akong nakapapasok sa listahan ng mga top students at masyado rin akong conscious sa grades ko. I did my best naman kaya hope ko na lang na magbunga ng maganda yung efforts ko this school year.

Kinabukasan pagkatapos naming magsimba ay inaya ako ni Jae na magdate daw kami. Mukhang nakaisip naman ng ideya si Brian at sinabi niya na mag-double date na lang daw kami. Pumayag naman ako kaya sabay kaming apat na namasyal.

Una kaming pumunta sa mall at sinabi ni Camila na may maganda raw na movie na showing ngayon kaya agad naman kaming pumila para bumili ng ticket. Hindi ko naman naisipang magtanong kay Camila kung ano ba ang movie. Nawili kasi ako sa binabasa kong article sa internet naghihintay na makabili sila ng ticket. It turns out that the movie was actually a horror movie.

Wala naman talaga sa akin iyon pero nang nagsisimula na ay parang gusto kong sapukin si Camila dahil nakatatakot talaga yung pinapanood namin.

Nang matapos na ang palabas ay pumasok naman kami sa isang ice cream parlor at bumili ng vanilla at chocolate ice cream. Tawang-tawa si Camila kasi halos nanginginig na yung binti ko nang makalabas kami sa sinehan.

"Baliw ka talaga Camila! Bakit kasi horror yung movie na pinili mo?" Pagmamaktol ko habang kumakain ng chocolate ice cream. Tinawanan lang nila akong tatlo. I just sighed.

"Hindi ka naman kasi nagtanong," Sabi ni Camila. Namasyal pa kami at panay din ang pasok namin sa mga store. Lumabas naman kami sa mall na puro damit ang pinamili.

Malapit nang gumabi kaya naisipan naming pumunta sa parke na malapit lang sa mall. Maganda kasi ang mga palamuti rito lalo na kapag gabi kaya naisipan namin na dito na muna manatili hanggang sa dumilim na nga at mas nakikita na ang naggagandahang ilaw na nasa parke. Napa-karelaxing naman dito.

"Naalala mo, sa park din kita tinanong kung pwede ba kitang ligawan," Sabi ni Jae kaya napatingin ako sa kaniya.

"Oo, natatawa na lang ako kasi hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko sa'yo nun," Sabi ko sa kaniya.

"Akala ko nga ayaw mo talaga sa akin eh," Sabi niya at sabay naman kaming natawa.

"Pero masaya ako ngayon na tayo na. Ang saya-saya ko talaga noong sinagot mo ako. Hindi kaagad ako nakatulog nun. Sa sobrang saya ko ay sinabi ko kaagad kay Mommy. Ang saya niya rin," Sabi niya

Naalala ko nga na tinawagan talaga ako ng mommy niya para iwelcome talaga. Pumunta pa nga ako kinabukasan sa kanila kasi nagpaparty talaga yung mommy niya na parang engagement party na ang nagaganap.

Halos ayaw na ngang lumabas ni Jae sa kwarto niya. Kailangan pa naming hilahin siya palabas.

Those memories are something I'm going to treasure.

"Thank you for this day also. I enjoyed it. Well, I enjoy all our dates but this is something special as well because two of the most important person in our life is with us," Sabi niya at ngumiti naman ako.

This moment is indeed the BEST.


-----------------------

💚🐥

Here it is! Thank you for supporting!

Sorry for not updating so soon. But here it is now🐥💚😍

Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: Aug 11, 2020 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

The Lead Guitarist is my Stalker (EVERLA5TING SERIES #2)Место, где живут истории. Откройте их для себя